Kevin's PoV
"Ano?!" sabay na sigaw ng dalawang mokong. Grabe ang reaksyon nila sa pagsasagawa ko ng plano ah. Hindi naman ako seryoso sa panliligaw sa kanya ah! It's all part of the plan.
"Bakit hindi mo manlang sinabi sa amin?" OA na tanong ni CJ. Yan isa pang kulo ng playboy yan.
"Bakit kailangan pa ba?" dahilan ko sa kanya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat diba? Hindi ko naman sila mga responsibilidad para laging ia-update sa lahat ng ginagawa ko. At isa pa ay hindi ako reporter na tagapagbalita ng mga ginagawa ko sa araw-araw.
"OO!" sigaw nung dalawa.
"At bakit naman?" angal na tanong ko sa kanila.
"Ka-"
"Heeeepp!" putol ko ng aakmang sisigaw na naman sila. Pasalamat sila ah wala pang tao sa bahay. Kami lang at yung mga katulong. Kasi kung hindi makukutusan ako ni Mommy.
"Pwede bang wag na kayong sumigaw ah?! Nakakabingi na!" pagmamaktol ko. Parang napakalayo namin kasi namin sa isa't isa para magsigawan. Ang lapit lapit lang kaya namin tas sigaw sila ng sigaw kaya pati tuloy ako ay nadadamay na.
"Oo na. Oo na" kalmadong sagot ni CJ.
"Pati bakit ba? Tayo tayo lang naman ang nandito" dagdag niya pang angal.
"Kasi nga nakakarindi na!" pagsagot ko sa katanungan niya. Totoo naman talaga, eardrums ko basag na kanina pa sila sigaw ng sigaw kanina pang umaga!
"Well fine" maarteng pagsuko niya. Ayon pwede naman palang magsalita ng malumanay eh, hindi yung sigaw sila ng sigaw!
"Anyway bakit ba hindi mo muna sinabi sa amin?" at sa wakas nagsalita na din si Ash. Akala ko hangin na lang siya doon eh.
"Bakit ba kailangan ko pang sabihin sa inyo?" pagmamaktol ko. Ano ko ba sila jowa? At bakit kailangan pang sabihin ang lahat ng gagawin ko? Aba straight ako noh, at tumitibok na ang puso ko para kay Scian. Sa kanya lang at wala ng iba pa.
"Dude alam mo ba yang pinasukan mo ah?! Nagpaalam ka sa Mama niya okay?" pagsesermon ni Ash sa akin. Eto na naman nagpapataasan na naman kami ng boses.
Napatawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niyang katangahan. Ako magpapaalam sa nanay ni Maira? Bakit ko naman gagawin yun? Hindi pa naman ako ganoon katanga para ako ang magpaalam sa nanay ng babaeng gagantihan ko.
"And why are you laughing?" dumali na naman sa english speaking method si Ash. Halatang naguguluhan at naiinis na siya.
Hindi pa din ako matigil sa kakatawa. Eh kasi naman eh para silang mga baliw. Akala ko pa naman matalino si Ash, sa academics lang pala. HAHAHAHA!
"Dude ano ba?" iritang sabi ni Ash.
Lalo naman lumakas ang tawa ko sa ekspresyon ng mukha niya. Para silang mga tanga na nanghuhula ng mga pinaggagawa ko.
Isip isip din pag may time mga dude!
"Ke-"
"Dude wag mong sabihin na seryoso ka na kay Maira?" pagpuputol niya sa sasabihin sana ni Ash.
Natigilan ako sa sinabi ni CJ, tumigil ako sa pagtawa at napaayos ng upo. And I gave him a dangerous dead look. Aba't nang-aasar ang mokong na ito.
"What?" painosenteng tanong niya sa harap ko. Painosente pa sarap batukan at ng makabawi na din. Alam na alam niya na talaga ang mga weakness ko eh, at isa na doon yung pang-aasar niya sa akin kay Maira. Akala niya nakalimutan ko na pinagsasabi niya kanina sa buong klase? Pero nagpapasalamat padin naman ako kahit papaano dahil parang naguguluhan si Maira kanina. Kung hindi lang sumabat si Ash ng walang kwentang bagay. Panira talaga kahit kailan.
"I will never be serious to that stupid girl it's just part of the plan. I told you hundred million times na si Scian lang ang gus-" natigilan ako ng magsalita sila
"Si Scian lang ang gusto mo" sabay nilang pagpapatuloy sa sinasabi ko. Aba't bastusan lang talaga eh.
"I know ok? Sinabi ko lang yun para tumigil ka na sa pagtawa! Oh ano ngayon, Eh di tumigil ka din?" patawa tawa pang sabi ni CJ. Aba't talagang, may araw din sa akin ang itlog na toh.
"Oo na lang" iritang sambit ko sa kanila. At lalo pa siyang tumawa, maging si Ash ay nahawa nadin sa tawa ni CJ na parang takas sa mental. Kaunti na lang talaga masasapak ko na itong mga ito. Kaunting pasensya pa Kevin, kaunti pa.Mga kaibigan mo yan ha? Ganyan lang talaga pag hindi mga pinagpala ng kagwapuhan.
"So bakit mo nga ginawa yun?" muling ulit ni Ash.
"Paki mo?" pagmbabara ko sa kanya kaya agad na nag-iba ang reaksyon niya.
"Just tell us dude!" sambit pa ni CJ, halatang nagpipigil pa ng tawa.
"What's the reason? Bakit ka nagpaalam sa mama niya? Alam mo delikado yang ginagawa mo! Kapag napagtagumpayan mo na ang plano mo na paibigin si Maira at pagkatapos ay harap harapan mo siyang lolokohin, posibleng sabihin niya yun sa mama niya. At higit sa lahat baka sugurin ka pa niya dito!" pagsesermon na naman ni Ash sa akin. Wow lang ah minsan lang siya makapag salita pagsesermon pa talaga? Ayyyy nako naman nakakainis!
At ano bang sinasabi niya? Sino bang may sabi na ako ang gumawa noon?
"Alam mo Ash akala ko ba matalino ka? Yun pala sa academics lang!" pagbabara kong muli sa kanya. Minsan talaga duda na ako sa katalinuhan nito baka nga dinuduga niya lang eh, pero syempre biro lang, masipag talagang mag-aral yang mokong na yan kaso nalagpasan ni Maira sa Memorial Prime, kaya naiinis din siya kay Maira at kaya sumasang-ayon din siya sa plano kong paghihiganti, para mapatalsik na namin ang sagabal sa mga buhay namin.
"What do you mean?" cool na namang tanong nito. Ay nako slow talaga.
"Syempre alam ko na yan! Binibiro ko lang naman kayo na nagpaalam ako sa nanay niya eh. Hindi ako yun ok? Pinalabas ko lang na ako. And it's all part of my revenge plan" mahabang discussion ko. Hahaha teacher lang ang peg? Aisshhh Nakakabakla! Hindi ako bakla! Lalaking lalaki ako!
"Now I get it" nakangising sabi ni Ash. Napangiti naman ako ng makuha niya ang plano ko. Sa wakas gumana na ulit ang utak niya. Nako nako kailangan pa pala ng discussion bago niya magets.
"Edi kayo na ang nagkaka-intindihan" nagtatampong wika ni CJ kaya sabay kaming napatawa ni Ash sa kanya.
"Kami lang talaga kasi slow ka" pabirong sambit ko pero lalong bumanas ang awra niya.
"Kung hindi ikaw sino?" iritang tanong ni CJ, nakakunot pa kanyang noo. Haysstt slow talaga kahit kailan. Natatawa naman kami ni Ash sa kanya, siya na lang hindi nakakaintindi ng plano.
"Hologram lang ba ang nagpaalam sa nanay ni Maira? Oh baka naman robot? Oy wag mong sabihin na nagclone ka?" parang tangang pagpapatuloy ni CJ. Para siyang bata ang lawak ng imagination niya.
"Ambobo naman" rinig ko pang bulong ni Ash.
"Bakit kakalangin pa ng hologram? Bakit kakailanganin pa ng robot at higit sa lahat bakit kakailanganin pa magclone?" nagtitimping pagpapaliwanag ni Ash kay CJ.
"Eh sino nga kasi yun?" paiyak nang sambit ni CJ. Napasapo naman ako sa noo ko ng dinadaan niya na naman sa kaartehan ang pagtatanong.
"Si-" magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. At dumating siya. Ang unang sumagawa sa plano kong panliligaw.
"It's me" sambit niya pa sa kanilang dalawa.
Natawa naman ako sa reaksyon nila at sabay silang napasigaw ng,
"KURT?!"
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...