Maira's POV
KRINGGG
Finally recess na!
"Mag-uusap tayo" saad ni Jade at hinila na ako papunta sa kantina. Okay ngayon lang ako hindi naging excited sa recess. Nakalimutan kong may utang pa nga pala akong kuwento sa kanila.
Tiningnan ko ang gawi ni Scian para sana humingi ng tulong, pero nakafocus siya sa celphone niya. Bakit ngayon pa? I badly need help!
Hinintay kong lumingon sa gawi ko si Scian ngunit nakafocus talaga siya sa cellphone niya. Ano bang meron don?
Pagkadating namin sa canteen pumili kagad si Jade para bumili ng makakain namin, mukhang excited na excited ang lukha sa kwento ko. Pumili na kami ng puwesto para makainan, mali pala ako lang ang pumili dahil si Scian nakatingin padin sa cellphone niya at parang may katext siya kasi nagtatype siya.
Dahan dahan akong tumingin sa screen ng phone niya, pero mabilis ang reaction time niya.
"Hoy patingin!" giit ko.
"Ayoko nga!" sagot niya at pilit na nilalayo sa akin ang cellphone.
"De wag" pagsuko ko.
"Ayan nagsend tuloy" biglang sabi niya at pascroll scroll pa.
"Sino ba yan?" usisa ko.
"Secret" mapang-asar niyang wika na ikinakunot naman ng noo ko.
"Hoy baka may boy friend ka na ha! Hindi mo sa amin sinasabi" intriga ko rito.
"Manliligaw nga wala? Boyfriend pa kaya?" sarcastic niyang sabi.
"Good."
"Sa lupit mo ba naman sa mga lalaki eh, paano ako lalapitan ng mga manliligaw?" bulong niya sa sarili pero napakinggan ko, aba bagong linis ata tenga ko!
"Hoy! Pabulong bulong ka pa diyan, napapakinggan ko naman" suway ko sa kanya. Ngumiti naman ang gaga at nag peace sign pa.
"Alam mo naman kung bakit kita pinagbabawalan diba?"
"Oo kasi may sakit ako" saad niya.
"Gusto lang naman kita protektahan, mahina ang puso mo" pagpapaalala ko sa kanya.
"Shhh, wag mo na nga banggitin yan" saway niya sakin, napangiti naman ako, ayaw niya kasi na binabanggit ang bagay na yun.
"Eh bakit si Jade, pinagbabawalan mo din?" curious na tanong niya.
"Tinatanong pa ba yan? Alam mo naman ang sagot" natatawa kong sabi.
"Sabagay baka mabugbog niya yung lalaki" pagsakay niya sa trip ko.
Nagsitawanan naman kaming dalawa.
"Hoy pakinig ko kayo, hagikhikan kayo ng hagikhikan" ang tinig na nagpatigil sa amin.
"Ay hehe" tanging nabanggit ko na lamang.
"Si Jade hindi mabiro" saad naman ni Scian.
Umirap na lamang si Jade at inilapag na ang mga binili niyang snacks para sa aming tatlo.
"Teka nga, bakit ba love life ko ang pinag-uusapan nyo? Diba si Maira dapat ang magkwento?" sambit ni Jade at ngumiti nang nakakaasar sa akin.
"Taray may love life ka Jade?" pambabara ni Scian.
"Wag nyo nga ibahin ang topic, may utang pa na kwento si Maira" pagpupumilit ni Jade, tumawa na lamang ng bahagya si Scian.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...