Maira's POV
Haaaaayyy nakakaantok maglakad, yes tama kayo naglalakad ako ngayon papunta sa school kasi trip ko lang, bakit ba? Kelangan ba palagi ng rason sa lahat ng bagay? Hindi naman diba? Naglalakad ako ngayon kasi TRIP.KO.LANG. okay?
Ansaya kaya maglakad, akalain mo yun natatanaw mo na nga yung mga nagtataasang building, ang ganda ng view pramis! Tapos nakakalangghap ka pa ng sariwang hangin na kulay itim at higit sa lahat nakakapag exercise ka pa! nakakangalay nga lang. O di ba ANSAYA!
Arrgghhhh kainis naman kasi akala ko masaya maglakad kaso nakakaiyamot pala, pero mas nakakaiyamot siya!
5:30 pa lang umalis na kagad ako sa bahay para alam nyo na, makaiwas sa masamang delubyo! Ayoko ngang makasabay siya, pagkatapos niya ako murahin tas ipagmukhang mang-aagaw makikisabay ako sa kanya? No way! A big NO!
Naglakad na lamang ako kasi naman nakakahiya na sumabit pa kayna Jade at baka masabunutan na naman ako ng kapatid niya. At saka kay aga aga pa kaya, wala naman akong magawa, buti na lang nga hindi nakahalata si nanay, hehe ganda pa nga ng paliwanag ko sa kanya eh.
Flashback:
"Nay alis na po muna ako" paalam ko kay nanay sabay mano sa kanya.
"Nak ang aga pa naman ata?" nagtatakang tanong ni nanay.
"Ay nako nay kelangan ko talagang maging maaga, output namin yun sa Mapeh eh hehe" pagpapalusot ko.
"Anong connect nak?" tanong pa niya.
Napakamot naman ako sa ulo ko, hindi sa may kuto o lisa ako ha! Excuse me buhok mayaman toh, alagang alaga sa aloe vera ni nanay!
"Nay naman sa PE kasi yun, kelangan daw ng physical fitness test o pft" pagpapatuloy ko sa aking palusot, 'nay sige na paalisin nyo nako' yan ang nais kong sabihin kaso baka makahalta.
"Ano yung pft nak?" eto naman si nanay ang daming tanong eh.
"Kunware nay, kukuhanin ko muna ang heart rate ko bago ako maglakad at pagkatapos ko maglakad, ganun din ang gagawin ko sa pagtakbo" pagpapaliwanag ko.
"Ah ganun ba yun anak?" tumango naman kagad ako.
"Eh bakit ang aga mo naman umalis? Hindi ba pwedeng dito mo na lang gawin yan sa bahay?" sunod sunod niyang tanong, huhunezz hirap talaga makalusot kay nanay.
"Kasi naman nay sayang naman yung paglalakad ko kung paikot-ikot at pabalik balik lang naman ako sa bahay diba? Kaya naisip ko na yung ilalakad at itatakbo ko para sa ouput na ito ay gagawin ko na lamang papunta sa school, o diba nay? Hitting two birds with a one stone" kay habang eksplanasyon ko kay nanay, sana naman ay pailisin niya na ako.
"Katalino mo talagang bata ka! O siya sige basta pagkapasok na pagkapasok mo magpalit ka kagad ng damit ha, eto oh" sabay abot sakin ng uniporme ni nanay, nilagay ko naman iyon sa bulsa ng bag ko.
"At higit sa lahat mag-iingat ka sa daan baka masagasaan ka ng truck o baka naman ay maduling ka sa pagtawid" ang OA ni nanay, truck ba naman? Hindi ba pwedeng motor o bike na lang? At saka anong maduling sa pagtawid? Hindi naman ako naglalasing. Gulo talaga ni nanay.
"Sige po nay makakaasa po kayo sa akin" sagot ko na lamang at nagmano ulit, lalabas na sana ako ng tuluyan ng bigla akong tawagin ni nanay, ay ano na naman ba?
"Alam ba ni Kevin na ganto kaaga ang alis mo?" tanong niya sakin, syemays bakit binanggit niya pa ang dahilan ng pag-alis ko ng maaga? What to do?
"Oo naman nay, nag-usap na kami kahapon at yun din daw ang gagawin niya katulad nung sa akin" pagsisinungaling ko, syemays sana effective.
"O siya sige humayo ka na" buti naman at pinaalis na ako ng tuluyan ni nanay.
End of Flashback.
Kaya eto ako ngayon naglalakad papunta sa magarbong school. Tinitiis ang amoy ng mga usok galing sa mga sasakyan, at higit sa lahat tinitiis ang ngalay ng paa ko. Kaunting tiis na lang Maira malapit ka na naman sa school, natatanaw ko na nga yung gate eh! Keri pa toh!
BEEEEEEEEEEEP malakas na busina ng kung ano mang sasakyan, hindi ko na lamang pinansin dahil bakit ko naman papansinin? Wala naman akong dahilan kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Habang naglalakad may bigla namang humigit sa kamay, nabigla ako kaya naman naitulak ko kagad yung humigit sa akin.
"Awww" sabi ng nanghigit sa akin, agad naman akong napalingon kasi pamilyar ang boses ng isang toh.
"Ansakit naman nun Maira" maktol niya pagkaharap ko.
"Hala Jade sorry, akala ko kasi kung sino" sabi ko nagmamadaling tulungan siya na tumayo.
"Lakas ng sapak mo ah" maiyak iyak niya pang sabi, hehe ang cute.
"Bakit mo naman kasi ako hinigit? Akala ko naman kasi ibang tao" pagpapaliwanag ko.
"Isasabay lang naman sana kita eh, nakita ko kasi ikaw na naglalakad sa eskinita na ito kaya naman naisipan kong isabay ka kasi parang nanakit na yang mga paa mo" saad niya.
"Ahhh ganoon ba? Pasensya ka na ha, hehe gusto ko mang sumabay sayo kaso baka masaktan na naman ako ni-"
"Hindi ko kasabay si Jace, sadya akong nag-umaga para hindi siya makasabay" putol niya sa sasabihin ko.
"Ahhh may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Away magkapatid lang naman" tugon niya.
"Pero mamaya may sasabihin ako sa inyo ni Scian" dagdag niya.
"Ano yun?" nacu-curious kong tanong.
"Mamaya ko na lang sasabihin kapag nandun na tayo sa school at kapag kumpleto na tayo para naman isang sabihan na lamang" wika niya.
"Ah sige sabi mo eh" maikli kong sabi sa kanya.
"May masakit pa ba sayo?" tanong ko naman dahil nakasalampak padin siya sa daanan.
"Wala na naman, masakit lang nung una kasi sa impact" pagsagot niya.
"Ah mabuti naman" sabi ko at pinagpagan ang aking kamay, ganon din naman ang ginawa niya.
"Oh tara na! Sabay ka na sa akin, wala naman dito ang kakambal kong maldita pa sa maldita" pag-anyaya niya sa akin.
"Grabe naman sa maldita, nahiya siya sayo" pambabara ko rito.
"Oo na maldita din ako pero syempre nilulugar ko nahihiya kasi ako hehe" pagtatanggol niya pa. Shy Maldita ang peg? Tunay naman kasi ang sinasabi niya, kahapon ko nga lang nakita na sumampal siya sa harap ng madaming tao. Hindi na siguro nakapag pigil. Love niya ako eh!
"Tara na kasi!" pagpupumulit pa niya, sumakay na lamang ako kasi ansakit na talaga ng ngalay sa paa ko, angel in disguise din pala tong si Jade minsan eh.
Pero ano nga kaya ang sasabihin niya samin ni Scian?
Nakakacurious naman.
Pabitin!
Pa-thrill!
Dear Heart,
Alam kong dapat akong maghintay sa kung ano mang sasabihin ni Jade sa amin ni Scian pero masaba bang macurious? Nadadala ako ng curiousity ko! Sana lang pagdating namin sa school ay nandoon na si Scian.
-Maira.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...