<53> Sabotage

55 7 0
                                    

Kevin's POV

"Maaring sinasabotahe ka na ni Scian, Kevin. Maaring may plano din siya, pwede ding sinasabi niya lang yun sayo kasi pinapaikot ka niya. Madaming posibleng dahilan. At minsan pwede din mangyari ang mga imposible" seryosong banggit ni Ash sa bawat salitang binitawan niya.

Napatahimik naman kami ni CJ sa sinabi niya, tanging ang paghuni ng ibon at paggalaw ng mga puno ang maririnig. Parang may dumaang anghel sa tambayan namin.

Ako? Sinasabotahe ni Scian? May plano din ba siya?

Imposible naman ata.

Nawala lang ang katahimikan na bumabalot sa lugar na kinatatayuan namin nang biglang magring ang school bell.

Umalis kaming lahat na walang imikan at kibuan, ganoon ang naging ayos namin hanggang sa makabalik kami sa classroom namin. 

***

Uwian, napagpasyahan ko na ihatid si Maira sa kanilang bahay para makakuha ako ng impormasyon. Sa paraang ito dito ko mapapatunayan kung may saysay ang pinagsasabi ni Ash sa amin kanina, awan ko ba sa lalaking ito masyadon nang nagpapaniwala kay CJ. Si CJ naman lakas makaimpluwensiya, lawak din ng imagination. Hay awan ko ba kung bakit ko naging kaibigan ang dalawang ito. 

Sa labas na ako ng classroom naghintay, mabuti na lang at nagpahuli din sina Maira. Unang lumabas si Scian at walang lingon lingon kahit kanino. Napansin ko din kanina na wala ni isa sa kanila ang nagsasalita, tahimik lang sila at hindi nagkikibuan. May nangyari nga ba?

"Princess" pagtawag ko sa atensyon ni Maira noong lumabas na siya sa classroom namin. 

Kagad naman siyang lumingon sa akin at bahagyang napangiti, nginitian ko na lamang siya pabalik kasi nakikita ko ang bahid ng kalungkutan sa kanyang mga mata. 

"Jade, mauuna na ako ha, mukhang ihahatid ako ngayon ni Kevin" pagpapaalam pa nito sa kanyang kaibigan. Tumango na lamang ito bilang sagot at saka umalis na din. 

Dahan dahan na siyang lumapit sa akin ng nakayuko kaya kaagad ko siyang tinanong para makuha ko ang atensyon niya.

"May nangyari ba?" 

Bigla naman siyang tumunghay at tumingin ng diretso sa aking mga mata, hindi nakatakas sa akin paningin ang pagpatak ng isa niya luha agad itong sinundan ng isa pa at ng isa pa hanggang sa tumuloy ito sa pag-iyak.

Sa di malamang dahilan ay niyakap ko siya, ramdam ko ang pagpatak ng mga luha niya sa dibdib ko. Hindi din nakaligtas ang paghikbi niya, naaawa na kagad ako sa kanya kahit hindi ko pa alam ang rason kung bakit siya umiiyak. 

Dahan dahan ko na ding hinaplos ang buhok niya at ang likod niya. Ito lang ang paarang alam ko sa pagcocomfort. Sinubukan ko na din siyang patahanin pero patuloy padin siya sa pag-iyak. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya, teka paano ko ba nasasabi at nagagawa ang lahat ng ito? Hindi ba't ito din kahahantungan niya sa oras na tapos ko na ang plano?

Sa halip na umimik ay nananhimik ako hanggang sa kusa siyang tumigil sa pag-iyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko rito, pero wrong move ata kasi nagsimula na siyang humikbi. 

"Hindi na kita pipilitin, tara na at ihahatid pa kita" aya ko sa kanya at naglakad na kami papunta sa Parking area. 

Pinagbuksan ko na din siya pintuan at dali daling pumasok sa driver's seat. Pinaandar ko ang makina ng sasakyan ng bigla siyang nagsalita.

"Si Scian kasi sinisiraan ka niya sa akin" 

Nagulat naman ako sa sinabi niya at bahagyang lumingon sa kanya.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon