<89> Kurt's Story

34 6 0
                                    

Kevin's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas noong masalinan ng dugo si Kurt. At mula noon ay nailipat na din siya sa private room. Wala na sa binggit ng kamatayan ang kakambal ko at dahil yun kay Princess. Pero hindi pa din siya gumigising, kaya heto kami ngayon at hinihintay ang paggising niya sa kalagayan niya. 

Apat na araw ko ng hindi nakikita si Princess na dumadalaw rito, inaasikaso niya kasi ang pagbalik ni tita ngayon. Pero ngako naman siya na dadalaw sila ni tita rito kapag nakauwi at nakapagpahinga na ito. 

Kaya ako lang muna ang naririto ngayon. Araw ng sabado kaya ako muna ang magbabantay ngayon. Tuwing weekdays kasi ay tuwing hapon lang ako nakakapunta rito dahil pumapasok pa ako sa school, gusto ko nga sanang umabsent eh kaso sinalungat yun ni Princess. Kesyo daw hindi magugustuhan ni Kurt na umaabsent ako para lang mabantayan siya. Kailangan ko daw magpakatatag, at dapat patuloy padin ang buhay. Naiintindihan ko naman ang point niya pero hindi ko padin mapigilang isipan na baka may mangyaring masama kay bal. Si Mommy nga eh sa hospital na dinala ang trabaho para mabantayan siya. At napagkasunduan namin na tuwing sabado ay ako ang magbabantay at si Mom ay magpapahinga. At sa linggo naman ay kaming dalawa ang naririto. 

Meron din namang ibang dumadalaw, yung mga kaklase niya, kaibigan, at sa hindi ko inaakala ay yung babaeng nililigawan niya ng isang taon ay dumadalaw din araw-araw. Nagtataka na nga ako eh, parang hindi na ako ina-update ni Kurt sa status nila. Minsan ko na kasing nahuli na lumuluha yung babaeng nililigawan niya, o baka naman ay girlfriend niya na. 

Sa loob din ng dalawang linggo na iyon naiburol at nailibing na namin si Daddy. Nakakapanghinayang nga lang na hindi na nakasama ni Kurt sa libing, kasi akala namin gigising na siya sa araw ng libing kaso nagkamali kami. Mahirap kalabanin ang kamatayan, mabuti na lang at patuloy na nilalabanan ni Kurt yun para lang makasama  niya ulit kami. 

"Bal, gising ka na diyan oh" bulong ko sa kanya at hinawakan ang kanang kamay niya at nagbabakasakaling magising na siya sa araw na ito. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng kama niya, si Mommy naman natutulog sa sofa. 

Naramdaman ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto na ito at ng lingunin ko ito ay sina Princess at Tita Shaina ang nakita ko. 

"Kamusta na si Kurt?" tanong ni tita sa akin at doon naalimpungatan si Mommy. 

"Sa ngayon po ay ayos na po siya, hinihintay na lang po namin siyang magising" magalang na sagot ko. Napatango naman siya at bumaling kay Mommy. 

"My condolences" wika niya. 

"Salamat" tugon ni Mom. 

Nagulat ako ng muling bumukas at sumara ang pintuan ng kwarto at pumasok doon ang isang babae. 

"Ayy sorry po, babalik na po ako mamaya" magalang na saad niya at dali daling umalis sa kwarto. 

"Anong ginagawa ni Jace dito?" nagtatakang tanong ni Princess sa ere kaya nilapitan ko siya at ibinulong ang nalalaman ko. 

"Ahhh" patango-tangong saad niya. 

Maya maya pa'y bumukas na naman ang pintuan at iniluwa niyon sina CJ at Ash. 

"Nakita kong galing si Jace dito, anong ginawa non?" bungad na tanong ni CJ at binababa ang isang basket ng prutas. 

"Don't act like you didn't know" pambabara ni Ash sa kanya at siya naman ay may dalang kutkutin. Nagmake face naman si CJ sa kanya kaya sinamaan ito ng tinggin ni Ash. 

Nagulat kaming lahat ng biglang umirit si CJ. 

"Hoy ano ba?!" pagsasaway ko rito. 

"Nakita kong gumalaw yung kamay ni Kurt" pagmamalaki nito kaya agad naming tininggnan si Kurt, pero hindi naman gumagalaw ang kamay niya. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon