Maira's PoV
Pagkatapos kong magpalit ng uniform ay dumiretso na kami sa room. Kaso nga pala magkakaklase nga pala kami ng tatlong Bruho. You know what I mean. Hehehe. So dahil nga first day ulit ng school puro pagpapakilala, pero history kami ngayon dahil Grade 9 students na kami, mamaya na daw ang pagpapakilala at ngayon daw ay discussion tungkol sa Memorial High. Lahat ng Grade 9 and 10 students ay ganon ang ginagawa kapag first day of school. Kaya ngayon hinihintay na namin ang bago naming teacher.
At pagkatapos ng limang minuto ay dumating na nga ang teacher namin. Ang ganda niya at mukhang dalaga pa, ano kayang name ni ma'am? Sana hindi naman siya istrikta.
"Hi, Good Morning Section 1! I'm Arlyn Joy Vargas and I'm gonna be your teacher for history class. Just call me Ma'am Lyn" pagpapakilala niya sa amin. Ang cute niya magsalita, sa tingin ko hindi nga siya katulad ng mga terror na teacher namin dati.
"Anyway this is the first day of class and since you're grade 9 students I'll just discuss some details about the history of this school. About the language to use in my class, which do you prefer English or Tagalog?" tanong ni Ma'am Lyn sa amin. Sus bakit ba niya tinatanong, eh halata na naman ang isasagot namin.
"TAGALOG!" sabay sabay naming sigaw magkakaklase. Well hindi naman kami taga Amerika para mag english ng mag english, nakakabulol kaya minsan tas mali mali pa grammar namin. Sige husgahan niyo na kami, pake ko? Wag mag linis linisan ha? halos lahat tayo ay ganoon.
Natawa naman ng bahagya si Ma'am Lyn dahil sa attitude namin. Hehe ang cute niya talaga, sana ganon na lang din ako.
"Sabagay pag nageenglish ako sa aking klase ay yung iba ay tulala, yung iba naman ay hindi ako maintindihan at yung iba naman ay maya maya ay nose bleed na" sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Ma'am Lyn. Aba pure filipino students ata kami. Chill kami lang toh ang section 1 ng Memorial High.
"Anyway start ko na yung short discussion about sa may-ari ng school." pagsisimula niya sa discussion. "At sorry nga pala, hindi ko kasi kaya ang pure tagalog kaya Taglish na lang ah?" dagdag niya pa. Sabay sabay naman kaming tumango. Nobody is perfect ha? wag kayong manghusga.
"Okay then si Ms. Shaina McBride, siya ang kasalukuyang may-ari ng school na ito. This school is originally owned by her mother's grandparents. Ang original name ng school na ito ay 'Central Memorial High School'. Kaya ito ay tinatawag ding CMHS minsan. Pero hindi nagtagal ay binago na ito upang hindi maging ganoong kahaba pa. Si Miss Shaina ay may nag-iisang anak na babae kaso inihabilin niya muna ito sa pinakamalapit na kaibigan niya, dahil sa hindi malaman na rason. Let's just respect their privacy baka may malalim lamang dahilan ang pamilya nila kaya hindi na nila ito ibinabahagi. Pero class sad to say that bawal naming sabihin ang pangalan ng anak niya at ang pinakamalapit niyang kaibigan. Because of unknown reason again, medyo private kasi ang mga McBride Family, kaya igalang nalang natin sila. Okay?" sabay sabay naman kaming tumango sa tanong niya pagkatapos niyang ibahagi sa amin ang history ng Memorial High.
"Kilala naman natin ang Principal ng school ang mommy ni Kevin na si Mrs. Kelsea Suarez at ang Engineer naman ay si Mr. Kelvin Suarez" dagdag pa ni ma'am.
"So anyway itong school na ito'y namana niya sa parents niya specifically sa mother niya and sadly to say her parents are dead because of an accident. May they rest in peace. That's all, any question? anyone from this class, just raise your hands" pagpapatuloy ni ma'am Lyn.
Nagtaas naman agad ng kamay si Kevin. "Ahmm ma'am ano pong spelling nung surname niya?" tanong niya, ano bang pakialam niya sa surname nung may-ari ng school? At bakit parang narealize ko na parang magkatunog ang apelyido namin?
"M-C-B-R-I-D-E. bakit mo natanong?" sagot ni ma'am na nagpatigil sa akin. Ganoon din ang apelyido ko, ano kayang connection ko sa kanya?
"Ahmm wala po ma'am ganun lang din po yung surname ni Maira" Sagot ni Kevin sabay upo. Eh? pakialam niya ba sa surname ko? Gusto niya bang paltan? Syemays ang landi mo Maira.
"Aruuuuyyy alam na alam ang surname ni Maira eh" mapang asar na sabi ni Clark or should I say CJ? Ang haba ng name eh, nakakatamad. Siya yung playboy remember? Ginagawa niyang diaper yung mga babae, oras oras kasi ay pinapaltan niya, hehe ang corny.
"Syempre ako pa type ko yan eh" Sagot niya Kay CJ. Napaikot ko ang aking mga mata dahil sa inis. Nang aasar na naman panigurado yan. Nagsisimula na naman ng panibagong gulo.
"Type mo pero tinapunan mo ng juice kanina?" pabalang na sabi ni Ashvin or should I say Ash? Mahaba din ang pangalan niya eh, pati yun din naman ang mga nickname nila. Yan, yan naman ang nerd boy sa kanila pero bad padin yan! Kinakampihan niya kasi itong bad boy sa halip na patigilin na lang. Syemays nasan ang talino niya? Nasa talampakan?
"Just shut up dude" Sagot ni Kevin or should I say.... Hmm wala akong maisip hahaha. Grabe ah naningkit pa ang mata ni Kevin kayna CJ at Ash. Hihihi cute. What? Did I just say cute? Ahhh! Erase erase hehehe. Oo na! Oo na! Aaminin ko na may 10% crush pa ako sa kanya. Oh diba sukat na sukat! Ganyan talaga pag matalino. Hehehe. My feelings should be precise, wala lang kasi matalino ako at feel na feel ko yun.
"Keep quiet Class" sigaw ni ma'am Lyn kaya napatahimik sila "Kaya niya siguro ginawa yun ay dahil nagpapansin lang siya kay Ms. McBride" pagsagot ni Ma'am Lyn sa sinabi ni Ash kanina. Kaya naman kanya kanyang react ang mga kaklase namin.
Syemays bakit ako nadamay dito? kasalan toh ng mokong na yun eh.
"Just joking" pagbawi ni ma'am sa kanyang sinabi. Pero yung mga kaklase ko tuloy padin, hay buhay.
"Hmm anyway, kaano ano mo si Shaina, Ms. McBride?" tanong sa akin ni ma'am, kaya napatigil din ang mga kaklase ko sa pagkakantyawan. Lahat sila sa akin na nakatingin, emeged enebe? Baka naman sabihin pa nila attention seeker ako.
"Ahmm di ko po alam ma'am eh, tanong ko na lang kay nanay baka kakilala niya yun" Sagot ko sa tanong ni ma'am. Hindi ko naman talaga kilala eh.
"What's your mother's name?" tanong niya muli.
"Sunshine, ma'am" maikling sagot ko. Yup that's my mother's name Sunshine McBride, hehe ang cute diba? O wag kayo nanay ko yan.
"Hmm familiar. Ahh okay class let's meet tomorrow and class dismissed for now" sabi ni Ma'am Lyn. Familiar? Bakit Best Friend niya ba si mama? Hehehe matanong nga mamaya pag-uwi ko.
Dear Heart,Sino kaya si Miss Shaina McBride at bakit miss padin siya? Diba may anak na siya? Ah baka naman hindi pa kasal, ang tsimosa ko naman.
-Maira.
...
Natapos ang buong araw ng puro pagpapakilala at bukas naman ay officially start na ang class namin. Hindi na ako sumabay Kay Jade dahil Sabi ko ay may dadaanan lang ako pero wala. Hehehe nakakahiya na talaga eh di ko na kaya.
Habang naglalakad ako ay naalala ko ang sinabi ni Ma'am Lyn. Sino Kaya si Shaina McBride? Tita ko kaya siya? Oh baka naman ninang? Yieee excited na akong malaman.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...