Maira's POV
Araw ng linggo ngayon kaya eto ako ngayon at magandang maganda na naka tinggin sa salamin ng vanity table ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili para muling makabisita sa hospital, nakasanayan ko na din naman sa nagdaang mga linggo. Hindi na muna makakasama sa akin ngayon si Mommy kasi magpapahinga siya. Kahapon dapat yun eh kaso makulit siya kaya agad kaming dumiretso sa hospital para mabisita na kaagad si Kurt at para iabot nadin ang pakikiramay niya kay Tita. Kaso nga lang, di pa umiinit ang mga pwet namin sa upuan ay kaagad na kaming umalis ni Mommy kasi may problema silang pampamilyang kailangang pag-usapan. Nakikiramdam din naman kami, kaya agad na kaming umalis para naman hindi nakakahiya at baka akusahan pa kaming tsismosa.
Pero syemays, nacucurious ako. Ano kaya yun?
Ang tsismosa mo naman Maira!
Inalis ko sa aking pag-iisip ang bagay na iyon at tumungo na sa walk in closet ko para mamili ng damit na masusuot. Sa gitna ng pagbibihis ay biglang nagring ang cellphone ko at laking tuwa ko ng makita ang pangalan ni Kevin doon.
My Prince Calling.
"Hello?" malambing na tinig ko papunta sa kabilang linya.
[Let's talk] tanging sinabi nito bago niya pinatay ang tawag.
Syemays, problema nun? At saka bakit ganoon yung pananalita niya? Di kaya ay may nangyaring masama sa kanya? O kaya sa pamilya niya?
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang magvibrate ang cellphone ko at may nakuha akong isang text message.
Galing kay Kevin ang text message na iyon at ang pinagtataka ko ay isang address ang laman niyon.
"Syemays, gusto pa ata akong masolo bago ako bumisita sa kapatid niya" kinikilig na sabi ko sa sarili bago minadali ang pagbibihis.
Nakabrallete ako at pinatungan ko iyon isang see-through na polo at tinernohan ko iyon ng isang plaited skirt at simpleng sandals na lang ang isinuot ko. Naglagay lang din ako ng isang hair clip sa buhok ko para may 'spice' naman sa outfit of the day ko.
Magpapaalam muna ako kay Mommy na doon ako mapunta sa address na itinext sa akin ni Kevin kani-kanina lang.
"Yang boyfriend mo ha, palagi ka na lang sinosolo" mapang-asar na wika ni Mommy at sinabayan pa iyon ng isang nakakalokong ngiti.
"Mommy naman eh! Baka naman may sasabihing importante sa akin" nahihiyang sambit ko kay Mommy.
"Ay nako, mga kabataan nga naman ngayon oh! Dalagang dalaga na ang unica hija ko, halika ka nga dito, payakap si Mommy!" paglalambing niya sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Basta palagi mong tatandaan nandito lang ako palagi for you" lambing niya pa sa gitna ng pagyayakapan namin. Tumango na lamang ako at kumalas na sa pagyayakap niya.
"Aba't talagang nagmamadali ka ah" puna pa niya sa akin.
"Hehe, baka po kasi malate ako" pagdadahilan ko.
"O siya sige na! Mag-iingat ka ah!" bilin niya sa akin bago ako umalis.
Nang makarating na ako sa address na itinext sa akin ni Kevin, agad kong inilibot ang paningin ko rito. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang park na malapit sa sementeryo na pinaglibingan ng Daddy niya.
Ayan naalala ko na naman tuloy ang pinakamalungkot na araw ng pamilya niya. Sayang nga lang dahil hindi nakasama si Kurt roon pero atleast nagpapagaling na siya sa mga araw na iyon at buti na lang at ayos na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...