Sa isang napakagarbong school merong nangangalang Princess Shamaira McBride siya ay isang ordinaryong dalaga, hindi kagandahan, hindi kasexyhan at hindi ganoon kaputian, pero taglay ang katalinuhan kaya siya nakapasok dito sa school na ito ay dahil sa scholarship na natanggap niya mula sa hindi nagpakilalang tao. Siya ay anak lamang ng tindera at ang ama nito'y pumanaw na. Mabait siya at hindi gumagawa ng ikapapahamak niya. Siya lamang ay naturingang BAD GIRL dahil siya lang ang may lakas loob na kalabanin ang BAD BOY nang eskwelahang kanyang pinapasukan. Siya lang ang may lakas loob dahil naniniwala siya na pantay pantay lang ang mga estudyante sa paaralang ito. Ipinaglalaban niya ang dapat, at ipaglalaban niya ang sarili kung alam niyang nasa tamang panig siya.
Ang Ina ng Bad Boy ay ang Principal ng school at ang kanyang ama naman ay ang Engineer ng Buong Memorial High. Kaya naman kahit gumawa ito ng kalokohan ay hindi padin siya mapapatalsik sa eskwelahan dahil walang naglalakas loob na isumbong ang kanyang mga ginagawa. Maging si Maira ay hindi magawang isumbong ang mga ginawang kalokohan nito, dahil takot siya na mawala ang scholarship, dahil ito na lamang ang pinanghahawakan niya para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at para maibangon ang estado ng pamumuhay nila.
Gustong mawala ng Bad Boy, na si Kevin, si Maira dahil ayaw na ayaw niyang napapahiya, nalalamangan at higit sa lahat ay pinapakialaman ang nais niyang gawin sa eskwelahang pinamumunuan ng mommy niya at binuo ng daddy niya. Pero kahit anong gawing sumbong ni Kevin sa kanyang ina ay hindi maaring ipatalsik siya sa eskwelahan dahil sa hindi malaman na dahilan. Pero sa isip isip niya ay dahil ito sa taglay niyang katalinuhan kaya hindi magawan ng paraan ng kanyang ina ito. Wala atang paraan upang mawalan ng bisa ang scholarship nito. Kaya naman nag-isip siya ng alternatibong paraan para makaganti kay Maira at iyon ay...
Paibigin at paikutin si Maira.
Magagawa niya kaya iyon?
Mapapaalis niya ba si Maira sa eskwelahan?
Mapapaalis dahil sa pagpapaikot nito?
O tuluyan ng maiintindihan ni Kevin ang lahat?
Pero posible kaya iyon?
Posible kayang may magbago?
Posible bang sila'y mauwi sa pagmamahalan?
O posible kaya na mabago ang mundo nila ni Maira?
Posible bang mangyari ang mga iyon?
Is it possible to fall when both of you are bad?
ABANGAN......
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...