<93> Never Give Up

38 5 0
                                    

Maira's POV

Isang linggong palugit, isang linggong walang ako sa buhay niya. Sana naman sapat na yun sa kanya para makapag isip isip. Walang break up na magaganap sa amin, alam kong kailangan niya lang ng pahinga at space. Yun ang ibibigay ko sa kanya. Cool off ang tamang term para sa aming relasyon ngayon. 

Lunes, hindi ako papasok ngayong linggo na ito dahil kailangan kong lumayo kay Kevin. Nakapagsabi na din naman ako kayna Jade at Scian at sila na daw ang bahalang magdala ng lectures sa bahay. 

Kasalukuyan akong nakamukmok sa kama, ala syete na pero nandito padin ako dinadama ang lambot ng kama ko. Kasabay din ang pagtitiis sa sakit ng mga krayom na patuloy na tumutusok sa puso ko. Sana pagkatapos ng isang linggo na ibibigay ko kay Kevin, ay mga krayom ding ito ang magtatahi ng sira sira kong puso. Sana nga matatahi pa ang pagkabutas ng puso ko. Sana bumilis na ang takbo ng mga araw para matapos na kaagad ang isang linggo na walang siya. 

Desisyon mo yan, panindigan mo.

Kung tutuusin naman ay kasalanan ko din, bakit kasi isang linggo pa ang ibinigay ko? Pwede namang apat na araw, o di kaya naman ay tatlo, pero pwede din naman na dalawang araw lang, pero mas maganda padin talaga pag isang araw lang. 

"Syemays naman kasi Maira!" frustated kong sabi sa sarili. 

Tama lang ang naging desisyon ko. Hindi gaano kabilis at hindi din gaano katagal ang binigay kong panahon para sa kanya. 

"Namimiss ko na siya" bulong kong muli sa sarili.

Natauhan lang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Magpapanggap pa sana akong tulog at masama ang pakiramdam kaso naunahan na ako dahil pagkakatok nito sa pinto ay agad na itong pumasok. 

"Anak, Maira bakit hindi ka pa bumabangon diyan? Seven na ah? Seven-thirty ang start ng classes nyo" bungad na tanong sa akin ni Mommy. 

Magpapalusot pa sana akong may sakit kaso naunahan niya na naman ako, kinapa niya na kagad ang leeg at noo ko. 

"Wala ka namang sinat, bakit hindi ka pa nag-iintindi?" naguguluhang tanong nito sa akin. 

Hindi ko pa naman kasi nasasabi sa kanya ang naganap kahapon at yung desisyon ko para sa sarili ko. 

"May hindi ba ako alam Maira? You know naman na pwede mo akong sabihan diba? Mommy mo ako" nag-aalalang bilin sa akin ni Mommy. Hindi padin ako makapagsalita dahil nagtatalo ang isip at puso ko kung magsasabi ba ako o hindi. 

"Ano bang nangyari kahapon, ha?" tanong niya muli kaya doon na bumigay ang mga hikbi ko. Muling naalala ang mga masasakit na salita na binitawan sa akin ni Kevin. 

"O my gosh" natatarantang saad ni Mommy at niyakap niya ako. Finally, I felt loved. Mother's love is the best talaga. 

"Ssshhhh just let your tears out, I'm here for you anak" pagpapatahan niya pa sa akin. Lalong bumuhas ang mga luha ko at niyakap ko nadin si Mommy. I keep murmuring unnecessary words while crying. Hindi naman ako pinigilan ni Mommy kaya mas mabilis kong natapos ang pag-iyak ko. 

"You can tell the whole story to me" alinlangang tanong niya sa akin, tumango na lamang ako at nagsimula ng magkwento. 

"Kaya pala naging iwas sa akin ang tita mo" iyang ang naging reaksyon ni Mommy pagkakwento ko. 

Doon ko naalala, dati nga palang magkaibigan sina Mommy at tita. Kaso unti-unti iyong nawala at ang biological father ko pala ang naging dahilan. 

"Nagmahal lang siya, wala naman siyang kasalanan" pagpapatuloy pa niya. 

"Pinapatawad mo na ba siya, Mommy?" kinakabahang tanong ko rito. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon