<63> Her Mom's Story

60 7 3
                                    

Maira's POV

Naalimpungatan ako ng may naghawi ng buhok ko and the I felt a solf kiss from my forehead. 

"Ang swerte ko Maira kasi ikaw ang naging anak ko" banggit pa nito. 

Oh so this is mommy, bakit naman ang aga nya atang magising?

"Hindi ako nagkamali na makinig sa nanay Sunshine mo, hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko" dagdag pa niya. 

What decision? Mayroon pa bang ibang naganap sa buhay niya? 

Nanatili akong magpanggap ng tulog, I want to hear her statements. Gusto kong malaman kung ano pa ang nangyari sa kanya.

"Noong nalaman kong buntis ako kagad akong tumakbo kay Shine. Matagal ng ulila ang nanay Sunshine mo, lumaki sya ng walang magulang at tanging mga madre sa bahay bata ang nagpalaki sa kanya. Hindi ko din alam kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin, basta ang alam ko lang ay myembro ako ng choir noon sa simbahan na malapit sa tinitirahan niya. Palagi syang nakasilip pag nagprapractice kami kaya kinausap ko sya at simula noon ay naging magkaibigan kami. Napakaswerte ko kasi kaibigan ko sya, handa nya akong tulungan lalo na kapag may problema ako" saglit syang tumigil at muling hinawi ang hibla ng buhok ko. 

So yun pala ang storya nila bilang magkaibigan, nakakatuwa naman simbahan ang naging daan ng pagkakaibigan nila. 

"Tumakas ako habang dinadala kita, pumunta ako sa tinitirahan nya gusto ko noon humingi ng tulong para ipalaglag ka, I want to end everything between me and your father. Dahil sa tuwing titinggnan ko ang tyan ko na ikaw ang nilalaman naalala ko lahat ang pangbababoy ng ama mo. Gusto kong magsimula ng bagong buhay at ang tanging nasa isip ko noon ay ipalaglag ang dinadala ko para makapagsimula muli. I'm sorry about that anak" pagpapatuloy niya. Deep inside kumirot yung puso ko, paano nya magagawa iyon sa isang inosenteng bata? Sabagay hindi ko naman sya masisisi dahil malamang sa malamang ay clouded ang utak niya dahil nadin siguro sa sakit na pinadaanan nya. 

"Pero hindi ako tinulungan ng nanay mo, noong una nagtampo ako sa kanya kasi akala ko hindi na kaibigan turing niya sa akin dahil pinandidirian niya ako ayon na din sa kinwento ko sa kanya. But she let her opinion out, ipinaintindi nya sa akin ang lahat. Binuksan nya ang isipan ko. Maaring bunga ka nga ng kasalanan at karumaldumal na ginawa sa akin pero regalo ka naman sa akin ng Diyos kaya dapat kitang mahalin. Noong una ay naguluhan ako pero napag isip isip ko din na tama sya, palaging may dahilan ang Diyos sa mga nangyayari sa ating buhay. Kaya noong araw na iyon ay tinaggap kita at minahal ng buong puso anak. Pero noong araw na din na yun naabutan ako ng mga magulang ko kasama ang taong nagkasala sa akin. Hindi na kami nakaabot ng bahay noon at sa sasakyan pa lang ay puro sigawan na ang naririnig ko. Pinapapapili ni daddy ang ama mo kung makukulong siya o pananagutan niya ako. Pinili nya ang panagutan ako, tutol ako sa nangyayari noon, ayaw ko na bumalik sa kanya dahil parang nagrereplay sa utak ko ang kalaswaan nya. Pero walang nakinig sa akin. Ipinagpatuloy nila ang desisyon nila at simula noon ay pinanagutan na ako ng ama mo" 

"Noong una ay kita ko ang pagbabago nya at pag-aasikaso sa akin. Akala ko tuluyan na syang magbabago pero akala ko lang pala. Isang araw kinakailangang umalis ng lolo at lola mo, inimbitahan kasi sila ng kamag-anak namin sa New York. At dahil nagtitiwala na sila sa ama mo iniwan nila ako sa kanya. Habang nagpapakasaya sila sa New York ako naman ay naiwan sa bahay dahil bawal na akong bumyahe sapagkat buntis ako. Payapa ang gabi ko noon pero sa hindi inaasahan inulit nya ulit ang pangbababoy sa akin, tumatanggi ako pero pinipilit nya padin. Grabe ang alala ko sa'yo noon anak kasi akala ko makukunan na ako ng gabi na iyon pero matibay ang kapit mo. Hindi ako natulog noon at humingi ako ng tulong sa mga kasambahay na naiwan sa bahay namin, pumunta akong muli kay Shine. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya at kagaya ko ay nag-aalala din sya sa baby na nasa sinapupunan ko. Hanggang sa humingi sya ng tulong sa mga madre na nandodoon kakasuhin nya na ang tatay mo ng tumigil na sya at hindi na muling maulit ang nangyari" 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon