Maira's Pov
Kakatapos pa lang ng dalawang subject namin ngayong umaga ng biglang mag ring ang bell. Pahintulot na recess time na ngayon.
Kakatayo ko lang sa aking upuan nang bigla akong tawagin ni Kevin
"Princess hindi muna kita makakasabay ngayon ah, mamaya na lang" pagpapalam nito. Which I found weird, but still kinikilig ako 15% lang hehe.
"PRINCESS?" sigaw nang dalawa kong kaibigan. Oh My Gosh, wrong move Kevin, wrong move!
"I think we need to talk" seryosong saad ni Scian sa akin.
"Oh yes we will, sa ayaw mo man o sa gusto" gatong pa ni Jade sa kanya.
Okay I'm doomed, tinggin ko'y gigisahin ako nitong dalawa. Nang sabay na silang lumabas sa classroom wala na akong ginawa kung hindi sundan silang dalawa, gusto ko mang tumakas kaso baka lalo silang magalit sa akin, and I can't afford that! Ayaw kong magkakagalit kami.
Pagdating sa canteen, agad kaming naghanap nang bakanteng upuan, pagkaupo namin ay agad namang tumayo itong si Jade as usual kasi siya palagi ang napila for our orders, kaso ang hindi ko inaasahan tumayo din si Scian, akala ko noong una ay mapunta lang siya sa washroom kaso hindi sumunod lang siya Jade. Okay I'm in trouble na, halatang galit sila sa akin.
I didn't like the atmosphere between the three of us at this one table. Pagkatapos nilang makapila at bumili nang makakain namin ay hindi padin sila umiimik. Kumakain lang sila ngayon at parehas na may malalim na iniisip.
Buti pa sila nakakakain pa, ako nga sadya nang manguya ang sandwich na binili nila para sa akin, hindi ko kasi kaya na hindi sila nagsasalita kapag kaharap ko sila.
"Eat up, you need energy for our talk later" cold na tono ni Scian, she's even saying that without looking into my eyes! Which hurt me from the inside.
Sinunod ko na lamang ang sinabi sa akin ni Scian, dahil lalo pa silang magalit sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng juice na binili din nila para sa akin nang biglang tumayo si Jade nang walang kaimik imik, sumunod din naman si Scian sa kanya. Nakakapagtaka lang ah bat nila ako iniwan dito? Hindi na ba nila ako kaibigan? Masama na ba akong tao?
"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? O kakaladkadin kita papunta sa locker area?" nakakatakot ang tinig ng boses ni Jade. Tumayo nadin ako at sumunod baka magawa niya pa sakin eh. Panget na nga ako kakaladkadin pa? Edi lalo nang pumanget! Hindi manlang ba siya naawa sa akin?
Nang makarating na kami sa Locker area, lalo naman ako nakaramdam ng takot. Wala kasing katao tao rito, at kaming tatlo lang talaga. Ang galing pumili ng lugar nina Jade ah, ano kayang gagawin namin rito? O my Gosh!!!! Syemays baka naman pagtulungan nila akong bugbugin dito. Kahit mag-sisigaw ata ako rito walang makakarinig dahil kami lang talaga ang taooooo!!!
"Spill the truth Shamaira" cold padin ang boses ni Scian sa akin, hindi padin siya tumitingin. At mas kinakatakot ko ay ang pagtawag niya sa pangalan ko at hindi sa nickname ko.
"W-what t-tru-truth?" nauutal kong sabi. Natatakot nadin ako dahil hindi ko alam ang tinutukoy nila. Hindi naman ako nangupit sa kanila, lalong lalo na hindi ko dinadaya ang mga exams, i kennat!
"Wag ka na mag-maang maangan pa Shamaira, let's stop playing charades and let's go straight to the point" isang nakakatakot na tinig mula kay Jade. Naguguluhan nako hindi ko talaga alam ang tinutukoy nila.
"Anong meron sa inyo ni Kevin?" panimulang tanong ni Scian. Ahh si Kevin lang pala ang tinutukoy nila eh, pinata-, WHAT? hala nakalimutan ko na yong topic na yun kaninang first period namin. Ano nang sasabihin ko?
"Ahmmm Scian ah ehh ahmmm" naguguluhang sa salita ko, hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Ahh ehhh ahmmm, stop the nonsense Shamaira!" nakakatakot na sabi ni Jade. Syemays this is it pansit, sasabihin ko na ba talaga sa kanila? Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.
"Ano sasabihin mo ba o hin-"
"Nililigawan ako ni Kevin!" pagpuputol ko sa sasabihin pa ni Jade, napapikit ako dahil akala ko sasampalin nila ako, pero wala akong nararamdaman na palad sa mukha ko kaya pagkamulat ng mata ko halatang naguguluhan sila.
"Is that true?" ang kaninang cold tune ni Scian naging mapang-asar na. Like what is the problem of this girl? Is she taking drugs? Tumango na lamang ako bilang sagot sa katanungan niya.
"Kyaaaahhhhh, I'm so happy for you girl" tili naman ni Jade. Parehas na ata silang may saltik ni Scian. Naghithit ba sila ng shabu kagabi kaya ganyan sila?
"Teka hindi kayo galit?" naguguluhan kong tanong sa kanila.
"Noong una oo, dahil hindi ka agad nagsasabi ng totoo" Jade honestly said.
"Kyaaahhh Maira kelan pa, kelan pa????" excited na tili naman ni Scian.
"Kagabi pa lang" pag-amin ko.
"Peroooo bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" nababaliw na tanong ni Jade.
"Oo nga edi sana hindi na kami nagtampo sayo kanina" dagdag pa ni Scian.
"Akala ko kasi magagalit kayo" saad ko.
"Bakit naman kami magagalit?" sabay nilang tanong.
"Ahmmm hindi ko den alam hehe" naka peace sign na tugon ko sa kanila.
"Baliw ka talaga, magkwento ka nga!" excited na sabi ni Jade.
"Oo nga bilis!!!" gatong pa ni Scian. I just inhaled deeply bago ako nagkwento.
Pagkatapos ko magkwento sa kanila. Simula sa pagsunod sa akin ni Kevin kagabi at pagpapaalam niya kay nanay hanggang sa pagtawag niya sa akin ng Princess at sa pagsigaw niya kanina. Oo lahat kinwento ko habang nagkwekwento nakangiti sila na parang mga aso, pero magandang aso syempre. Pagkatapos na pagkatapos ko. Tili sila ng tili. Irit ng irit. Nakakabingi sa tunay.
"Mapapasanaol ka na lang talaga Jade!" masiglang sabi ni Scian habang talon ng talon.
"Sanaol Princess" gatong pa ni Jade. At sabay silang nagtatalon. Nababaliw na talaga sila.
Napailing na lang at napatawa na lang ako sa mga reaksyon nila.
"Hoy tama na nga yan, bumalik na tayo sa classroom baka maabutan pa tayo ng pag-ring ng bell" saad ko para magtitigil na sila sa pagtalon at pagtili.
"Shut up, PRINCESS" sabay na sabi ng dalawa. Napaface palm na lamang ako dahil sa kinikilos nila. Hay kahit ganyan yang mga yan mahal na mahal ko sila, best friends ko sila eh kaya walang choice.
Syempre joke lang, hehe.
Dear Heart,
Ano ba naman yan! Andaming ko pang pinagsasabi kanina, eh hindi naman pala sila magagalit tatanggapin pa pala nila! Hay sayang pinag-iisip ko kanina! Pero at least alam na nila wala na akong aalalahanin pa.
-Maira.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Novela Juvenil{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...