<13> Seryosong Usapan

60 6 0
                                    

Kevin's PoV

Kakatapos pa lang ng dalawang subject namin ngayong umaga ng biglang mag ring ang bell. Pahintulot na recess time na ngayon. 

Akala ko ay magiging mapayapa ang break toh kaso hindi. Kasi biglang umimik itong si Ashvin.

"Dude usap tayo ngayon ha" seryosong sabi sakin ni Ash. Tinapik na lang ako sa braso ni CJ at sumunod na kay Ash. 

 Mukhang seryoso ata ang pag uusapan namin.

"Princess di muna kita makakasabay ngayon ah mamaya na lang" pagpapaalam ko kay Maira, para naman kiligin. Alam nyo na ganyang naman ang mga babae eh, kaunting sweet na salita kikiligin na kaagad.

"PRINCESS?" narinig ko pang sigaw nung dalawa kong kaibigan nung papaalis na ako.

"Yes, Princess"  simpleng saad ko at nanguna na sa tambayan.

***

Andito kami sa likod ng canteen, sa tambayan namin. Kami pa lang tatlo ang nakakapunta dito at sama mo na din pala si Kurt. Dito kami nagkita eh.

"Dude ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko ng makaupo na kami sa mga trunk ng tumbang puno, ito ang nagsisilbi upuan sa amin rito.

"Masyado ka namang atat dude. Hintayin muna natin si CJ" tugon sa akin ni Ash. 

"Nasan ba siya?" takang tanong ko ng mapagtantong wala nga dito si CJ. 'Kaya pala walang maingay' wika ko pa sa aking sarili.

"Hinahanap mo ba ako dude?" biglaang sulpot ni CJ dun sa may pinaka entrance nitong tambayan namin. May dala dala siyang supot ng mga pagkain. 

Ah kaya naman pala wala eh, bumili ng makakain namin rito. Mabuti naman yun at nagkusa na siya para naman may silbi siya sa mundo. 

Biro lang. 

"Pinabili ko lang siyang pagkain" sagot pa ni Ash sa tanong ko kanina. Hindi naman pala siya nagkusa. Inutusan pala, at least may amabag na siya rito. 

Biro lang ulit.

"Ahmm okay" tatango tango ko na lang na sabi.

"Kain muna tayo bago tayo mag usap" balik sa seryosong wika ni Ash.

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon. Ganun din naman ang ginawa ni CJ.At sinimulan na namin ang pagkain.

****

Pagkatapos naming kumain bigla na lang nagsalita si Ash.

"Kevin It's that part of your plan?" iyan ang bungad na tanong niya ng matapos kami.

"What?" takang tanong ko rito. Bigla naman kumunot ang noo nito. Eh sa hindi ko alam ang sinasabi niya eh, masama bang magtanong? 

"What I meant to say is, bakit kailangan mo pang tawagin sa ibang pangalan si Maira?" pagpapaliwanag niya.

"Ang gulo mo Ash. Alam mo kasaman talaga yun sa plano ko" pagpapaliwanag ko rito.

"How come that it is part of your plan?" seryosong tanong na naman nito. Si CJ naman mapayapang kumain, aba gagong toh hindi manlang ba niya ako tutulungan? 

"Using sweet words, mas mapapadali ang pagpapahulog ko ng damdamin ni Maira sa akin" proud kong pagpapaliwanag rito. Aba dapat lang ako maging proud, hindi ako prepared sa mga question na yan, pero nakaisip agad ako ng isasagot. 

"And Princess is a sweet word for you?" patuloy padin ang buhos ng tanong sa akin ni Ash. Teka akala ko tahimik lang toh? Bat tuloy tuloy ang tanong niya? Why so serious about the topic of Shamaira? 

"I think so? Teka nga lang Ash bat ba nagkakaganyan ka kay Maira? Don't tell me na you like her?" pag-iiba ko ng usapan. Kasi nakakapagtaka lang talaga. 

"I don't, and never" he simply said. I just nodded to him

"Hoy Kevin baka naman totoo na yang mga pinaggagawa mo ha!" mapang-asar na tanong ni CJ. Aba may bibig pa pala itong mokong na ito? Akala ko kasi puro pagkain lang.

"Alam mo CJ, ilang beses ko ba sasabihin sayo na si Scian lang ang gusto ko!" naiinis kong saad, paulit ulit na kasi yang si CJ eh. 

"Woah chill dude, I'm just asking" still in a teasing tone. I just glared at him. Tumaas naman ang dalawa niyang kamay bilang tanda ng pagsuko, pero pinipigilan pa din ang tawa niya. Pigilan niyo ako sasapakin ko na talaga toh. 

Tatayo na sana ako para masapak ang isang mokong ng biglang magsalita pa ang isa. 

"Just be careful Kevin, you might not notice in the next few days, you're falling for her" cold at baritonong sagot ni Ash bago siya umalis sa tambayan namin. At ano itong sinasabi niya? Ako? Mahuhulog kay Maira? Teka baliktad ata, baka si Maira ang mahuhulog sa akin. Just like my plan. 

"Anong nangyari don?" naguguluhang tanong ni CJ. I just shrugged my shoulders as a reply. Eh sa hindi ko din alam ang isasagot ko sa kanya eh, bigla bigla na lang kasi umalis itong si Ash nang walang pasabi. Tas magsasalita pa ng kabaliktaran sa plano. Yung totoo, nakahuthot ba toh ng drugs? 

Pero napaisip din ako sa tanong niya ah, paano kaya kung mabaliktad ako? 

No way that's not gonna happen. I'm damn loyal to Scian. 

"Oy dude alis nadin ako ah, mangbwibwinggit muna" paalam sa akin ni CJ bago tuluyang umalis sa tambayan namin. 

Ako na lang natitira dito, kasi hindi padin makalimutan ng utak ko ang sinabi ni Ash, seriously what's with him? 

"Just be careful Kevin, you might not notice in the next few days, you're falling for her"

"Just be careful Kevin, you might not notice in the next few days, you're falling for her"

"Just be careful Kevin, you might not notice in the next few days, you're falling for her"

"Just be careful Kevin, you might not notice in the next few days, you're falling for her"

Patuloy pading nagrerecall sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Ash kanina. 

Hay siguro nalito lang iyon sa plano namin. Halo halo na ang laman ng utak niya eh. Oo nga siguro nga ganoon, hay nakakaawa naman pala itong si Ash halo halo na ang utak. Siguro stress lang ito sa mga nangyayari sa school.

Siguro nga.




Siguro nga.




Siguro.







Ano ba itong iniisip ko? Nakakainis naman kasi itong si Ashvin eh, shinare pa sa akin ang pagkahalo halo ng utak niya. Kung halo-halong pagkain ga ang shinare edi natuwa pa ako. Hay buhay ang gulo ng pinag-usapan namin.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon