<18> Fight

55 4 0
                                    

Maira's Pov

"PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE" rinig kong sigaw ng kung sino kaya napatigil ako sa malalim na pag-iisip. Haharap na sana ako sa direksyon na pinanggalingan ng sigaw ng buong pangalan ko! ng may humatak sa buhok ko.

Syet napakasakit, nakapuyod pa mandin ako kaya lahat ng buhok ko nasabunutan niya and it feels like HELL!

"Awwww" daing ko.

"Bitawan mo si Princess!" sigaw ni Kevin habang dali daling tumakbo papunta sa gawi ko. 

"What the hell?" rinig ko reklamo ng nananakit sa akin. Aba siya pa ang may lakas loob na magmura eh siya na nga itong nananakit?

"Jace bitawan mo ang kaibigan ko" halos magkasabay na sabi nina Scian at Jade, nandito pa pala sila? Akala ko umalis na sila? Baka kasabay nila si Jace sa pag-uwi, hay mamaya ko na nga iisipin ansakit na ng anit ko!

"MALANDI KA, NAPAKALANDI MO!" sigaw ng sumasabunot sa akin, confirmed! Si Jace nga ang nananabunot sa akin ngayon, ano bang ginawa ko sa kanya?

"Awwww tama na" maiyak iyak ko ng sabi. Nagulat ako ng bigla niya akong iharap sa kanya. Yun pala sasampalin niya ako, automatic naman akong napapikit dahil alam kong magiging masakit yun. Lumipas ang ilang segundo pero wala akong nararamdaman na kamay na dumapi sa pisngi ko. Kaya agad naman ako nagmulat ng mata, laking gulat ko ng hawak hawak na ni Kevin ang kamay na isasampal sa akin ni Jace. 

"Don't you ever touch my Princess" seryoso niyang wika, bago niya bitawan ang kamay nito.

Aakmang lalapitan na naman ako ni Jace ng itago ako ni Kevin sa likod niya at pigilan siya ng mga nasa likod niya, si Scian at si Jade pala. 

"MALANDI KANG BABAE KA! HALIPAROT! YOU STUPID BITCH" sigaw pa ni Jace na ikinatulo ng luha ko, ano bang masama na ginawa ko sa kanya?

Nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari, si Jade sinampal si Jace. 

"Oh my gosh" gulat na sabi ni Jace na sapo sapo ang kanyang mukha, parehas kami ng reaksyon ni Scian parehas kaming nagulat sa pangyayari.

"Wala kang karapatan na pagsabihan ng ganyan ang kaibigan ko!" galit na wika ni Jade, anong nangyayari? bakit niya ginawa yun? 

"What the fvck Jade? Ako ang kapatid mo dito! Ako dapat ang kampihan mo!" naiinis na tugon ni Jace. 

"At ikaw naman na babae ka bakit ba napakalandi mo?" sabi niya at sabay duro sa akin. 

"Hoy Jace wag mo nga duru-duruin si Maira" naiinis na sabi ni Scian kay Jace.

"Wala kang pakialam dito Scian!" sasampalin sana ni Jade si Scian ngunit naunahan niya ito. Awww ako ang naawa sa kanya dalawang sampal na ang natamo niya. 

"Anong walang pakialam? Baka nakakalimutan mo kaibigan ko at kaibigan ni Jade ang pinag-uusapan dito, kaya may karapatan akong makialam dito!" galit na wika ni Scian sa kanya. Masamang tinggin naman ang naging sagot nito sa kanya. Gumanti naman ng masamang tinggin si Scian. 

"Ano bang kailangan mong babae ka ha?" biglang umimik si Kevin kaya naman napatingin kaming apat sa kanya. 

"Siya" sabay turo sa akin. 

"Siya ang kailangan ko" dugtong niya pa. 

"Bakit ba? Ano bang ginawa sayo ni Princess ha?" nagtitimping saad ni Kevin. 

"Inagaw ka niya sakin Kevin! Sandali lang ako nawala pero pagkabalik ko rito inagaw ka na niya?" sabi ni Jace na ipinagtaka ko, anong ibig sabihin niya dun? 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon