<96> Staying Strong

34 3 0
                                    

Maira's POV

"Awit sayo lodz, mag-iisang buwan ka na dito sa hospital pero ngayon ka lang makakalabas? Ang hina mo naman lodi" makulit at mapang-asar na saad ni CJ kay Kurt. Tama nga si Kevin may mga times na isip bata si CJ may mga times na seryoso at may mga times na alam nyo na.

Kasalukuyan kasi kaming naririto ngayon sa hospital, sa kwarto ni Kurt to be specific. Lunes ngayon at ito ang kinabukasan na haharapin namin, na sinasabi ko kahapon. Gets nyo? Kapag hindi magreview na lang kayo. Syemays biro lang. So back to topic, hindi muna kami pumasok ngayong umaga kasi nabalitaan namin na ngayon lang makakalabas si Kurt pero mamayang hapon naman ay papasok na kami.

Kami-kami lang ang nandidito kasi may inaasikaso si tita sa school namin. At siya nadin ang bahala sa excuse letter namin sa school. Si Mommy naman wala din siya rito, kasi sa pagkakatanda ko ay magkakasama sila ni tita mamaya sa isang meeting para sa nalalapit na JS Prom namin. February 8 ang foundation day ng school namin at sa araw din na iyon nagaganap ang mga Prom at Senior Ball. At ang kinabukasan naman noon ay February 9, ang birthday ng Prinsepe ko. Ngayon kasi ang simula ng pebrero kaya namang busy na lahat ang staffs ng school sa paghahanda ng bigating event next week.

"Kesa naman sa'yo under" bawing pang-aasar ni Kurt kay CJ kaya naman agad napasimangot itong isa.

"Ayos ng under kesa naman sa mawala siyang ulit" hirit ni CJ kaya naman biglang napuno ng pambubuyo ang buong kwarto. 

"Napaka walang kwenta naman ng mga sinasabi nyo" kalaunang sabat ni Jade sa pag-uusap nina CJ at Kurt. 

"Oo nga, at ano bang connect ng paglabas ni Kurt ngayon sa pagiging under mo CJ?" panggagatong pa ng kakambal ni Jade, si Jace.

Oo nandito din siya, kasi nga kaibigan na namin siya. At para sa akin isang malaking grupo na kami na magkakaibigan. At speaking of Jace, kaya naman pala nandoon kahapon, at kasama sa panghaharana ni Kevin sa akin ay dahil siya ang nag-insist na gumawa noon. Ginawa niya daw yun para makabawi manlang sa akin at parang thank you niya na din dahil tinaggap ko padin siya kahit na napakasama ng mga ginawa niya sa akin noon. 

Para sa akin tao lang naman din si Jace, nagkakamali at nadadala sa kanyang emosyon. Hindi ako Diyos, oo. Pero hindi lang naman ang Panginoon ang may kakayahang magpatawad. At isa pa isinapuso ko na ang ibinilin ni Nanay sa akin noon. Hindi ko dapat hayaan na ang galit ang maghari sa puso ko dahil wala akong patutunguhan kapag ganoon ang inuna ko. Hindi ko man tanda ang exact same words na sinabi niya sa akin, at least malinaw at isinasabuhay ko ang ibinilin niya sa akin. At isa pa, ikaw kaya ang hindi patawarin. Ano kayang mararamdaman mo? 

"Tama na nga, mamaya magkagulo pa kayo" kalaunang saway ni Scian sa kanila. 

"Yeah, I agree" sabat naman ni Ash. 

"Ang cold mo naman fafa Ash" malokong sambit nitong si Kevin. Pero may point naman talaga siya eh. Alam ko namang cold talaga siya, pero parang lumalala iyon at hindi namin masabi kung kailan nagsimula. 

"Shut up Kevin" pagpapatahimik ni Ash sa kanya kaya naman natawa itong katabi ko. 

"Sanaol fafa" hirit pa nitong isip bata. 

"Hoy tama na yan" pagsasaway ko naman sa kanila. 

"Oh ayan tama na daw lagot ka kay Maira, Kevin" pangongonsensya ni CJ, aba parang kanina lang nakikiasar lang siya ah. Tapos ngayon iba na naman kinakampihan niya? Balimbing! 

"Ge" tugon ni Kevin at umirap siya kay CJ. Kaya naman tatawanan na naman kaming walo rito. 

"Wala ka pala kay Maira eh" ngayo'y nakangising sambit ni Ash, sinamaan na lamang ito ng tinggin ni Kevin. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon