Maira's POV
Pagkatapos naming basahin ang laman ng sulat na galing kay Scian. Nag-uunahan ng tumulo ang mga luha namin ni Jade. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari. Sabi ni tita nahimatay daw si Scian at sa ngayon ay nagpapahinga na ito, pero bakit ito ang nakasulat sa loob ng sobre na ito? Bakit pinapalayo niya na kami? May sakit na ba siyang nakakahawa? Sa pagkakaalam ko hindi naman nakakahawa ang sakit niya. Pero bakit? Bakit lalayo na siya sa amin? Bakit ibabalewala niya na lang ang pagkakaibigan naming tatlo? Bakit ba nangyayari ito?! Dahil ba sa hinihingi kong ebidensya sa kanya? Bakit ba pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan.
"Maira, ayos lang naman ang kalagayan ni Scian, diba?" pahikbing tanong sa akin ni Jade.
Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Ayos pa nga ba si Scian? Sa loob ng isang linggo wala kaming koneksyon sa kanya, palaging nag-iiwasan at hindi nagpapansinan. Bakit ba kailangang humadlang sa ganito ang lahat?
"Kung ayos lang talaga siya, bakit niya ginagawa ito?" biglaan kong tanong sa kanya. Napatahimik din ito at napaisip ng malalim.
"Kung ayos lang talaga siya bakit kailangan niyang umiwas?"
"Kung ayos lang talaga siya bakit niya tinatapos ang meron sa atin?"
"Kung ayos lang talaga siya bakit ganito ang laman ng liham niya?"
Sunod sunod kong tanong habang naiyak sa harapan ni Jade.
"Ayos pa nga ba siya?" balik niyang tanong sa akin.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito" pag-ako sa lahat. Ako ang puno't dulo ng nangyayari. Ako ang dapat sisihin at wala ng iba, ako ang may kasalanan.
"Tumigil ka Maira! Hindi lang ikaw ang may kasalanan" sermon niya sa akin.
"AKO ANG MAY KASALAN JADE! AKO! KUNG HINDI KO LANG SANA PINAIRAL ANG GALIT KO HINDI HAHANTONG SA GANITO. AKO ANG DAPAT SISIHIN! AKO ANG MAY KASA-"
Isang napakalakas na sampal ang natamo ko sa kanya.
Gulat ko siyang tininggnan, bakas sa mukha niya na hindi nya pinagsisihan ang pagsampal sa akin.
"Oh ano natauhan ka na ba?" mataray niyang sabi habang pinipigilan ang daloy ng luha niya.
"Jade bakit mo ako sinam-"
"Para matauhan ka Maira" pagpuputol niya sa itatanong ko. Dinuro duro niya pa ako kaya hindi ko nagustuhan.
"Ano bang pinagsasabi mo?! At wag mo nga akong duru-duruin" suway ko rito, kagad niya namang ginawa ang sinabi ko.
"Hindi lang ikaw may kasalanan nito Maira. Lahat tayo! Tayong tatlo ay may pagkukulang. Oo pinairal mo ang galit mo! Pero ano pa ako? Sa halip na pigilan kita, kinampihan pa kita! May kasalanan din ako! Ganoon din si Scian, pinairal niya ang pride niya kaya niya binibitawan ang pagkakaibigan natin. Lahat tayo may pagkukulang, lahat tayo ay may kasalanan. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari, kasi hindi lang ikaw ang may dahilan kung bakit nagkakaganito tayo" mahabang paliwanag niya.
"Wag nyo ngang idamay ang mga sarili nyo! Ako ang puno't dulo! So stop including and blaming yourself for what happened" sita ko rito pero tumawa lamang siya ng mapait.
"Kung ganyan lang din naman pala ang paniniwala mo. I better agree with Scian, let's end this camaraderie. Wala ng patutunguhan ang lahat kung ang isa sa atin ay pinipilit at inaako ang kasalanan ng bawat isa. I'm not blaming and including myself in this situation, because in the first place, the three of us have a mistake" she said and then smiled bitterly.
Dahan dahan na siyang umalis sa harapan ko, bawat paghakbang niya ay ang pagtulo ng luha ko. Bawat metro na tinatahak niya palayo ay ang pag-apak sa puso ko. I lost Scian and then I'm letting Jade leave me. I thought our friendship will end forever. Sila lang ang mga naging tunay kong kaibigan. Tinanggap nila ako kahit hindi nila kalevel ang estado ng buhay ko. Tinanggap nila ako kahit hindi ako kagandahan katulad nila. Tinanggap nila ako hindi dahil sa talino kong taglay. Tinaggap nila ako bilang ako. Tinanggap nila ako bilang isang tunay na kaibigan.
Hahayaan ko na lamang ba na masira na lang ng ganito ang lahat ng sinimulan namin? Gawain ba iyon ng isang mabuting kaibigan? Hindi diba? Maaring sumuko ang isa sa amin, pero hindi pa huli ang lahat para muling ibalik ang namamagitan sa amin. Hindi ko dapat hayaan na mabuwag na lang ng ganoon ang pagkakaibigan namin.
Tatakbo na sana ako papunta sa kinaroroonan ni Jade pero biglang tumunog ang school bell, hudyat na tapos na break at kinakailangan ng bumalik sa klase. Ngayon lang ako nainis sa school bell. Kadalasan kasi ay nililigtas ako nito sa pahamak, pero ngayon hindi ko magawang habulin ang nag-iisa ko na lamang kaibigan sa ngayon.
Wag kang mag-alala Jade ibabalik ko ang grupo nating tatlo. Mabubuo muli tayo nina Scian.
***
Uwian, isang napakandang hapon para sa akin hindi lamang dahil tapos na ang klase, dahil ito na ang tamang panahon para makausap si Jade. Magkapartner kami sa isang project diba? At sa Friday na ang pasahan nito kaya kailangan na muli naming gumawa.
Lunch noong pinagnilayan ko ang mga sinabi ni Jade sa akin. Hindi siya lumabas ng classroom at nakisuyo sa isa naming kaklase na bilhan siya ng lunch. Kaya ako ang mag-isa na kumain sa canteen. Dito ko narealize na tama ang mga sinabi ni Jade. Hindi lang nga ako ang may kasalanan, maaring ako nga ang puno't dulo pero hindi maitatanggi na lahat kami ay may pagkukulang. Ako na pinairal ang galit, si Jade na kinampihan ako imbis na pigilan, at si Scian na pinapairal ang pride ngayon.
Effective ata yung sampal ni Jade, natatauhan na ako ngayon eh.
Balak ko na sanang kausapin si Jade para masimulan na namina ng project namin. Kaso bigla siyang umimik at napakalamig ng kanyang tinig.
"Sayo na lang yung nasimulan na project, gagawa na lang ulit ako ng bago. Mag-iindividual ako"
Nabigla naman ako sa sinabi niya, iniiwasan niya padin ako.
Aalis na sana siya pero inuhan ko kagad ng mga salitang pwedeng magpatigil sa kanya.
"Jade tama ka, hindi ko lang nga dapat sisihin ang sarili ko sa nangyari" saad ko. Hindi naman ako nabigo dahil tumigil nga siya at narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Tumayo ako sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
"Jade, I'm sorry. Please wag mo din iwan ang pagkakaibigan natin, hindi ko na kayang mawalan ng kaibigan please. Gagawin ko lahat para mapatawad mo ako. Jade patawa-"
Nagulat ako kasi bigla siyang humarap sa akin niyakap ako, ramdam ko din ang pagtulo ng luha niya kaya pati ako ay napaluha nadin.
"Maira, sorry din nadala din ako sa inis ko kanina. Sorry, sorry talaga" umiiyak niyang sabi.
"Jade please, wag na tayong mag-away ng ganoon. Hindi ko na kayang mawalanan ng isa pang kaibigan" tugon ko naman sa kanya.
Ramdam ko namang tumango siya sa gitna ng pagkakayakap namin.
Dear Heart,
Hindi ko alam ang patutunguhan ng buhay ko kapag wala sila sa tabi ko. Alam kong sumuko na si Scian pero babawiin ko, gagawin ko ang lahat para maibalik ang pagkakaibigan namin dati. Hindi ako makakapayag na mawala ng lang ng ganoon ang namamagitan sa amin. Sana ay magawan ko pa ng paraan para mapatawad namin ang isa't isa.
-Maira
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...