<31> Jealousy?

60 4 0
                                    

Maira's POV

Bakit kaya ang tagal bumalik ni Kevin? ni Jace? 

Sabi ni Kevin may pupuntahan lang daw siya saglit tapos sabi naman ni Jace CR lang daw siya saglit, ano bang nangyayare? 

Habang naghihintay ako ay painom inom lang ako sa tubig na nakahain, hindi pa din naman ako nakakakuha ng pagkain kasi nga hinihintay ko si Kevin, sabay kami magla-lunch eh bakit ba? 

Lumipas ang ilang minuto dumating na si Kevin pero may kasama

Si Jace?

Paano nangyari na nasa labas ang banyo? Bakit doon din siya galing? Alam kong nagkaayos na kami pero di kaya?

Hay nako Maira napaparanoid ka lang, baka naman hindi ko lang napansin na lumabas din si Jace pagkatapos mag-cr o di kaya ay doon siya nag-cr sa labas. 

Kay Jace na bibig na mismo galing na tanggap niya na ang nangyayari, pero wala naman siyang sinabi na hindi niya na gusto si Kevin.

Possible kaya?

Wag naman sana. 


"Oh Princess bakit di ka pa kumakain?" salubong na tanong ni Kevin sa akin.

"Hinihintay kasi kita, sabay tayong magla-lunch diba?" balik kong tanong. 

"Ah ganon ba, sorry kung natagalan may tumawag kasi" sagot niya. 

"Okay lang, ano kain na tayo?" pag-aayaya ko. 

"Oh sige, oh Jace sabay ka na sa amin kumain" pag-aayaya ni Kevin kay Jace, hindi ko manlang napansin na nandoon pa pala siya. 

"Ayy nako wag na nakakahiya naman kay Maira" pagtanggi ni Jace, yan mahiya ka talaga date namin toh tapos sasapaw ka? ano ka bahaw? 

"Hindi yan, diba Princess okay lang naman sayo diba?" pagtatanong sa akin ni Kevin, at ang mga mata nila'y nakatitig sa akin parang hinihintay talaga nila ang magiging sagot ko. 

"Oo naman" sagot ko na lamang. Wala ng choice sabihin pa nila na may issue ako kay Jace. 

Plastikan mode: on!

"Okay sige, salamat Maira" sambit ni Jace bago umupo sa tabi ni

Kevin?!

Taray ng babaeng ito ha pwede naman umupo sa tabi ko pero dun pa talaga sa tabi ni Kevin. Four seater kasi itong table na inuukupa namin ni Kevin, wala na kasing bakanteng pang two seater ng makapasok kami rito. Kaya ang nangyari sa pwesto namin magkatabi sina Kevin at Jace sa katapat ng kinauupuan kong couch. Ako pa tuloy nagmukhang third-wheel dito. Ako yung kasama niya! Ako diba?! Girlfri- ay wala pa nga palang kami, basta nililigawan niya ako kaya ako dapat ang bida hindi yung isa diyan na kung makasapaw ay parang bahaw. 

"Ako na ang kukuha ng pagkain natin, nakakahiya naman kasi sa dalawang magandang binibini na kasama ko" saad ni Kevin bago tumungo sa kuhanan ng pagkain. 

Ako lang dapat ang magandang binibini na kasama niya kung hindi lang nakisapaw ang isa diyan.

"Ang gentleman naman" puna ni Jace na muntik ng ikataas ng kilay ko. 

Kalma Maira, ayos na kayo diba? Bakit ka ba nagrereact ng ganito?! 

"Wag mo sanang mamasamain na pinuri ko ang future bf mo, I can't help it eh" malanding sabi ng gaga! Kapal ng mukha. 

"Okay lang, no problem" plain kong sagot, pinipigilan kong maging sarcastic baka mamaya may masabi pa siyang masama sa akin eh. 

Maya-maya pa ay dumating na si Kevin may dalang mga pagkain, buti naman at wala doon ang mga pinamili namin kanina kundi maiinis na talaga ako, para sa amin lang yun okay?! 

Habang kumakain sinubukan kong magbukas ng topic kaso nauunahan ako ng bahaw, wala akong problema sa kapatid ni Jade ha, talagang nakakaramdam lang ako ng inis dahil siya ang kausap ni Kevin sa halip na ako, kaunti na lang bahaw susunugin na kita para maging tutong ka na. 

"Ahmmm Kevin san nga pala tayo pupunta mamaya?" at wakas napansin niya na ako. 

"Oh my gosh Kevin, bakit naman hindi mo pa sinasabi kay Maira?" wait, anong alam niya?! How come? At bakit ba siya ang nasagot, siya ba si Kevin? Sa pagkakatanda ko ay siya si Jace, ang kakambal ni Jade. 

"Alam mo na para surprise" sagot naman ni Kevin sa tanong niya, teka paano ang tanong ko? Ganon na lang yon? Nagsisimula na akong makaramdam ng inis. 

"Kung sabagay you have a point naman" pagsang-ayon ni Jace sa ideya niya. 

"Syempre" at nagsimula na naman silang mag-usap na parang wala ako dito sa tapat nila, nagkwekwentuhan sila gamit ang iba't ibang topic. Tumahimik na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain, nakakahiya naman kasi sa kanila eh, 10 dekada ata hindi nagkausap at napakadaming topic ang pinag-uusapan.  Pinagmamasdan ko lang si Kevin noong una ay simple lang at walang kareak-reaksyon ang mga sinasagot niya kay Jace pero bakit ngayon ay nagtatawanan na sila? Hmp, nagagawa pa nilang magtawanan sa harap ko? Ako ang future girl friend dito! AKO! A-K-O!!!!!!!!!!!!!! 

Maya-maya pa ay nakita kong ngumiti si Kevin kay Jace, nang tinggnan ko si Jace nakangiti din siya rito. Ano, pagkatapos ng tawanan ngitian naman ganon? Sila lang ba ang tao rito? Kung makaasta parang sila lang ang nag-eexist sa mundo. 

Hindi ko na kinaya tumayo ako sa kinauupuan ko at dire-diretso na lumabas ng hotel na ito, hindi ko na magawang tinggnan ang reaksyon nila, mukha naman silang masaya sa mga ginagawa nila ano pang gagawin ko doon diba? Ano ako display lang?! 

Naiinis ako kasi wala akong magawa, ano ba itong nararamdaman ko? Nakakainis na talaga. 

Pagkalabas ko ng hotel I inhaled deeply, at sa hindi inaasahan may pumatak sa mga mata ko, at sinundan pa ito ng isa at hanggang sa nagtuloy-tuloy na ito. 

Teka bakit ba ako umiiyak? Hindi naman ako namatayan diba? Nakita ko lang naman sila Jace at Kevin na nag-uusap, nag-ngingitian at higit sa lahat nakita ko lang naman kung paano ibigay ni Kevin ang atensyon niya kay Jace na sa halip ay akin lang, para akong wala sa harapan nila kung umasta. Ako ang sinama ni Kevin dito diba? Eh bakit iba ang ineentertain niya? Bakit hindi niya ako binibigyan ng atensyon kanina? Ganoon ba siya kadistracted kay Jace? Bakit?! 

Habang tumutulo ang luha ko ay may nagsalita sa likuran ko. 

"Why did you come out?" tanong niya. 

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ko napagpasyahan na humarap sa kanya. 

"Wala nagpahangin lang" pagpapalusot ko, hindi ko siya tinitinggnan sa mata baka malaman pa niyang umiyak ako. 

"You're jealous aren't you?" tanong niya at pilit na itinataas ang ulo ko. 

"Ano namang ikakaselos ko?" maang maangan ko, tama ito pala ang pakiramdam ng nagseselos.

"Coz I'm talking to Jace?" he asked innocently.

"Anong connect?" painosenteng tanong ko.

"I don't know" sagot nito at nagkibit balikat.

"Pati wala naman akong karapatan na magselos" bulong ko sa sarili.

"Well you have the right, I'm giving you my permission, may karapatan kang magselos kasi akin ka at sa'yo ako. Naiintindihan mo?" he spoke like an angry man. I look at him directly I'm shocked, bakit inaangkin niya na ako at bakit parang gusto niya ng angkinin ko siya. When I heard that my heart skipped a beat, Am I really in love? 

"Hindi ka pa sa'kin at hindi pa ako sa'yo" 

"Edi angkinin mo na ako"


Dear Heart,

Bakit ako nakakaramdam nang ganito? Bakit ako naiinis kapag nakikita ko na magkasama si Jace at Kevin kanina?! Selos na ba yun? At ano itong sinasabi ni Kevin? Bakit inaangkin niya na ako kahit hindi pa kami? At bakit parang pinapaangkin niya na ang sarili niya sa akin?! Bakit ko nararamdaman ito? Ano bang nararamdaman ko na?

-Maira

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon