<2> Meeting the 3 Boys

187 14 0
                                    

Maira's PoV

Dumaan muna kami sa canteen bago magpatuloy sa aming classroom dahil uhaw na daw si Scian at ako naman gutom na, tinanghalo kasi ako ng gising kaya hindi na ako nakapag umagahan. Pati si Jade naman yung magbabayad, kaya okay lang kung gumastos kasi hindi naman ako ang gagastos. Ililibre niya kasi rich kid siya eh. Si Scian rich kid din kaso may pinag-iipunan daw, sus kuripot lang yon HAHAHAHA. Di na lang sabihin na 'ayaw ko gumastos' o di kaya ay 'ayoko manlibre', dami pang sinasabi eh. De joke lang sadyang may gusto lang siyang bilhin at ayaw niyang ipaalam sa amin kung ano yun. Gusto niya pag-ipunan ang bagay na gusto niya at ayaw niyang palagi siyang umaasa sa pera ng magulang niya. 


Habang nakapila kami pakinig na pakinig namin ang mga bulungan ng iba't ibang estudyante.

"Andyan na sya"

"Si Maira"

"Nandito na ang Bad Girl"

Ilan lamang iyon sa mga napakinggan naming mga bulungan na para namang hindi. Parang sinasadya pa ngang iparinig sa amin. Hay nako ang laki na nga ng problema ng Pilipinas dadagdag pa itong mga ito.

Nang makabili na kami ng kaunting snacks ay pupunta na dapat kami sa isang bakanteng lamesa ng may magbuhos sa akin ng malamig na juice. Napapikit ako sa lamig at lagkit ng orange juice, hay sayang sana binigay na lang sa akin ng maayos hindi yung patanga tanga ng bigay.

"Oh my Gosh"

"Look what the Bad Boy did to her"

"Hahahaha kawawang Bad Girl"

Muling pagbubulungan ng mga tsismoso at tsismosa, hay nako kaunti na lang talaga at sisikat na ako dito.

Ganito na ba kalakas ang bulong ngayon? O sadyang napakadaming bubuyog lang talagang nagkalat dito kaya nahawa na pati mga schoolmates ko sa ingay ng pagbubulungan. 

"Oh my, Girl are you alright?" nag-aalalang tanong sa akin ni Scian.

"What the hell is he thinking?" naiinis na sabi ni Jade sa mga lalaking kaharap namin ngayon.


Pagdilat ko ng aking mata nakita ko ang tatlong hari-harian ng campus. Mga papansin talaga kahit kailan. Mga walang magawa sa buhay hindi na lamang manahimik.

John Ashvin Gonzalez. Isa sa tropa ni Bad Boy. Tinaguriang Nerdy Boy dahil sa kanilang tatlo ay siya lang ang seryoso sa pag-aaral. Kaklase din namin siya. At siya ang Top 2 sa Memorial Prime. Siya ay anak ng doctor at nurse.

Clark James Santiago. Isa pa sa tropa ni Bad Boy. Tinaguriang Play Boy, kaliwa't kanan ang mga babae, meron dito meron dyan meron every where. Haisst ano pa bang kailangang asahan? Play boy nga diba!?

And lastly-

"Ooppss sorry! sinasadya" he sarsastically said, said by the Bad Boy.

"Ahh talaga thank you ha!" maarteng tugon ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya, agang aga sinisira niya ang araw ko.

"You're welcome. My Pleasure" nakangising tugon niya. Kung hindi lang ako nag-aalinlangan sa scholarship ko matagal ko na itong nasumbong sa Principal's Office eh, kaso baka hindi din ako paniwalaan kaya wag na lang.

Aalis na sana kami ng may maalala ako.

"Ay before I forget....." sabay sampal ko sa kanya. Masakit din yon ha! Hindi ko lang pinapahalata ayaw kong magmukhang talunan.

"What's that for?" angal niya sa ginawa ko, oh kawawa naman siya. Napangiti naman ako ng matamis para lalo siyang mainis. Hindi naman ako nabigo because he's getting pissed, I can clearly see it on his face.

"Bayad ko sa ginawa mo!" sagot ko ng pasigaw sa mismong mukha niya.

"What the fvck?!" nagagalit na saad niya.

"Bakit labis ba? Don't worry just keep the change" maarteng sabi ko sa harap niya sabay alis. Sumunod naman yung dalawa sa akin.

"Sya na marunong lumaban"

"Gaga kaya nga bad girl"

"Bad Girl na nerd"

Rinig ko pang bulungan ng mga bubuyog. Inggitera lang ang putak ng putak. Naiinggit lang sila sa akin dahil malakas ang loob ko at higit sa lahat ay dahil matalino ako.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga kamag-anak ng bubuyog at tuluyan ng rumampa paalis. Nang makalabas na kami ng canteen agad naman akong kinompronta ng dalawa.

"May extra uniform ka ba sa locker mo Maira? you can't go to our classroom like that, mas lalo ka nilang pagtatawanan" halatang nagtitimpi ng galit si Jade habang sinasabi niya ang mga linyang ito.

"Yun na nga Jade eh, nakalimutan kong magdala kasi kahapon lang ako nakapaglaba ng mga damit" sabay yuko, ayaw ko makita yung mga mata ni Jade kapag nagagalit siya lalo na kapag nagtitimpi siya ng galit. Nakakatakot kasi siyang tinggnan parang handang kumain ng tao.

"Don't worry Maira, I think I have a spare uniform at my locker, and also shoes. Dumaan muna tayo dun para makapagpalit ka na kasi ako ang hindi nagiging kumportable sa sitwasyon mo ngayon" Scian said, kahit kailan talaga girl scout tong isang ito eh. Sa napapansin ko kasi kapag may wala kaming gamit ni Jade kay Scian kami pupunta kasi sa kanya palaging meron kahit anong gamit pa man yan. Girl scout na demanding. 

"Thank you Scian" I smiled at her, and she smiled back. 

"Kung hindi lang tayo pinagtitinginan ng mga tsismoso at tsismosa kanina malamang sa malamang ipinaghiganti na kita" naiinis na sabi ni Jade, ito naman napaka sadista palagi pero ayaw niya ng nasa kanya ang atensyon ng tao. Pero kapag nasa tagong lugar kayo at may galit siya sayo, kung ako sayo tumakbo ka na baka mapatay ka pa niyan.

"Hey stop na Jade, palampasin mo na lang" pag-aawat ni Scian sa kanya.

"Sige, pero kapag inulit niya pa toh, ipaghihiganti ko na talaga si Shamaira" patuloy pa silang nag-uusap habang naglalakad kami papuntang locker area. Pinabayaan ko na lamang silang magtalo. Kasi masyado ng occupied ang utak ko.

Kasi grabe na talaga nakakainis na talaga siya ah, napakatahimik lang ng naman ng buhay ko pero nung simula niya ako ibully naging magulo na. Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Pero nabansagan pa ako Bad Girl. Hay eh ang bait bait ko kaya sa lahat maliban sa kanya.

Siya ay si Prince Kevin Suarez. Ang tinaguriang Bad Boy ng Campus. Siya ay anak ng Principal ng Memorial High at ng Engineer ng Memorial high. Kaya siya ay umaastang hari ng campus. Nakakainis diba? Feeling sila ang may ari ng school ay hindi naman. Feelingero lang? Hay Naku nakaka stress. Balang araw makakarma din iyang Bad Boy na yan, isama mo pa yung dalwa niyang kaibigan.

Sa halip na wala akong problema ngayon eto ako ngayon at namomroblema. Syemays nakakainis talaga yang Kevin na yan. Ang gwapo naman niya sana, sayang! Type ko na nga siya nung grade 7 pa lang ako eh. Crush ko yun slight lang naman. Kaso nabawasan ang lahat ng yun dahil sa nalaman ko ang ugali niya. Oo, nabawasan lang! Kasi hanggang ngayon ay may gusto padin ako sa kanya sa di ko malamang dahilan. Pero ang sama niyang tao! Tao pa ba yun? Hay kung hindi ko lang type ito eh, este kung hindi lang ako natatakot na mawala ang scholarship ko, magsusumbong na ako. Oo yun ang ibig kong sabihin wag kayong ano!

Dear Heart,

Minsan napapaisip din ako eh, bakit ba nagustuhan mo pa yung Kevin na yun? Ang sama sama nga ng ugali oh! Awan ko talaga sa iyo! Hindi ka kasi tumulad kay brain! Napakatalino niyan! 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon