<87> Results

34 6 0
                                    

Maira's POV 

Hindi ko man alam ang kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Kevin ngayon ay ramdam ko naman na nasasaktan siya sa mga nangyayari. Gaya ko ay wala na siyang makikilalang ama sa ngayon, mas maswerte pa nga siya kung tutuusin eh. Nakasama niya ang dad niya kahit sa sandaling panahon lang di gaya ko na nabuhay sa mundo na walang kinkilalang ama. May mapagmahal at supportive na kapatid, hindi kagaya ko na nag-iisang anak lang. Siguro nagtataka kayo kung paano ko nalaman na may kakambal si Kevin? 

Simple lang, noong nasa New York pa kami ay doon ko nalaman na hindi pala siya ang mismong nagpaalam kay nanay na ligawan ako kundi yung kakambal niya ang gumawa noon at siya na ang nagpatuloy. Nalaman ko lang ang lahat kay Jade, nahuli niya daw kasi ang kapatid niyang si Jace na may kausap sa telepono sa kalagitnaan ng gabi at mukha daw itong inis na inis sa nangyayari kaya kinompronta niya ang kakambal niya at sinabi naman ni Jace na yung kakambal daw nitong si Kevin ang humihingi ng tawad sa mga kalokohan ni Kevin sa kanya. Hindi naniniwala si Jace dahil nadala na siya kay Kevin, ang buong akala niya ay pinagtritripan na naman siya ni Kevin pero hindi pala. 

Nagpaalam ako kayna tita at kay Kevin na mabili muna ako ng makakain, may kantina naman dito sa loob ng hospital kaya hindi ko na kailangang lumabas pa. 

Habang nasa daan naisipan kong tawagan si Mommy, para kamustahin at para ibalita sa kanya ang nangyari. 

[Anak, bakit ka napatawag? Gabi na diyan ah?] bungad niyang tanong ng masagot na ang tawag ko. 

"Mommy, may nangyari po kasi" panimula ko.

[T-teka ano yun? May masama bang nangyari sa'yo anak? Sinaktan ka ba? Sinong nanakit sa'yo?] sunod sunod niyang tanong at bakas na sa boses niya na nag-aalala na siya. 

"Mommy, hindi po sa akin, sa family po ni Kevin" pagpapakalma ko rito.

[B-Bakit anak, anong nangyari?] sa oras na ito ay kumalma siya ng kaunti pero nag-alala padin siya sa binabalita ko. 

"Hindi ko po kasi alam, habang nagcecelebrate po kasi kami ni Kevin ay tumawag sa kanya yung Mommy niya and then pumunta na po kami sa hospital" paliwanag ko.

[Anong ginagawa nyo sa hospital?] tanong naman nito.

"Ito po kasi binigay na address ni tita kaya dito kami kaagad pumunta ni Kevin. Hindi ko pa po alam ang story kasi po nararamdaman ko na nahihirapan si tita na ikwento sa amin ang nangyari" pagpapatuloy ko pa.

[Haaaay, sana naman ay umayos na kalagayan nila] malalim ang buntong hininga niya bago niya sinambit ang mga salitang iyon. 

"Sana nga po, eto nga po ako ngayon at bumibili ng foods sa canteen ng hospital" paga-update ko kay Mommy.

[Mabuti naman at naisipan mo yan, anak. Siya nga pala ikamusta mo na lang ako sa kanila ha] bilin nito sa akin. 

"Mommy, magpapaalam po sana ako" malambing kong wika sa totoong pakay ko. 

[Ano ba iyon?] 

"Pwede po bang magstay muna ako sa hos-"

[Yes anak, oo. Magandang ideya nga iyan. Tapos pauwiin nyo muna ang Mommy ni Kevin para naman makapagpahinga na muna siya. Tas samahan mo muna si Kevin na magbantay diyan] pagpuputol at pagpayag niya kagad sa sasabihin ko. 

"Salamat po, Mommy" natutuwang saad ko. 

[O siya sige na anak, may meeting pa ako eh. Basta mag-iingat ka palagi ha? Balitaan mo na lang ako] pamamaalam niya.

"Opo, babye po. Ingat!" sabi ko bago niya pinatay ang tawag. 

Hindi naman ako nagtagal sa kantina dahil wala namang pila. Tanging tubig at biscuits lang ang nabili ko dahil hindi pa available ang dinner meal nila. Pagbalik ko ay nakitang kong magkayakap ang mag-ina at kapwa silang humihikbi. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon