<15> A Month Later

62 5 0
                                    

Maira's POV

Ang bilis talaga lumipas ng mga araw, para kahapon lang nung nagpaalam si Kevin kay nanay kung pwede akong ligawan, ngayon eksaktong isang buwan na niya akong nililigawan. Isang buwan niya na ako hatid-sundo sa bahay. Isang buwan ko na din hindi nakakasabay si Jade pagpasok. Pero sabay sabay padin kami nagrerecess at minsan lunch, depende kung kelan ako yayain ni Kevin. Minsan nga nagtataka na ako eh, bakit tuwing umaga ang sweet niya saken, pero pagka nasa school na parang binubully niya ako, pero pag sapit ng uwian, hihingi siya ng sorry dahil sa ginawa niya ng araw na yon. Ang cute ko lang daw kasi tinggnan kapag naiinis o naasar ako sa mga pinaggagawa niya. At ako naman na may sira ang tuktok ay kinikilig sa mga pinaggagawa niya, hehe bat ba? 15% lang sabi eh. Pero syempre joke lang. Nag-increase na ang feelings ko para sa kanya, from 15% to 60%. Oh diba ang bilis mag-increase, speed up lang eh ano? Kung nagtataka kayo kung bakit naging hehe, sasabihin ko pa ba? Required ba? Syempre oo, mga tsismosa't tsismosa kayo ng taon eh, kahit naman hindi ko sabihin sa inyo, maghahanap at maghahanap kayo ng paraan para malaman ang sasabihin ko sa inyo. Ganyan talaga yan, normal lang yan, trust me ganyan den ako dati, kaya shhhhh! 

Anyway sasabihin ko na lang sa inyo para hindi na kayo mahirapan, mag-investigate hindi naman kayo mg adetectives eh sayang effort nyo kung ganon. 




Kaya naman kasi naging ganon ang percentage ng feelings ko para kay Kevin ay dahil ako'y tao lamang, may puso den ako, kahit sinasaktan niya ako dati ay hindi naman ako pusong bato, you know what I mean, right? Sino bang hindi matutuwa at kikiligin sa paghatid sundo niya saken? Any girl in this world are wishing for that kind of guy, I guess? Everytime na sabay kaming kakain ng lunch, hindi lang kami basta sa canteen mapunta, mag-eeffort pa talaga siyang magpa-reserve or di kaya ay ipagbabaon niya ako ng mga niluto niya. I'm so damn happy, minsan nga naisip ko kung sagutin ko na kaya toh? May magbabago kaya? Mas lalo kaya siyang magiging sweet sakin o mawawala na lang siya na parang bula? I preffered the first one though. 



Pagkalabas ko ng bahay as usual nandun na si Kevin or should I say yung kotse niya sa harap ng bahay namin. Pero I distinguish something, somethings wrong with the car I guess? Or ako lang ba ang nakakaramdam nito? Yung kotse nga ba talaga ang problema? Or ako lang talaga? Hay awan ko sa sarili ko. 


Pagkaharap na pagkaharap ko sa kotse niya bumababa ito at pinagbuksan niya ako ng pinto, as usual, oh diba ang gentleman lang? Kaya ako naiinlab dito eh hihihi, ang harot ko. 

Binigyan ko na lang siya ng matamis na ngiti bago ako pumasok sa loob, he just smiled back but I feel something, para talagang may mali. 


"Parang iba ang ayusan natin ngayon ah, may lakad ka?" sabi niya pagkapasok sa loob at sinimulan ng paandarin ang kanyang kotse.

"Ahhmmm hehe, for the change lang siguro?" syemays ang harot ko, kasi naman napag isip isip ko kagabi na mag-ayos manlang ako ng sarili ko para naman disenteng tinggnan, para kasi akong naiilang kapag nakatangin halos lahat ng estudyante samin or sakin ay nakatingin. Kaya ayon tinamaan ng hiya ang Maira niyo! Akalain niyo yun, may hiya pala akong tinatago? Hindi naman sa ikinakahiya ko ang sarili ko, wala nga akong pakialam sa kanila eh, kaano-ano ko ba sila? Pake ko sa mga yan? Kaya lang naman ako nag-aayos ng ganito para hindi mapahiya si Kevin, baka kasi may kumalat na tsismis na, 'Ala yan ba yung nililigawan ni Kevin? Ew! so sabog naman' o di kaya naman ay, 'O my gosh girl, ang baba naman ata ng standard ng Kevin ko?' at kung ano ano pa, mahirap na mabuti na ang sigurado. At syempre isa ko pang dahilan kaya ako nag-aayos ay para lalo ako maging maganda sa paningin niya hehe. Ang landi na ng Maira niyo, enebe. 

"Hey Maira are you still listening?" bumalik ako sa reyalidad ng may kamay na gumagalaw sa harap ng mata ko. Syemays napatagal ata ang pagtulala ko. 

"Ahmm hehe sorry may iniisip lang ako" pagdadahilan ko. 

"Oh okay, basta kapag may problema ka, open up ka lang sakin, I'm always ready to listen" syemays naman mga dzai ako'y kinikileeeeeeg. 

"Ahh hehe sige sabi mo eh" syemays na may prays! Nawawalan nako ng sasabihin. 

"Anyway kanina ko pa sinasabi na nandito na tayo sa school" sabi niya sabay baba sa sasakyan, bastos lang eh noh? Pero joke lang, pinagbuksan niya kasi ako ng pinto, oh diba future boyfriend ko yan kaya umayos kayo. Oh my gosh humaharot na ng humaharot ang Maira niyo! 

"Salamat" simpleng sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya. Syemays nakakainlab yung smile niya. 

"Tara na sa classroom" pagyaya niya. 

Binalikan ko muna siya ng tingin sa kotse niya dahil kinuha niya yung bag niya sa back seat. Ayyy ayyoooon yung kotse pala ang problema kanina, hindi naman sa problema, pero bagong kotse kasi ang nakita ko, iba sa kotse na ginagamit niya kapag ihahatid ako. Hayyysss paranoid lang siguro ako. Siguro naman may bago lang silang kotse, hindi na nakakapagtaka yon mayaman naman sila eh. 



Nang makadating na siya sa classroom, pumasok na kami sa loob. At nagtaka den ako sa kanya, dati kasi kapag dating niya dito mapunta siya sa canteen o di kaya mapunta sa comfort room. Nakakapagtaka lang at hindi siya umalis ngayong umaga, argh paranoid lang siguro ako. 


"Hoy Maira ikaw ah haba ng hair mo" bungad sakin ni Jade pagkaupo ko sa seat ko. 

"Luh, ako lang toh no?" pagsakay ko sa trip niya, nagtawanan naman silang dalawa.

"Psst Maira, ako'y naiinip na sa usad ng relasyon nyo ha, kelan mo ba balak sagutin yan" halos pabulong na sabi Scian sabay tinggin kay Kevin. Napatingin din naman kami ni Jade sa gawi niya. 

"Ahmmm di ko pa sure eh" I answered honestly. 

Iimik pa sana si Scian ng magring na ang bell at dumating na ang first period techer namin. Hay save by the bell na naman sa pang-aasar sakin ni Scian at Jade.


Dear Heart,

Isang buwan na ang nakalipas simula ng ligawan ako ni Kevin. Wala pa namang masamang nangyayari at sana wala nang masamang mangyari. 

-Maira.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon