<28> Sembreak

48 3 0
                                    

Maira's POV

Today is the day! Sembreak na!!!!! I'm so excited. Bakit nga ba ako excited? May mangyayari ba ngayon? Kakagising ko lang ng may narining akong pagkatok. Pagkatok sa pinto ng kwarto namin ni nanay. 

"Pasok po" halos inaantok ko pang boses. 

"I didn't expect that you're prettier when you just woke up" ano ba toh si nanay? paenglish english na hindi naman ako prepared. 

"Ano ba naman nay? Kay aga aga eh. Paenglish english ka na kagad diyan. Di po ako prepared, mamaya na lang tayo mag-englishan" tugon ko. Haaayy inaantok pa ako, wala namang pasok na ngayon pwede akong magpalate ng gising. 

"I'm not your mother Princess, but you can be the mother of my future child" syemays, ibang boses ang napapakinggan ko, pero impossible, ano namang gagawin nito dito? Hay nananaginip lang ata ako. 

"Ayyy nako nananaginip na naman ako" nasabi ko ng hindi ko na mamalayan. 

"You're really something Princess, I never thought that you're dreaming about me. Well I guess I'm the man of your dreams, while you're the lady of my dreams" syemays confirmed, hindi nga si nanay ito, bakit ba may boses lalaki sa bahay? Matagal na namang wala ang tatay ko ah? Eh sino ito?

"Hoy, sino ka ba?" may bahid na pagkairita sa inaantok kong tinig. 

"Why don't you look at me?" ang tanong na nagpabalik sa akin sa wisyo, oo nga naman bakit nga ba hindi ko tinggnan? 

Pagkaharap ko sa napapakinggan kong tinig ay para ako nabuhusan ng malamig na tubig. Tuluyan na akong nagising. 

"I'm your Prince Charming my dearest Princess" wika nito. Syemays! Awtomatikong akong napatakbo sa banyo, syemays namin ehhhhh. Bagong gising ako, malamang sa malamang may panis na laway pa ako, tapos gulo gulo pa ang buhok ko at higit sa lahat, WALA AKONG SUOT NA BRA! Syemays nakakahiya!!! 

Sa sobrang katangahan ko ay muntik na akong madapa buti na lang at may humawak sa baywang ko kaya hindi ako tuluyan bumagsak sa sahig. 

Pero ng makaharap ako sa taong iyon para sana magpasalamat, ay parang mas ginusto ko na lang na madapa at mangod-ngod sa sahig. Syemays inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at tuluyan ng tumungo sa banyo. 

"What's with the shocked face, Princess? I didn't expect that is your way to say thank you, anyways welcome" saad niya ng makapasok na ako sa banyo. 

"Shut up, Kevin!" tanging sigaw ko na lamang at nagsimula ng maligo. At oo, si Kevin nga yung lalaking pumasok sa kwarto namin. Hindi ko na naman ata kailangang banggitin kasi obvious na naman eh. 

Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay bigla siyang nagsalita. 

"You want me to sing for you?" alok niya. Syemays haharanahin niya ba ako? Teka lang kinikilig ako waaaahhhhhhh!!!!! 

"Bahala ka sa buhay mo" tanging sagot ko na lamang, takte pero deep inside kinikilig ako ng todo! 

I heard him chuckled a bit before he started singing. 

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you

Syemays, mah heart is screaming, ang ganda ng boses niya.

Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Oo Kevin, kailangan mong manatili, konting tiis na lang at sasagutin na kita, kailangan ko lang siguraduhin ang nararamdaman ko.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon