Maira's POV
Kagaya ng sinabi ko kay Scian, ay hindi nga siya umalis hanggat hindi kami natatapos kumain. Kapag tintinggnan ko siya panay ang iwas niya sa akin ng tinggin.
Nag-iisip na ata ng kasinungalingang idadahilan.
Maging si Jade ay ramdam kong nadidismaya sa ginawa ni Scian. Ni hindi niya manlang tininggnan ng maayos si Scian, mukhang pinipigilan niya lang ang sarili na magtaray o magmaldita sa harap ng madaming tao.
Nakatapos na kaming kumain ni Jade, pero sanay kami na magrerest room pagkatapos.
"Wag kang aalis, mapunta kang kami ni Jade sa rest room" banta ko kay Scian, tumango naman siya. Hinila ko na si Jade papunta sa rest room ng restaurant.
Pagdating namin doon ay ginawa na namin ang kailangang gawin. Habang naghuhugas ng kamay biglang nagsalita si Jade.
"Sigurado ka bang hindi aalis yon?"
"Hindi yun, kahit papaano naman ay may tiwala pa ako"
Tiwala, meron pa nga ba ako non? Tiwala na sinira niya? Tiwala na sinira ni Kevin? Dapat pa ba akong magtiwala? Sino ba ang papalinawalaan ko?
"Ironic, paano kung magkaiba sila ng explanation, sinong paniniwalaan mo?" tanong na nagpaisip sa akin ng malalim.
Sino nga ba dapat?
"Hindi ko alam, sa ngayon kelangan ko ng eksplanasyon" tugon ko na lamang.
"Matatanggap ba ng sarado mong isip ang idadahilan niya?"
"Hahayaan ko lang siya mag-explain, pero hindi ibig sabihin noon ay pinapatawad ko na siya"
Nagkibit balikat na lamang si Jade at bumalik na sa pwesto namin.
Sarado nga ba ang isipan ko?
****
"Maari ka nang magsalita" cold kong sabi kay Scian.
"Magtanong kayo at sasagutin ko ng totoo, pero sana wag tayo dito mag-usap. Doon na lamang tayo sa rooftop" suhestiyon niya.
Tumayo na lamang kami ni Jade at hindi na siya hinintay, dire diretso kaming pumasok sa paaralan at pumunta sa sinasabing rooftop.
"Isang tanong, isang sagot" bungad ni Jade kay Scian ng maakyat na ito sa rooftop.
Tumango na lamang siya kaya ipinagpatuloy ni Jade ang pagsasalita.
"Kayo ba ni Kevin ang nakita namin sa may kubo kanina?"
"Oo. Hindi lang sa may kubo nyo kami nakita, pati narin sa harap ng canteen, napapansin kong nakatitig kayo sa amin at sinusuri kami. Kaya niyayakag ko kagad siyang mapalayo" mahabang saad niya.
"Bakit naman kayo nagkikita?"
"Ano bang namamagitan sa inyo?"
Halos sabay naming tanong ni Jade.
"Noong unang araw na umalis ako habang nagrerecess tayo. Dito niya ako pinapunta. Sinabi niya sa akin na alam niyang may gusto ako sa kanya noong grade 7 pero tinaggi ko at sinabi na matagal na yun at lumipas na pero hindi siya naniwala. Nakiusap siya sa akin na bigyan ng pagkakataon ang pwedeng mamagitan sa amin. Tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw, pumayag ako kasi-"
"MALANDI KA!" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil para saan pa? Alam ko na ang sunod niyang sasabihin. May gusto pa din siya kay Kevin, kahit na akin na siya.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...