Maira's POV
Isang linggo na ang nagdaan, at isang linggo na lang ay aking kaarawan na. Isang linggo na hindi nakakausap si Scian. Isang linggo na walang pansinan, walang kibuan. Isang linggo na puno ng hinanakit sa aming tatlong magkakaibigan. Isang linggo na lang birthday ko na, ibig bang sabihin wala si Scian sa aking kaarawan?
-Unang Araw
Kinabukasan wala kaming pansinan ni Scian, naawa na nga ako sa kanya eh kasi wala siyang kasama. Ang tahimik niya pa hindi kami sanay ni Jade kaya maging kami ay nanahimik. Tinanong ko na din kay Kevin kung totoo ba ang pinagsasabi ni Scian. Oo daw pero ginawa niya lang naman iyon para daw malamang kung tapat sa akin si Scian, naghihinala na daw kasi siya. At isa pa ay nilalapitan niya lang si Scian para pagtanungan kung ano ang mga hilig ko, basta tungkol lahat sa akin ang mga tinatanong niya pero hindi niya daw nililigawan si Scian. Baka daw nag-assume lang ang kaibigan ko. Binaggit ko na din sa kanya yung pagbibigay ko ng chance kay Scian para patunayan ang sarili niya sa amin. Pumayag naman siya sa naging desisyon ko.
Sa unang araw gustong gusto ko na lapitan si Scian, ganoon din si Jade pero iniiwasan niya din kami kaya wala na kaming nagawa kundi hayaan na lamang siya.
-Pangalwang Araw
Sinundo ako ni Kevin sa bahay namin, pero ang tahimik ng atmosphere namin dahil ni isa sa amin ay walang umiimik. Gusto ko nang kausapin si Scian at patwarin na namin siya pero umiiwas din siya sa amin. Kilala ko siya kapag sinabi niya gagawin niya. Hindi siya susuko agad agad, ginagawa niya din naman ito para sa grupo naming tatlo.
Mukhang hindi na nakatiis si Kevin dahil umimik na siya.
"Worrying about your friend?"
"Gusto ko na siyang kausapin" pagsasabi ko ng totoo rito.
"Bakit naman? Hindi ba't ikaw ang nagsabi na gawin niya ito?"
"Gusto ko nang bawiin" mangiyak iyak kong banggit sa kanya.
"Huwag. Kailangan niyang panindigan ang ginawa niya sa iyo, sa inyo, pati na din sa akin. Sinisiraan niya ako sayo" reklamo niya.
Napaisip naman ako, kung sabagay hindi lang naman ako ang apektado, pati si Kevin siniraan niya sa akin, siniraan niya ang relasyon namin.
"Yun ba ang dapat na gawin?" paninigurado ko.
"Oo"
Kailangan kong panindingan ang pinapagawa ko kay Scian. Pero paano kapag wala siyang nakuha na ebidensya? Mabubuwag na ba ng tuluyan ang aming pagkakaibigan? Ayaw ko noon, pero paano kung meron siyang nakuha? Ano na lamang ang mangyayari sa relasyon namin ni Kevin? Ayaw ko din mangyari yun. Hihintayin ko na lang na magsorry si Scian at marealize niya na mali ang ginawa niya.
-Pangatlong Araw
Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Jade, nagrerecess. Hindi din kami madaldal katulad ng kasama pa namin si Scian. Palagi kaming nakatulala sa kawalan, nawala na din ang sigla ng aming pagkakaibigan.
"Kamusta na kaya si Scian" biglang tanong ni Jade habang nakatitig sa pintuan ng canteen, umaasa na makita si Scian.
"Hindi ko din alam" malungkot kong sagot.
"Kumakain kaya siya? Ayos pa kaya ang kalusugan niya? Nag-aalala na din ako sa kanya. Kausapin na kaya natin siya?" suhestiyon ni Jade.
"Parang hindi naman natin kilala si Scian. Papanindigan niya talaga ang paniniwala niya, hahanap at hahanap talaga siya ng ebidensya para mapatunayan ang mga sinasabi niya" tugon ko sa suggestion niya.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...