<42> Caught in the Act

50 6 0
                                    

Maira's POV

Agad na ding umalis ang dalawang imahe na nakita ko sa kubo. Mukhang mali naman ata ako ng iniisip, kasi basta. May tiwala ako at alam kong hindi niya ito sisirain. 

"O Maira, bakit tulala ka diyan?" pagtawag ni Jade sa aking atensyon. 

"Ah wala naman may napansin lang ulit akong pamilyar sa akin" sagot ko na lamang.

"Alam mo guni guni mo lang yan, baka namimiss mo lang si Scian" sambit niya at unti unti nang naglakad, nakabili na pala siya nang makakain hindi ko man lang napansin. 

"Oo nga, ang aga pa kaya. Maya maya pa ang dating nun" tugon ko. Narealize ko kasi na imposibleng si Scian ang nakita ko kanina, laging 5 minutes before classes kung pumasok yun. 

"Sabi ko naman sa'yo eh" wika na lamang niya. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. 

Napaka imposible nga naman ng iniisip ko. Hindi si Scian at si Kevin yun. At isa bakit naman sila magsasama diba? Wala namang dahilan. Naprapraning lang ako. 

****

Pagdating namin sa room, wala pa si Scian baka on the way pa lang, 7 mins before classes pa lang naman eh. At doon ko na napagtanto na imposible nga ang iniisip ko kanina. Kasi nandoon na si Kevin sa pwesto niya at tutok na tutok padin sa cellphone. Pero yung ayos nang buhok niya ganoon din sa nakita ko kanina.

Ano ka ba naman Maira? Siya lang ba may karapatang mag hairstyle ng ganyan?

Maya maya pa ay dumating na si Scian. 

Ngumiti lang siya sa amin at umupo na din sa upuan niya. 

"Pst. Scian, kakadating mo lang?" biglang tanong ni Jade.

"Obvious ba?" sabay na sabi ni Scian at ng tinig sa utak ko. 

Napatawa naman ako sa naging reaksyon ni Jade. 

"Ito kasing si Maira kung ano ano na ang nakikita" pagsumbong ni Jade.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Scian.

"Nakita niya daw kasi kayo ni Kevin kanina dun sa may kubo kanina" sagot ni Jade.

"Hoy story teller ka. Ang sabi ko lang ay pamilyar sa akin" pagtatanggol ko sa sarili.

"Ay oo nga pala noh?" kamot batok na saad ni Jade. 

"Si Scian at Kevin lang ba ang pamilyar sa akin ha?" dagdag ko pa.

"Oo na. Nakita ko din kasi at mukhang sila nga yun, pero imposible naman kasi kakadating lang ni Scian. At si Kevin mukhang kanina pa nandito" pagtanggol naman ni Jade sa sarili.

"Tamo, tas ako pa ang ituturo mo na ay ikaw lang naman pala naghihinala" wika ko sa kaniya.

"Hoy, alam kong yun din ang iniisip mo" sumbat sa akin ni Jade. May point siya, sila din kasi ang unang pumasok sa isip ko. 

"Hoy tigil na nga yan, tama na" pag-aawat ni Scian sa amin.

"Eto kasi" turo ko kay Jade.

"Anong ako? Ikaw kaya" turo naman sa akin ni Jade.

"Hoy tama na natatanaw ko na si ma'am mag-usap na lang tayo mamaya" suway sa amin ni Scian. 

Tumahimik kami ni Jade at totoo nga ang sinabi ni Scian dahil dumating na ang teacher namin para sa morning subject namin ngayon. 

****

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon