Maira's POV
Kasalukuyan akong nakatulala sa kwarto ko. Iniisip ang nangyari kanina. Paulit ulit na rumerehistro sa utak ko ang kaganapan kanina sa school garden. Hindi makapaniwalang nailabas ko ang hinanakit ko sa kanya at hindi din ako makapaniwala na may rason din ang pagpapatuloy ng plano nya.
Bakit ganon parang nabawasan ang bigat sa pakiramdam ko?
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko siya naiintindihan. Gaya niya ay mahal ko rin ang mga kaibigan ko. May halaga sila sa puso ko, pero bakit ganoon na lang kasama ang impact sa akin? Masyado na ba akong selfish? Ang tanging iniisip ko lang ay ang sarili ko noong mga panahon na nasasaktan ako, pero ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na mahirap din para sa kanya ang nangyayari.
Bakit parang ako pa yung naging masama? Nasaktan din naman ako, kung tutuusin mas masakit pa nga ang nararamdaman ko. Pero nasaktan din siya, at hindi ko masasabi na mas masakit ang nararadaman niya. We're both on the same shoes but we are in different pair. Hindi naman ako, siya. At hindi naman siya,ako. We don't know each others POV so we don't have the right to judge.
"MAAAAAAIIIIIRAAAAAA" ang umalingawngaw na sigaw na kung saan mang parte ng bahay. May nasusunog ba?
Malabas na sana ako ng kwarto ng may pumasok rito, sina Jade at Scian lang pala. Syemays akala ko naman may sunog ng nagaganap.
"Si Jade yung sumigaw, hindi ako" pagbubuking ni Scian sa kaibigan.
"Bakit ka ba sumisigaw Jade? Baka marinig ka ng masamang engkanto at isama sa pa nila sa grupo nila" pabiro kong sambit kay Jade kaya sinamaan niya ako ng tinggin.
"Grabe namin magsalita, hindi ko lang naman kasi mapigilan ang bunganga ko sa pagsigaw, kyaaaaahhhh" pagtugon niya sa akin.
"Ano bang meron ha? Kung makasigaw ay parang may nasusunog na sinaing" sarcastic na pagkakasabi ko rito.
"Basta sumama ka na lang samin" sabat ni Scian at akmang hihilahin ako.
"Teka hindi ako pwedeng umalis, hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mommy" pagpigil ko sa kanila.
"Luh, ano ka ba naman hindi naman tayo lalayo at saka wala si tita" kontra ni Jade at tuluyan na nila akong hinila.
Kinaladkad pababa ng hagdan at hinila na parang tali papunta sa may pintuan patungo sa labas. Hindi pa man kami nakaklabas ng tuluyan ay may naririnig na akong magandang musika.
Teka, anong meron?
Nang tuluyan ng makabukas ang pintuan ay doon ko napagtanto ang lahat. Sa labas ng gate, nandoon ang taong gusto kong gantihan, ang taong kaninang kausap ko lang. May hawak siyang gitara at merong nakastand na mic sa harap niya.
Teka, kakanta siya?
"KYAAAAAAHHHHH" irit ng dalwa kong kaibigan sa likod ko.
Sinet up ba nila ako?
"Ano toh? Anong pakana ito, kasama ba-"
"Princess" pagpuputol niya sa pagtatanong ko sa aking mga kaibigan.
Bago pa man ako makapagsalita muli ay naunahan niya na ako.
"Wala silang kasalanan kung yun ang iniisip mo, ako ang nanghingi ng tulong sa kanila para maialay ko sa'yo ang sinisigaw ng puso ko"
"Gagi Scian sibat na tayo"
"Tapos na duty natin, tara na"
Rinig ko pang bulungan ng dalwa kong kaibigan bago sila tuluyang naglaho sa paningin ko. Kaya kaming dalwa na lamang ni Kevin ang natitira rito.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...