<50> Astonishment

50 6 0
                                    

Kevin's POV


Araw ng lunes, panibagong simula ng linggo para magkita muli kami ni Scian sa aming tagpuan, sa rooftop. 3 weeks before Shamaira's Birthday, ano bang kelangan kong gawin dun? Required ba akong magbigay ng regalo? Magpasurprise? Or something? Ano bang magandang gawin para sa kaarawan niya?

Teka nga lang, bakit ba palaging nasasali sa usapan si Maira? 

At bakit iniisip ko kung anong pwedeng gawin sa kaarawan niya?

Kasi girlfriend mo siya.

Pero hindi naman totoo yun, fake lang naman ang label ng relationship na yun. 

Aish, bakit ko pa ba siya iniisip? Ang mahalaga ay magkikita na muli kami ni Scian. Makakausap at makakasama ko na muli siya.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa linggo na ito, bakit parang may mali?

-Lunes 

Kasalukuyan kaming nagkukuwentuhan tungkol sa aming mga sarili ni Scian sa rooftop nang bigla niyang ibahin ang topic namin.

"Kevin, may tanong sana ako sayo" biglaang saad nito sa gitna ng aming pagtatawanan.

"Hmmm? Ano yon?" tugon ko kagad sa kanyang katanungan. 

"Kahit ba katiting wala kang nararamdaman kay Maira?" diretsang tanong niya sa akin, bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin pati nadin ang tibok ng puso ko, teka anong nangyayari?

"Bakit mo naman natanong?" balik kong tanong dito. 

Sinusubukan kong patagalin ang sagot ko dahil ang totoo niyan ay hindi ko din alam ang isasagot ko.

Teka anong hindi alam? Hindi ba't 'wala' lang tamang kasagutan sa tanong niya? Pero bakit ang hirap sabihin ng diretso ang simpleng salita na iyon, dadalwang pantig lang naman ngunit ko masabi ng diretso. 

"Wala curious lang ako" she answered honestly. 

Buti pa siya honest, pero bakit ako hindi ko magawa?

Teka ano ba itong sinasabi ko? Hindi ba't nagpapakatotoo na ako ngayon? Nasa harap ko na ngayon ang babaeng matagal ng tinitibok ng puso ko, ano pa bang iniisip ko?

"Ahh" tanging sagot ko na lamang. Ngayon lang ata ako naubusan ng matinong isasagot, bakit ba ako nagkakaganito? 

"So ano? Anong sagot mo sa tanong ko kanina?" pangungulit niya. 

"Ano nga bang tanong mo kanina?" pagkukunwari ko.

"Wala ka bang nararamdaman para kay Sha-" 

KRINGGGG! 

Ayun, save by the bell. 

"Tara na Scian, bumalik na tayo baka mahuli pa tayo sa klase" nagmamadali kong sabi. 

"Pero yung ta-"

"Wag ka ng makulit" pagpuputol ko sa mga sasabihin niya. 

-Martes

Akala ko makakasabay at makakasama ko muli si Scian pero nagtext siya sa akin na hindi dahil nasa clinic daw ang mama niya at pinapunta siya roon, at ganoon din sa darating na huwebes. Wala na lamang akong nagawa kundi pumunta sa tambayan namin kasi wala din namang saysay kung mapunta ako sa rooftop. 

Pagdating ko tambayan ramdam ko pagtahimik nila, oo nga pala noong nakaraan ay nagkaaway away kami, at simula noon ay hindi ko pa sila nakakausap. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon