Maira's PoV
Kakatapos ko lang magpuyod ng may mapakinggan akong tinig ng isang lalaki.
Nagpuyod ako kasi naiinitan ako, hindi ako nagpuyod para magpaganda kaya wag kayong ano.
"Hi Princess" sabi niya. Luminga linga naman ako kung sino yung tinutukoy niya. Pero wala eh ako lang malapit lapit na babae sa kanya.
May Princess ba namang lalaki?
"Huh?" naguguluhang tanong ko sa lalaking nagtatawag ng Princess.
Sino ba si Princess?
"Sino tinatawag mo?" tanong kong muli. Wag mong sabihin na nakakakita siya ng ibang elemento sa school nato?
Syemays, sabing takot ako sa aswang eh!
"Ikaw, sino pa ba ang prinsesa ng buhay ko" pagbanat na sabi nito. Medyo nagulat naman ako sa inaasal niya. Kanina pa siyang ganyan ah. Syemays kinikilig ako.
Okay ang harot mo na Maira!
Kanino ka ba nagmana?!
Sa pagkakatanda ko naman ay hindi ganito si Nanay, wala naman siyang nakwekwento sa'king kaharutan!
Syemays! So kanino ko natutunan ito? Bakit ang harot ko?!
"Your cheeks are turning red Princess" mapang asar na wika nito. Natauhan naman ako, napaisip na pala ako ng malalim. At agad naman akong napahawak sa mukha ko.
Syemays namumula na pala talaga ako?
"Shut up Kevin" pananaway ko sa kanya at umiwas na ng tinggin. Yun na lang nasabi ko kasi nahihiya na ako deep inside.
"Why Princess, too guilty?" nasa tono na naman ng pananalita niya ang pang aasar. Maya maya naman ay umupo siya sa tapat ng kinauupuan ko ngayon.
Syemays, nananadya ba ito?
"Whatever" I just rolled my eyes because in the second thought he is right. Medyo kinilig ako sa sinabi niya eh. Pero hindi talaga ako sanay na tinatawag ako sa unang pangalan ko.
"Hey easy Princess, don't be mad at me" seryosong sabi nito. Na ipinagtaka ko, umirap lang galit na? Dzuh hindi ako katulad ng ibang babae diyan na napakahilig mag-inarte
"By the way here's the food I bought earlier" dagdag pa nito sabay turo sa pagkaing binili niya.
"Stop calling me Princess" seryosong wika ko dito habang pine-prepare niya yung Java rice with hotdog on top. Syemays favorite ko ito.
"Why?" nagtatakang maikling tanong nito.
"Hindi ako sanay" pag-amin ko sa kanya.
"Sasanayin kita" pa cute na sabi niya. Napangiwi naman ako sa pagpapa cute niya sa akin. Pero sa kaloob looban ko cute siya sa paningin ko. Syemays, crush ko lang naman siya eh, 15% lang promise. Pero, baka pwede pang magbago.
"Hey, what's with that stare? You don't like my cuteness?" sunod sunod niyang tanong.
Syemays, pacute talaga!
Napailing naman ako. "Hindi lang talaga ako sanay" pailing kong wika habang sinimulan ng kumakain, ganoon din naman siya.
"As I said, SA-SA-NA-YIN KI-TA" aba't binaybay niya pa talaga ang huling dalawang salita.
Syemays bakit ba ako nagkakaganito? Kilig to the bones!
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang naman sa pagkain, kasi ano ba namang sasabihin ko?
"What's with you Kevin?" bigla kong tanong sa gitna nang aming pagkain. Bigla naman siyang napatigil sa pagkain at tumingin sa akin.
"What do you mean, Princess?" naguguluhang sabi niya. Deep inside talaga napapangiti kapag tinatawag niyang akong Princess. Siya ang kauna unahang tumawag sa akin nun eh.
"What I mean to say is bakit mo biglaang naisip na ligawan ako? Eh parang kailan lang magkaaway pa tayo" paglilinaw ko sa aking tanong.
"You know what Princess, minsan naisip ko din yan eh. Pero pagod nadin kasi ako sa pakikipag-away sayo. And then one day I realized that kaya kita ginaganoon dati ay paraan ng pagpapapansin ko sayo. Para kasing nahihiya ako sayo kung harapang aaminin ko sayo ang nararamdaman ko. Princess because I like you" mahabang sagot niya sa isang simpleng tanong ko. Syemays he likes me too? O my gosh!
"Thank you for liking me Kevin, but I can't promise na magugustuhan din kita. Sorry" paliwanag ko dito. Syempre dapat pakipot mode muna si aketch. Baka naman kasi pinagtritripan lang ako nito. Mahirap na baka gino-good time niya lang talaga ako. Kelangan kong mag-ingat para sa sitwasyong ito.
"It's okay Princess I'm willing to wait for you" seryosong saad niya.
Syemays, willing to wait naman pala ito eh.
"Tara na?" yaya ko sa kanya baka kasi mapunta pa ito sa iyakan. Tutal tapos nadin naman kami kumain.
"Wait" naguluhan naman ako sa kanya pero tumigil padin ako sa paglalakad at maya maya pa lamang ay tinungtungan niya ang kinauupuan kanina at bigla na lang siya sumigaw.
"KAYONG LAHAT! MAKINIG KAYO SA AKIN! WALANG PWEDENG MANAKIT KAY PRINCESS NAIINTINDIHAN NIYO? KASI KAPAG MAY NANAKIT SA KANYA I'LL TELL MY MOM TO SUSPEND YOU IN THIS SCHOOL. IS THAT CLEAR?!" sigaw niya sa mga estudyanteng naroroon din malapit sa canteen. Nagsitanguan naman ang iba sa mga pinagsasabi niya.
Syemays, anong kahihiyang pinagsasabi nito? At talagang bakit isinigaw niya pa? Ganoon ba talaga sya kaseryoso?
"AND ONCE NA MALAMAN KO NA MAY NANAKIT SA KANYA, I'LL MAKE SURE NA PAGSISIHIHAN NYO YON. SHE IS UNTOUCHABLE OKAY?! ONE MORE TIME PRINCESS SHAMAIRA IS UNTOUCHABLE" huling sigaw niya bago niya hilahin ang kamay ko paalis sa lugar na yon.
Kailangan ko ng ilayo siya ilayo dahil ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa niya. Isigaw ba naman yun sa harap ng napakadaming tao? Hindi lang ako o siya ang nakarinig ng pinagsasabi niya kanina. Kung kami lang sana okay pa eh kaso isinigaw niya sa madaming tao!
Nakakahiya!
Syemays ako ay kinikilig to the bones! Hila hila ko padin ang kamay niya papunta sa classroom namin. Andaming mga pares ng mata ang nakatingin sa amin, pero wala akong pake dahil ang mahalaga lang ngayon ay mailayo ko siya para mapatigil siya sa pagsisigaw. At isa pa ay kinikilig ako sa mga pinaggagawa niya at sa paghila hila ko sa kanya ngayon.
Syemays is this love na ba?
OA ko naman masyado, love agad? Hay siguro nadadala lang ako sa emosyon ko.
Pero kung love na toh.
Siguro nahuhulog na ako.
At sana handa niya akong saluhin kong mahuhulog na ako.
Teka bat ang bilis naman masyado?
Dear Heart,
Kung mahuhulog kaya ako, may sasalo sa akin? Kung mahuhulog ba ako, panigurado na bang sasaluhin niya na ako? At kung mahuhulog na ba ako, kaya niya ba akong saluhin kaagad?
-Maira.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...