<39> Next Step

51 4 2
                                    

Kevin's POV

The establishments of our school are recently renovated, I presume Memorial High has a visitor, but who? 

Anyways it's time to step up to my plan, it's already been a week since I involved myself in that disgusting relationship, well it's for the advantage of my plan. 

One subject before our recess time, I texted Scian to meet me on the school's rooftop. It's far from the school's canteen and from our classroom, at isa pa ay madalang itong puntahan nang mga estudyante kasi napakalayo nito sa ibang building, at dahil na din sa kadahilanan na ginawa itong tambayan dati ng 'gangsters' sa loob ng school, pero nakick out na sila pero ako naman ang pumalit, biro lang. Bad Boy lang ako pero hindi ako gangster. 

Nagtataka kayo siguro kung saan ko nakuha ang number ni Scian? Tsk, I have my own ways. I'm not a bad boy for nothing, syempre nanghila ako ng isang estudyante na kakilala ni Scian, elementary friend niya ata, hindi ko tanda. Stalker na kung stalker pero, ganon talaga sobra na ang paghanga ko sa babaeng tinitibok ng puso ko simula noong unang araw ng high school. 

Pinilit ko yung estudyante na iyon na ibigay sa akin ang number ni Scian, at pinatahimik ko siya sa pamamagitan ng pananakot. Sinabi ko lang naman na ipapakick out ko siya sa school sa kadahilanang isa siyang member ng gang sa labas ng eskwelahan, wala akong pakialam kung totoo yun o hindi kasi isang sumbong ko lang sa mommy ko, ipapapatalsik na kagad ito. Perks of being the son of the principal. Pero isa lang ang hindi ko mapatalsik sa eskwelahan na ito, at yun ay si Maira, ilang beses ko na siyang siniraan sa aking ina, ngunit hindi siya naniwala sa akin. Siguro ay isa siyang scholar at hindi siya basta basta nagpapaalis ng mga ganito. Awan ko din kay mommy, magulo siya pagdating kay Maira. 

Teka nga bakit ba napunta sa usapan si Maira? 

Ah dahil siya lang naman ang babawian ko, hindi ko man siya mapaalis sa pinakamaayos na paraan, idadaan ko na lamang sa ibang paraan kaya nagplano ako hindi ba? Siguradong kapag nasaktan siya nang sobra ay aalis siya ng kusa sa paaralan na ito. At dahil doon si Ash na ang magiging top sa Memorial Prime, si CJ mapopormahan yung isa pang kaibigan ni Maira na si Jade, ewan ko ba gusto atang isama sa koleksyon niya. At si Scian naman ay mapapasakin. Si Maira lang naman kasi ang sagabal sa aming tatlo, kaya kami nagkasundo sa plano na ito eh. 

We have a one-goal; to kick Maira out from Memorial High. 

Maira is on rank one of Memorial Prime, and Ash is on rank two, he wants to be on top, as always. 

Maira is Jade's best friend, gustong pormahan ni CJ si Jade ngunit sagabal si Maira dahil palagi niyang iniiwas si Jade kay CJ. 

Maira is Scian's best friend, and I want Scian for a long time, and I know she wants me too, just my instinct. But Maira has a crush on me, kaya nagparaya siya para dito. Paano ko nalaman? Ang lakas kasi nilang magbulungan noong grade 7, eh palagi ko pa naman sinusundan noon si Scian. 

The three of us have one goal and that is to get rid of Maira.

Saktong recess time naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko

Scian texted me.

Hindi ko na napigilan ang mapangiti, Scian agreed for our meet up but she said that she will spend 15 minutes for her friends first and the last 15 minutes of the break to me. 

"Oyyy lawak ng ngiti natin diyan ah?" pang-aasar ni CJ. 

"Shut up" saad ko pero nakatingin padin sa cellphone ko. 

"Ano bang nginingiti mo diyan?" usisa ni Ash.

"Scian texted me, she agreed to our meet up later" nakangiti kong sambit sa kanila, si CJ nakingiti din pero si Ash umiwas ng tinggin at sinimulan ng magbayad ng kakainin namin sa tambayan namin. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon