Maira's PoV
Mas lalo ko nang inagahan ang pasok ko para hindi ako makasabay kayna Jade. Nakakahiya na kasi eh. Pati ayaw ko nang makita si Jace, nakakakilabot ang aura niya.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay nanay. Nang makalabas na ako sa bahay ay bigla akong napanganga dahil may kotse sa labas ng bahay. Pero parang bago ito sa aking paningin. Syemays baka naman may bagong kotse sina Jade. Mukhang alam niya na ang pinaplano ko, bakit ang aga niya masyado?
Agad naman akong lumapit sa sasakyan. Sakto namang bumukas ang pinto.
"Jade naman bakit kailangan mo pa akong daanan sa bahay? Kasi naninigurado ka na makakasabay kita araw araw? Jade naman eh" pagmamaktol ko sa harap ng sasakyan habang nakatingin sa malayo. Mahirap na baka magalit agad ito sa akin, sabunutan pa ako, wala pa namang dumadaang tao rito.
"Andami mong sinasabi sumakay ka na lang" sagot niya. Hmm teka parang nag iba ata ang boses ni Jade? Haist baka napaos ata kakakanta. Hobby niya yun eh, kahit magkanda paos paos pa man siya hindi mo siya mapipigilan. Kahit sintonado pa man yan, hindi mo yang mapipigilan. Dahil matatakot ka pa lang sa tinggin niyang mala-leon.
"Ayoko nga" pagmamatigas ko habang patuloy ang tingin ko sa malayo at naka krus na ang aking mga braso sa harap ng dibdib ko. Bigla namang may lumitaw na napakagandang ideya sa utak ko.
Kailangan ko ng tumakbo para hindi niya ako maabutan.
Oo nga, tama tama. Napakatalino mo talaga Maira!
Tatakbo na sana ako ng magsalita siyang muli.
"Sasakay ka o bubuhatin kita papasok ng kotse? You choose" inis na wika nito. Hmmm? Para talagang boses lalaki. Kelan pa naging lalaki si Jade?
"Ayun ay kung kaya mo akong buhatin Jade" sabi ko sabay lakad papalayo ng hindi tumitingin sa kotse, maya maya mabwelo na ako sa pagtakbo.
Pero nakakailang hakbang palang ako ay may biglang humila sa akin at binuhat ako papunta sa loob ng sasakyan. Syemays bridal style ang buhat niya. Paano ako nakayanan buhatin ni Jade, eh ang taba ko? Para masagot ang gumugulo sa isip ko tumingin ako sa kanya.
"Ano ba Ja-" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.
"Ke-Kevin?" nauutal kong tanong, binababa niya na din ako sa shotgun sit at umandar nang tuluyan ang sasakyan.
Ang bilis naman ata? Nagmamadali ba ito?
"Talagang hinahamon mo akong buhatin ka ah? Gusto mo lang atang magpabuhat eh! Pero ayos na din at least naka tyansing" nakangising sabi nito sa akin. What the? may pagkabastos din pala ito eh.
"Aba't bastos ka ah! At teka pano mo ako nabuhat ay mabigat ako?!" pagrereklamo ko at sumandal na lamang sa bintana ng kotse. Iniiwasan ko ang tinggin niya dahil syemays! Nagrereplay yung pagbubuhat niya sa akin. Ano bang trip niya sa buhay?
"Hindi ka naman mabigat. Nagmumukha ka lang mataba dahil maluwag yang mga sinusuot mo" pagsagot niya sa tanong ko. Sabay tingin sa uniform ko. Aba ayaw ko kaya ng masikip ang uniform hindi ako makahinga ng ayos! Gusto ko maluwag para may hangin na pumapasok sa katawan ko.
Tanging pagkunot ng noo at pag- irap ang naging tugon ko sa kanya. Tatahimik na sana ako ng may maalala akong itanong sa kanya.
"Teka ano bang ginagawa mo ha?!" naguguluhang tanong ko. Teka bakit nga ba? Masarap ba ang tulog niya kagabi at naisipan niya akong ihatid sa school? O baka naman masarap ang agahan niya kaya niya ginagawa ito?
"Nagdadrive?" inosenteng sagot nito sa akin.
"Wag mo'ko pilisopohin!"
"Huh?" nagtatakang tanong nito habang ang mata niya ay nasa kalsada padin.
"Bakit mo ito ginagawa?" paglilinaw ko.
"Ang alin?" inosenteng tanong niya pabalik.
"Ito. Bakit mo ako hinahatid ngayon?" tanong kong muli, hindi ko alam kung slow lang ito o ano?
"Diba sabi ko nga liligawan kita" hindi siya makatingin ng diretso sa akin ng sinabi niya yun.
"Seryoso ka ba talaga doon?" naguguluhan padin ako sa nangyayari.
"Oo. At wag mo ng itanong kung bakit" masungit niyang tugon. Aba siya pa ang may karapatang magsungit eh siya na nga itong nangliligaw? Ginogood time lang ata ako nito eh! Kung hindi ko kaya siya sagutin? Biro lang, may chance naman siya eh mga 15% lang ganon, syemays ambilis naman mag increase!
"Kevin ikaw ba talaga yan?" naitanong ko ng hindi namamalayan.
Napalunok naman siya sa tanong ko. Naghintay ako ng ilang sandali pero hindi siya sumagot.
Napairap naman ako sa ginawa niya. "Anong oras ka pa nandun?" pag-iiba ko ng tanong.
"5:30" maikli niyang sagot kaya agad akong napaharap sa kanya.
"Eh di hindi ka pa kumakain?" halos pasigaw kong sabi.
"Oo. Basta para sayo handa kong tiisin ang lahat" Aba't bumabanat din pala ang isang ito.
"Awan ko sayo" nahihiya kong sabi. Sabay tingin sa ibang direksyon kasin naman nag iinit na ang mga pisngi ko.
"Maaga pa naman kapag nakadating tayo sa school. Kain muna tayo ah?" pag iiba niya ng usapan.
"Eh nakakain na ako eh" pagdadahilan ko.
Naningkit naman ang mata nito.
"Kakain ka mamaya o susubuan kita?" masungit niyang tanong. Huhu ayaw ko na baka totoohanin niya naman katulad ng kanina.
"Kakain na lang ako" pagsagot ko sa katanungan niya. Mahirap na ayaw kong masubuan na parang baby, o di kaya naman ay walang kamay. Sa pagkakaalam ko ay normal pa naman ako kaya kayang kaya ko pang kumain na mag-isa
"Good" maikli niyang tugon."Sino ba yung Jade na yun ah?" pagbubukas niya ng topic.
"Ahmm isa sa mga best friends ko" sagot ko. Hmmmm nakakapagtaka ahh lagi kong kasama sina Jade kapag nakikita ko sina Kevin pero hindi niya ito kilala? Sabagay wala siyang pakialam sa akin noon. Pero hindi ko alam kung anong nakain nito at bakit siya naging ganito sa akin.
"Andito na tayo" pag iiba niya pa ng usapan.
Nang makababa na kami sa kotse niya ay huminto kami sa isa sa mga kubo na malapit sa canteen.
"Dito ka muna ako na ang bibili ng makakain natin" sabi niya sabay alis.
"Syemays naman Kevin kung alam mo lang kung gaano kita kagusto noon. Pero sana hindi ka na lang Bad Boy kasi nasa iyo na ang lahat ng nasa standards ko" bulong ko sa sarili habang nakatingin kay Kevin papalayo. Sana nga totoo itong mga nakikita ko. Kung panaginip man ito ay ayaw ko nang magising.
Ayaw na ayaw ko nang magising.
Dear Heart,
Syemays lang talaga hinding hindi ko malilimutan ang araw na ito! Sabay kaming pumasok ni Kevin sa school!
-Maira
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...