<5> The Question

92 11 0
                                    

Maira's PoV

Nang uwian na nagmadali na akong umuwi at tinakasan ko sina Jade, ayoko na munang makasabay yung maldita niyang kakambal. Pass muna, saka na lang ulit pag nasa mood na ako.

Habang palapit ng palapit ako sa amin parang nakakaramdam ako ng kaba. 

May sumunod sa akin. 

Kaya binilisan ko ang paglalakad. Ayoko pang makidnap, kailangan ko pang maiahon si nanay sa hirap. Ayoko pang mamatay gusto ko pang makatuntong ng kolehiyo.

 Nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin ay biglang may  sumulpot sa harapan ko.

"Ahhhhhh!!!  Aswang!" napasigaw na ako sa takot. "W-wag po" maiyak iyak kong dagdag ng papalapit ng papalapit siya sa akin. Masyado pa akong bata para mamatay at kailangan ko pa ngang makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ko si nanay sa kahirapan.

"Ang gwapo ko naman atang aswang?" isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin. Si Kevin.

"Aishh ikaw lang pala yan, pambihira akala ko na talaga aswang. Huhuhu ayaw ko pang mamatay" sabi ko. At pinunasan ko na ang luha ko, nakakatakot naman kasi hindi pa ako ready na mamatay.

"Woah kakaiba ka ngayon ah hindi ka Bad Girl" manghang sabi niya. Syemays, bakit ba ako nagpadala sa takot ayan tuloy nakita niya weakness ko baka mamaya takutin niya na ako palagi.

"Whatever" pagtataray ko sa kanya. Kailangan back to Bad Girl na ang peg ko baka mamaya ipagkalat niya pa na takot ako sa aswang. Mapunta na sana ako sa bahay ng may marealize ako. 

"Oo nga pala bakit ka nandito? Bakit mo ako sinusundan? Ano bang gusto mo ah? Away o gulo? What the hell are you doing in here? Answer me you fvcking asshole!" sunod sunod kong tanong sa kanya. Naiinis kasi ako kung may sakit lang ako sa puso baka patay na ako ngayon.

"Woah chill there Princess! Isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban. Okay?" angal niya. Pake niya ba? Sa sunod sunod ang tanong na lumabas sa bibig ko eh ano bang magagawa ko? At sinong may sabi na Princess ang pangalan ko?

"What the hell? stop calling me Princess that's not my name!" sigaw ko sa kanya. Ayaw kong tawagin akong Princess hindi kasi bagay sa akin tinggnan mo nga ang estado ng buhay ko, ewan ko lang ba dyan kay mama at Princess pa ang ipinangalan sa akin.

"It's part of your name Princess!" cool niyang sabi. Talagang iniinis ako ng isang toh ah. Pigilan niyo ako kakalderetahin ko toh kapag hindi niya ako tinigilan.

"Pssh whatever" pagtataray kong muli. Dzuh! Ayaw kong makita niya akong mabait nuh! Kailangan kong magtaray kahit labag sa kalooban ko kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa mokong na ito. 

 "By the way why are you here?" tanong kong muli, ngayon ay kalmado na dahil baka marinig ni nanay ang pagsisigaw ko sa labas at ayaw kong makagalitan. Pansin ko lang ah, iniiba niya ang usapan nakakabwiset lang nagtatanong ng maayos tas iibahin ang topic, tsk maling mali yon.

"Kasi may itatanong ako..." sagot niya. Mukhang nahihiya pa, aba may ganitong side pala ang mokong na toh, from bad boy to shy boy? Yak! ang sagwa.

Bakit ba binibitin nya pa yung tanong? Hindi na lang itanong kaagad para tapos na.

"Then what's it? Don't waste my time!" pagmamaldita ko, nahawa na ata ako kay Jace. At isa pa ay may itatanong pa ako kay nanay eh, katagal naman kumilos pagong lang ang peg?

"Hindi sayo sa na-" naputol ang sasabihin niya ng may lumabas sa bahay namin.  

Si nanay Sunshine. 

"Oh anak kanina ka pa ba dyan? Sino yang kasama mo?" tanong ni nanay. Syemays! At talagang nakita niya pang nandito si Kevin, ito naman kasing mokong na'to hindi agad sabihin ang itatanong ayan tuloy naabutan pa kami ni nanay.

"Ahmm hindi po nay kakadating ko lang mga 5 minutes palang akong nandito" Sagot ko kay nanay. 

"Oh siya sige. Sino ba talaga yang kasama mo nak?" tanong muli ni nanay.

"Ahmm siya po si-"

"Kevin po tita" putol niya sa sasabihin ko.

"Ahh Kevin ano bang ginagawa mo dito hijo? Pasok muna tayo sa loob" sabi ni nanay.

Nalintikan na baka kung anong isipin ni nanay!

****

Gaya nga ng sabi ni nanay pumasok na kami sa bahay. Hindi naman kaliitan ang bahay namin hindi din naman kalakihan kung baga ay sakto lang. Para sa amin oo pero sa bwisita namin baka terris lang nila toh. Hahaha mayaman eh.

"Ano nga bang ginagawa mo dito hijo?" tanong muli ni nanay. Antagal naman kasi magtanong ni Kevin, ayan tuloy nakapasok pa sa bahay namin. Baka mamaya ipagkalat niya sa campus na ganto lang ang bahay namin, syemays di ko keri baka ibully na naman ako. Well, kaya ko namang ipaglaban ang sarili ko. 

"Ahmm may itatanong lang po sana ako" wow infairness ah may kagalangan din pala ang laman ng utak niya. Wow! I'm so shocked. I didn't expect that. Nakaka amaze naman.

"Ano ba yun hijo?" tanong ni nanay. Wow lang talaga ah. Gaano ba talaga kaimportante ang tanong niya? At talagang sinundan niya pa ako papunta ng bahay? Pero deep inside ahh kinilig ako ng kaunti. Hehehe kaunti lang naman ahh. Don't judge me 10% lang naman ah, enebe.

"Pwede po bang ligawan ang anak nyo?" diretsong tanong niya. Kung nakatayo lang siguro ako rito ay natumba na ako sa gulat. Napaismid na lamang ako ng mapakinggan ang sinabi niya. What the hell?! Seryoso ba siya?!  Baka naman paasahin niya lang ako ah?! Hindi eh nagpapaalam siya kay nanay. Huhuhu patay ako nito kay nanay. 

Pagtingin ko kay nanay ay napangaga siya ng literal. Mukhang hindi niya din inaasahang sasabihin yun ni Kevin. Hmmmm. Parang ang bilis naman ata? Parang kanina lang tinapunan nya ako ng juice sa canteen tapos manliligaw ginagago ba ako nito, pero infairness kanina pa akong nagpipigil ng kilig. Syemays Maira what's happening to you?

"Pwede naman basta nasa anak ko na ang desisyon kung sasagutin ka niya oh hindi" pagsagot niya sa katanungan ni Kevin at pambasag niya sa ilang minutong tahimik. Syemays bakit pumayag si nanay? Bakit naging ganito ang araw ko? Bakit ganon ang tanong ni Kevin? Bakit? Bakit?! BAKIT?!

"Ahh okay po salamat po tita. Aalis na po muna ako baka po kasi hinahanap na ako sa bahay." pamamaalam ni Kevin kay nanay.

Seryoso ba talaga siya?! Pero parang kinilig ako dun ah. Hihihi. Syemays slight nga lang mga 15% na  ngayon HAHAHAHA. Ang bilis naman mag increase. Syemays ang harot ko na. 

"Nay punta na po muna ako sa kwarto natin" paalam ko.  Tumango naman si nanay bilang pagsang-ayon. Lutang ang isip ko ng makapunta sa kwarto. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyayari.

Naglinis muna ako bago ako humiga sa kama, ang aga ko namang atang mamahinga? Kaya agad akong bumangon at tinulungan si nanay na maghanda ng hapunan namin. Maya maya pa'y kumain na din kami at muling nag-ayos para makatulog na. Maaga dapat akong magising bukas para makapag almusal naman ako bago ako umalis.

Patulog na sana ako ng may maalala ako. Syemays nakakainis hindi ko nasabi kay nanay yung tanong ko. Huhuhu cursed you Kevin. Haisst baka sa susunod na lang. Medyo hindi pa nagproprocess sa utak ko yung nangyari kanina eh.


Dear Heart, 

Bakit ganon? Bakit naging ganoon yung tanong ni Kevin? Bakit niya ako liligawan? Bakit ambilis naman ata? Ang dami kong tanong pero ikaw na puso ka ambilis ng tibok mo ng malaman mo yung pakay ni Kevin, syemays!

-Maira


When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon