Maira's POV
Eto na nga po kakababa lang namin sa kotse nina Jade, ang aga pa ng nakarating kami 6:05 pa lang ng umaga. Kaya eto kami ngayon nakatunganga sa kawalan.
"Oyy Maira mag-ikot ikot nga muna tayo" sabi ni Jade mukhang naiinip na ito.
"Sige" tanging sagot ko na lamang, naiinip naden kasi ako eh.
Habang nag-iikot kami, o mas tamang sabihin na malapit na naming maikot ang buong campus dahil kaboringan, biglang nagsalita itong katabi ko.
"Oo nga pala Maira, kamusta naman kayo ni Kevin?" tanong ni Jade ng hindi tumitingin sa akin, weird.
"Okay naman kami" maikling sagot ko kasi hindi ko din alam kung kamusta na nga ba talaga kami.
"Ah ganon ba? Sige" tanging tugon niya, problema nito? Dati kasi kapag ganoon ang mga sinasagot ko uulitin niya ang tanong niya o kaya ay sasabihin niya na 'yung totoo?' with matching nakakamatay na tingin!
Hindi na lamang ako sumagot sa kanya dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate hinihintay ang pagdating ni Scian. 6:30 na ng matapos naming libutin ni Jade ang buong eskwelahan, pati kasuluksulukan ng lahat ng building ay napuntahan na ata namin, syempre maliban sa canteen hinihintay muna kasi namin si Scian para sabay sabay na kaming pumunta roon, patay gutom din yun minsan eh kaya alam naming hindi siya tatanggi.
"Oooy ayan na si Scian" masiglang sabi ni Jade at tinuturo niya ang babaeng padating kaso nga lang....
"Ayyy may impaktang nakisabay" bulong niya pa, siniko ko naman siya baka kasi may makarinig mahirap na.
"Uyy Jade maka impakta ka naman diyan kakambal mo yan uy" bulong sabi ko sa kanya umirap naman ang gaga! Ang taray ah. And yes si Jace nga ang kasabay ni Scian sa pagpasok ng gate. Hindi ko lang sure kung sabay sila sa biyahe o ano man. Tatanong na lang namin kay Scian mamaya. Eto namang si Jace ng tinggin sa akin. Ano ngayon ka lang nakakita ng takas mental? Ay este maganda pala.
"Uuuuyy Jade and Maira ang aga ata ng pasok natin ngayon ah?" pagbungad na sabi sa amin ni Scian.
"Wala naman napaaga lang ata kami ng gising" sabi ni Jade, tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Oooy Scian tara sa canteen, libre mo naman kami Jade kami naunang pumasok eh" pambobola ko hahahaha, manlilibre na yan!
"May usapan ba tayo na kung sinong huling pumasok siya manlilibre?" nagtatakang saad niya, at mukhang nag-iisip pa ng lalim. Agad naman kaming nagpigil ng tawa ni Jade, ahahaha mukhang mauuto na naman namin siya.
"Wala naman pero diba sabi nila? Save the last for the best? O ikaw ang last na dumating kaya ikaw ang best kaya dapat manlibre ka" pangbubudol ni Jade. Ayos din toh mambiktima eh, baka sa future budolera na ito, wag naman sana baka makulong pa siya.
"Save the best for the last kaya yun!" pagmamaktol ni Scian. Luh? Pati ako ay naguluhan, ano nga ba talaga kasi yun? Save the last for the best? Or Save the best for the last?
"Ayyayayayy parehas lang naman ibig sabihin nun wag niyo na pagtalunan" pag-aawat ko, baka kasi mag-away pa.
"Oo nga parehas lang yun! Parehas lang na manlilibre ka" at bumalik sa pagiging budolera ang kaibigan ko.
"Oo na, oo na, manlilibre na nga tara na!" paghila sa amin ni Scian papuntang canteen.
Minsan lang namin mauto si Scian kaya naman susulitin na namin. Nabili niya na ata pinag-iipunan niya kaya may lakas loob na siyang manlibre.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...