<33> Day 2: Church and Resort

48 4 0
                                    

Maira's POV

Ngayong ang ikalawang araw ng aming bakasyon ni Kevin, at hanggang ngayon hindi padin ako maka move on sa naganap kagabi, kasi naman yung 'quality time' namin ay parang sinulit talaga namin. At ang ikinalundag ng puso ko ay yung huli niyang mga sinabi. 

Flashback:

"Uyyy Kevin, ano bang dapat  ginagawa sa quality time?"  tanong ko ng makaupo kami sa isa mga bench rito, ang ganda ng view! Tuluyan na kasing lumubog ang araw at nagpakita nadin ang mga ilaw kaya naman lalong gumanda ang view. 

"To spend more time with each other" simpleng sagot niya. 

"Eh ano pa bang pwedeng magawa dito? Nalibot na natin ang mall kanina" takang tanong ko sa kanya. 

"Simple lang, let's cherish the moment Princess, sulitin natin ang pagkakataon na magkasama tayo ngayon" paliwanag niya. 

Akala ko doon na natatapos ang paliwanag niya ngunit nagsalita siyang muli. 

"Sayang kasi yung binayad ko rito" pagbibiro niya. 

"Ayyy hehe sorry naman, ikaw kasi hinila mo na kagad ako kaninang umaga hindi tuloy ako nakuha ng pera, may ipon naman ako eh" nahihiya kong saad, ngayon ko lang narealize na wala akong ambag sa mga ginastos namin kanina. 

"It's okay, just pay me" sambit niya. 

"Magkano ba?" matapang na saad ko, sana naman ay hanggang 4 digits lang kasi wala na talaga akong pera.

"I don't need your money, pay me with something else" sagot niya, napalunok naman ako katawan ko ba ang kapalit ng lahat ng ito? Syemays hindi ko kaya. 

"Uhmmm a-ano b-ba ang i-ibabaya-yad k-ko?" syemays bakit ba ako nauutal? 

"Pffttt. Stop thinking nonsense. Just pay me with your time. I need your quality time"  wika ni Kevin. 

Nagulat naman ako kasi yun lang ang hinihingi niyang kapalit, sino ba naman ako tumanggi diba? 

Kagaya ng request niya ay pinagbigyan ko siya, we spend more quality time, picture dito picture doon at kung ano-ano pa ang ginawa namin, hanggang sa napagod kami at namahinga muna.

Walang tutumbas sa materyal na bagay ang oras na ibinigay namin sa isa't isa, we cherish and capture our memories here at Venice Grand Canal Mall. 

End of Flashback.

"You're daydreaming Princess" natatawang saad ni Kevin. 

Doon nabalik ang aking ulirat, nandito kami ngayon sa kotse niya at muling maglalakbay, mapunta daw kami sa isang resort ngunit nagyaya muna akong magsimba kasi linggo rin naman. Pumayag din naman siya sa ideya ko kaya eto kami ngayon at papunta sa isang napakalapit na simbahan.

"May iniisip lang ako" pagpapalusot ko na lamang. Tumango na lamang siya ng bahagya. 

Maya-maya pa'y dumating na kami sa destinasyon namin. 

Hindi naman ganoon kadami ang tao sa simbahan ngayon maaga pa kasi, siguro ang iba ay umaattend sa second mass, dahil ang karamihan sa tao sa simbahan ay puro mga may edad na. 

Hindi naman kami nahirapan humanap ng upuan ni Kevin at di rin nagtagal ay nagsimula na ang misa para sa first mass. 

May isang oras at kalahati din ang ginugol namin dito sa simbahan. At ito na kami ngayon at papunta na sunod naming destinasyon para sa araw na ito. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon