Kevin's PoV
Nakatanaw ako sa lintek na babaeng yun palabas ng canteen. At talagang hindi ko mapigilan ang inis ko sa kanya.
Nakakainis na kaya ang babaeng yun. Talagang naisahan na naman ako. Sampalin ba naman ang napaka gwapo kong mukha, at sa harap pa talaga ng madaming tao ah. Tapos sasabihin niya sa akin bayad niya yun at keep the change pa daw ba?! Mukhang ba akong tindahan para magbayad siya at para sabihan ako ng keep the change? Mukha bang kailangan ko ng sukli sa pinaggagawa niya? Wala akong pakialam kung masaktan siya. Deserve niya yun! Patanga tanga kasi siya eh, kung hindi na sana siya naglalaban sa akin edi sana hindi na aabot sa ganito. Nakainis! Nakakabanas na! Paulit ulit niya lang ginagawa ko ito. Nakakasura na ha! Kailangan kong bumawi.
Ano kayang magawa sa kanya? Yung pang bigtime na sana para mapalayas ko na din siya school na ito para wala na akong makitang maglalaban pa sa akin. Ako lang dapat ang maangas dito, school ko ito! Ay hindi pala, school ito na pinamumunuan ng Mommy ko at ginawa ng Daddy ko. Basta para sa akin, sa amin ang Memorial High, kahit na hindi. Basta gusto ko lang mawala siya rito para tapos na.
"Wahahahawaw" mapangasar na sabi ni CJ habang kapit kapit ang bewang ng bago niyang babae. Ito namang babaeng ito patol pa alam na playboy itong kaibigan ko.
Playboy yan pero nasa loob ang kulo.
"Shut up dude" naiiritang sagot ko.
"Kevin nakakailan na yang babaeng yan ah hindi mo ba gagantihan?" mapag-alalang sabi ni Ash. May pagka nerd lang yan pero tropa ko pa din yan ha. Nerd dahil masipag mag-aral hindi nerd dahil mukhang nerd.
"That's it Ash! Ang talino mo talaga!" pasigaw na sabi ko. Kami kami lang ang magkakampihan dito, kami lang at wala ng iba.
"What do you mean dude?" mapagtakang sabi ni Ash.
"Gagantihan ko siya gaya ng sabi mo" I said cooly.
"So what's your plan?" singit ni CJ.
"Simple but terrible" nakangising sabi ko. Habang nag-iisip ng magandang plano.
"Get straight to the point dude" seryosong sabi ni Ash. Napaka mainipin talaga tsk tsk.
"Nag-iisip pa nga kasi Ash hintayin mo naman" sabat muli ni CJ kaya sinamaan siya ng tinggin nito.
"All right dude don't act like that, it's weird" angal ko.
"Just say it!" sigaw ni CJ. Aba talagang kumampi na siya kay Ash ha. Talagang nagtutulungan pa dalawang itlog na ito. Pag-untugin ko kaya sila at ng mabasag na. Just Kidding. Hindi sila itlog mga mokong sila yun lang.
"Okay fine but can we get outside first?" I asked to them, I want privacy ayaw kong nakikita palagi yung mga babae ni CJ. Kasi una sa lahat halos kada araw iba ang kasa kasama niya. Pangalawa okay na sana kung magkakaiba iba ang babae na yon kaso tanga talaga itong CJ eh pipili na nga lang nakakasuka pa ang mukha. At pangatlo, bakit ang tatanga ng mga babaeng natutuhog nitong kaibigan ko. Alam na ngang Campus Playboy andami pading nagpapantasya sa kanya, hay mga desperada.
Kung alam lang nila ang kulo niyan baka hindi na nila patulan pa.
"And why?" sabay na tanong nung dalawa. Mukhang nagtataka pa, hindi ko alam kung slow itong mga ito o ano, hindi ba sila nakakahalata?
"Kasi ang daming nakatingin sa atin?! Look around dudes" seryosong sabi ko sa kanila. "I want to talk privately" dagdag ko pang sabi.
"Well okay!" mahiya hiya pang sabi ni CJ sabay tingin dun sa hipon na palaging nangangati. "I'll see you later hon" sabay halik niya dun sa babaeng hon pala ang tawag, kung hindi ako nagkakamali ay pang 47 na hon niya na yun. At ito pa ha, take note lips to lips in public? Napangiwi na lamang ako dahil napaka PDA nila, ganon din naman si Ash diring diri din. Pagkatapos ng PDA moments nila ay umalis na yung hon na mukhang hipon na tinusok ng pating.
Nang makaalis na ito ay parang nakakaramdaman ako ng awa dun sa babae dahil baka mamaya ibang babae na naman ang kasama nitong si CJ. Oras oras na lang kung magpalit. Aish wala na ako dun, bahala siya sa buhay niya. Basta wag niya lang idadagdag si Scian sa koleksyon niya kung hindi ay itatakwil ko na siya bilang kaibigan. Hindi ako nagbibiro, I'm damn serious.
"Ohh Ano pang tinutungaga mo dyan?" naiinis na sabi ni Ash. Tsk sarap balibagin ng salitang patience eh.
"Lalabas na nga diba? Lalabas na" I answered. Si CJ naman patawa tawa lang.
****"So ano ang plano?" bungad agad ni CJ pagkadating ko palang sa labas ng canteen. Aba nahahawa na ata ito kay Ash eh, sarap ipaghampasan ang salitang patience sa mukha nila.
"Bakit ba atat na atat kayong malaman?" angal ko. Patience lang ang hinihingi eh, atat na atat agad.
"SABIHIN MO NA LANG!"sbaay nilang sigaw. Ayy Nakakabingi! Sa tindi, ugong ang tenga ko.
"Oo na sasabihin na nga eh" sigaw ko din pabalik, akala nila sila lang marunong sumigaw? Ako din! Magsigawan na kami rito, palasan na lang.
"Papaibigin ko lang naman si Maira eh! Yun lang ok?" pagsasabi ko ng napagplanuhan kanikanina lang.
Sabay nagkatitigan ang dalawa. At maya-maya lamang ay sabay nila akong binatukan.
"Aray! Bakit ba?! " angal ko sa kanila. Balak ba nilang maging wrestler? Pucha anlalakas kung bumatok eh.
"Yun lang naman pala ang sasabihin mo bakit pinatagal mo pa?" angal ni CJ. Halatang inis na inis kasi naman nasayang ata ang napakaginto niyang oras dahil sigurado akong makikipaglampungan na naman siya sa iba't ibang hipon ngayon kung hindi lang ako nagpatawag ng short meeting. Bakit kaya hindi niya gawing tempura yung mga hipon na yon at ng pakinabang naman ng mabuti.
"Para surprise?" patanong kong sabi kasi hindi ko din alam ang dahilan. "Hehehe" napakamot ako sa batok ko dahil sa sakit at dahil sa ang sama ng tingin nila sa akin.
"Ayoko kasing malaman ng iba at ayokong pinagtitinginan ang kagwapuhan ko" sa wakas ay nakapagbigay nadin ako ng maganda gandang dahilan. Napailing na lamang sila sa dahilan ko. Hindi na lang kasi tanggapin na napakagandang binata ko.
"Pano ka naman nakakasiguro na magtatagumpay ang plano mo?" cool na tanong sa akin ni Ash. Minsan may pagkabobo din itong Ashvin na ito, hindi muna mag-isip bago magtanong.
"Dati kasi nung grade 7 napakinggan ko sa mga tsismosa ng campus na may crush daw sa akin si Maira" kampanteng sagot ko. Hindi ako tsismoso o kung ano man ang lakas kasi ng mga bibig nila eh. At isa pa ay napakinggan ko na din iyon mula sa magkakaibigan mismo.
"Naniwala ka naman?" natatawang tanong ni CJ.
"Oo! Dahil mas mabilis pang kumalat ang mga tsismis kesa sa balita" tugon ko.
"At hindi naman lahat ng tsismis ay totoo" sagot naman ni Ash.
"Kaya nga tsismis" pailing iling pang gatong ni CJ kay Ash, aba't talagang nagkakampihan na itong dalawa ah. Kung hindi ko lang sila kaibigan mapaghihinalaan ko silang may gusto sa isa't isa. Pero syempre biro lang.
"Aish Basta Papaibigin ko lang siya tapos gagawin ko siyang tulay para makalapit Kay Scian. Oh diba 2-in-1!" proud kong sagot. Aba ang ganda kaya ng plano ko, parang naging kape na sa katalinuhan ko.
"Ano si Maira ice cream at naging 2-in1?" ayan na lumabas na kulo nitong si CJ.
"Bobo hindi lahat ng ice cream 2-in-1" iba talaga pag sumobra sa kabobohan, ay hindi pala sa pagiging isip bata.
"Yung kape din 2-in-1" hehe" dagdag pa niya kaya napasapo ako sa noo ko.
"Mukhang mga pagkain" puna ni Ash kaya tumawa na lamang kami ng pilit.
"Bahala ka nga sa buhay basta suportado ka pa din namin dyan sa pinaplano mo" sabi ni CJ.
"Yeah we will support you Kevin" dagdag pa ni Ash.
Just wait for my revenge soon Princess Shamaira McBride.....
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...