<17> Hell

55 5 0
                                    

Maira's POV

Dahil ngayon nga ang last week before ng sem break namin halos lahat sa amin kagulo. Pag sinabing gulo hindi suntukan ha! Wag kayong OA! Ibang gulo ang nasa isip niyo ang ibang gulo ang tinutukoy ko. 

Kagulo halos ang buong section 1 dahil hindi magkaintindihan sa pagcocompile yung iba tapos sunod sunod naman ang mga summative tests namin, kaya ayon ang mga kaklase ko hindi magkandaugaga kung anong uunahin, pagrereview o pagcocompile

"Delubyo na yan"

"Ayos din ang school eh pagsabay sabayin ga naman"

"Nakakastress"

'"Nakakademunyo na!"

"It feels like hell" 

Ilan lang yan sa mga napapakinggan ko sa mga kaklase ko na nagcracramming. Sus kasalan din naman nila yun mas inuuna nila ang paggawa ng kung ano anong bagay bago ayusin ang mga school works, hay kabataan nga naman. Wow Maira hindi ka na ba kabilang sa kabataan? Hehe joke lang naman yun pero parang ganon kasi sila sa napapansin ko hehe. Opinyon ko lang yan ha! Baka kasi may magjudge na naman balibagin kita dyan eh! 

Kung ako naman ang tatanungin nyo kung anong ginagawa ko ngayon, wala naman nakatunganga sa mga kaklase kong nababangag na sa stress. Bakit wala akong ginagawa? Well matagal ko ng inasikaso yang mga pagcocompile na yan, kada bigay samin ng mga output, activities at quizzes nilalagay ko na agad sa folder para konting ayos na lang ay nakacompile na, o diba? Ang talino ko talaga. Sinubukan ko ng ishare sa buong klase ang idea na yun pero hindi nila ako pinakinggan kaya eto sila ngayon nagcracram. 

Sina Jade at Scian? Eto kasama ko din na nakatunganga sa mga kaklase naming stress out na. Well gaya ng mga ginawa ko ganon din sila, sila lang kasing dalawa ang nakinig sa payo ko sa buong klase. Well kasalanan na nila yon noh! Sila na nga binigyan ng tips para hindi magcram pero hindi nila ako pinakinggan kaya bahala sila sa mga buhay nila! 

"Uyy Maira tara review muna ng kaunti, may test ngayon diba?" si Jade yon habang hinahakwat yung bag nya naghahanap ata ng reviewer. 

"Ano ka ba Jade? Sa sobrang talino ng kaibigan natin hindi na nagrereview yan" si Scian naman yon, problema nito mukhang humuhugot ah, pagtingin ko sa kanya patawa tawa ang luka, ay nako iba na talaga tama ng kaibigan kong ito saan ba merong pinakamalapit na hospital? Yung pang baliw sana, ano nga ulit ang tawag don? Ah ayon Mental Hospital.

"Grabe ka naman sa akin Scian, di ko maintindihan kung may galit ka sa akin o nababaliw ka na talaga" patawa tawa kong sabi, si Jade naman nagpipigil ng tawa. 

"None of the above, bes" pakikisakay ng luka, si Jade naman ayon mamatay na ata sa kakatawa, siya ata ang dapat madala sa mental hospital eh. 

"Pfffttt nakakatawa talaga kayong dalawa para kayong mga baliw" sabi ni Jade.

"Makabaliw naman ito oh, nakakahiya naman sayo" pambabara ni Scian, tumigil naman sa kakatawa si Jade. 

"Mahiya ka talaga sa akin" proud pang sabi ni Jade. "Relax lang kayo ako lang toh si Jade kaibigan niyo" dugtong pa niya.

Napatampal naman ako sa aking noo, ano namang espiritu ang sumapi kay Jade? HAHAHAHA chz.

"Basta pag sumikat ka ha wag mo kaming kakalimutan" pagsakay ko sa trip niya. Si Scian tumatawa na si Jade naman mamatay na ata, nakahawak na sa tiyan eh. 

"Dami nyong alam magreview na nga lang tayo" pagpigil ni Scian sa aming dalawa. Nagkibit balikat na lang si Jade at ako naman ay tumango na lamang.

****

Pagkatapos ng madugong labanan, oh patapusin niyo muna ako ha, hindi ako nakipagbarilan o nakipagsaksakan at mas lalo naman na hindi ako sumabak sa giyera, wag OA. Natapos na namin ang mga test para sa araw na toh -- yun yung madugong labanan, bakit ba? nakakdugo kaya ng utak buti na lang talaga nagreview ako sa bahay at nagreview pa kami nina Jade at Scian. 

Uwian na at inaayos ko na lamang ang mga gamit ko para naman makauwi na at makapagreview para sa quarterly exams. Wala akong balak bumagsak dahil baka mawala ang scholarship ko sa school na ito, at ayaw kong madisappoint at mapahiya kay nanay. 

"Uy Maira una na kami ni Scian" pagpapaalam ni Jade sa akin, well alam na naman nila na si Kevin ang maghahatid sa akin sa bahay eh, kaya wala na silang choice kundi pabayaan na lamang ako. 

"Bye Princess" habol pa ni Scian bago sila naglakad ng mabilis ni Jade. Ang mga kaibigan ko talaga mga luka luka palagi na lang nang-aasar. Pero kinikilig talaga ako dun sa 'Princess' keme na yon. Hehe slight lang naman.

"Hey Princess, ready ka na ba?" tinig na ikinagitla ko.

"Ay Princess!" gulat kong sigaw. Paano ba naman si Kevin bigla na lang niya ako tinawag nasa likuran ko pala, syemays buti na lang talaga at wala akong sakit sa puso!

"You look so cute on that reaction" patawa tawa pang sabi ni Kevin, nang-aasar ba toh? Syemays! Kinikileg ako sinabihan niya ako ng cute! Another compliment from him.

"H-ha? t-tala-laga b-ba?" syemays bat ako nabubulol? Lakas na talaga ng tama ko kay Kevin, shhhhh lang kayo dyan. 

"You look cuter kapag nagkakaganyan ka" he said while smiling widely! Syemays ayan na naman yung mga ngiti niyang nakakainlab! Umiwas na lang ako ng tinggin sa kanya dahil feel ko nag-iinit na ang pisngi ko. 

"Pfffttt, tara na nga Princess, baka di ako makapagpigil sa kacute-an mo" natatawang sabi niya at nagsimula ng maglakad, sumunod naman ako sa kanya. Syemays naman! Why naman ganito? Ako'y kinikilig lalo, pisti yawa! 

Pero minsan nagtataka talaga ako sa mga napapanood at nababasa ko kasi hindi ganoon ka straight kung magsabi ang mga lalaki ng nararamdaman nila sa babaeng minamahal nila. Kaya napaisip ako totoo kaya ang nararamdaman niya sakin? Arghhh napaparanoid naman ako, bakit ba ganito palagi ako mag-isip? Alam ko naman na tunay ang lahat ng ito noh! Hindi naman niya ako ipagpapaalam kay nanay kung hindi siya seryoso sa akin diba? 

"PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE" rinig kong sigaw ng kung sino kaya napatigil ako sa malalim na pag-iisip. Haharap na sana ako sa direksyon na pinanggalingan ng sigaw ng buong pangalan ko! ng may humatak sa buhok ko.

Syet napakasakit, nakapuyod pa mandin ako kaya lahat ng buhok ko nasabunutan niya and it feels like HELL! 


Dear Heart,

Ayos na sana ang araw ko kung hindi lang ako nakaramdam ng napakasakit na sabunot sa kung sino. Napaka kapal naman pala ng mukha ng sumabunot sa akin noh?! Sino ba siya at bakit ang lakas ng loob niya na manakit? Napakamaldita naman, hindi muna iniisip kung makakasakit siya o hindi! At talagang dito niya pa naisipan sa open area ha?! Para siya si- . Teka hindi si ano ito?

-Maira.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon