Kevin's POV
Lunes, hindi ako mapakali na luminga linga sa paligid. Alas syete na ng umaga at nakakapagtaka dahil wala pa siya. Naunang dumating yung dalawa niyang kaibigan pero bakit siya wala pa rito? Kaunting oras na lang ay magsisimula na ang klase. Wala ba siyang balak pumasok?
"Yieee hinahanap yung bebe niya" mapang-asar na saad ni CJ ng makita niya akong hindi mapakali.
"Yeah whatever" masungit na tugon ko rito.
"Panget mo kabonding, ang sungit mo ngayon araw" maktol ni CJ at humarap naman kay Ash. Siya kasi ang napagitnaan namin sa seating arrangement namin ngayon.
"Oy Ash, ikaw ba kelan ka magkakabebe? Si Kevin meron na, tas ako malapit na. Ikaw kelan ka?" rinig ko pang tanong nito kay Ash.
"Tsk, meron na nga si Kevin nasa state of calamity naman yung kanya" tugon ni Ash kaya sinamaan ko siya ng tinggin. Mukhang nakakahalata na naman ang isang ito. Hindi ko pa naman kasi nasasabi sa kanila ang tensyong naganap kahapon sa amin.
"Tas ikaw? Malapit na? Tsk, at least dipa" pagpapatuloy pa ni Ash kaya nagmaktol na naman itong si CJ.
"At least sure win na ako sa kanya"
"Sure win your face" pambabara ni Ash kaya nagsimula ng tumakbo ang malaisip bata na utak ni CJ.
"Grabe ka naman makapagsalita Ash parang di mo ako kaibigan. Kaibigan mo nga ba ako? Mahal mo ba ako? Kapalit palit ba ako?" ang pagdradrama ng isip bata na ito.
"Tsk pathetic" iiling iling na sambit ni Ash at muling itinuon ang atensyon sa librong binabasa niya.
"Then why?!" pag-eemote padin ni CJ pero walang pumansin sa kanya.
"Ang panget nyo talaga kabon-"
"Hoy ang ingay mo!" sigaw ng kung sino kaya hindi na natuloy ni CJ ang pagdradrama niya at napatingin naman kami sa harap.
"Hehe sorry Jade" paghingi ng tawad nitong si CJ at inirapan lang naman siya nung isa. Tsk, mukhang magkatapat nga talaga sila.
"Asan na ba kasi siya?" bulong ko sa sarili at muling luminga linga sa paligid.
"Who are you looking for?" rinig kong tanong ni Ash pero nakatinggin padin siya librong hawak niya. Hindi naman ako tanga kaya alam kong para sa akin ang tanong na iyon.
"Ano kaba Ash edi malamang yung bebe niya" pagsagot ni CJ para sa akin.
"Tsk mabuti kung sila pa" rinig kong bulong ni Ash kaya napatingin ako sa kanya at sakto namang nakatinggin siya sa akin.
Para kaming nag-uusap gamit ang mga mata namin, mukhang may alam na nga siya at gusto niyang ipaliwanag ko sa kanila ang nangyari.
"ANG PANGET NYO KABONDING HINDI NYO AKO SINASALI!"
****
Uwian na at ngayon ay araw ng Biyernes, at ito ang napagkasunduan naming oras ni Ash sa aming 'eye to eye' talk. Awan ko ba konektado na ata ang mga sistema namin at pati si CJ ay nakarelate na nung tinitigan niya ang mga mata namin ni Ash. Sabagay halos araw-araw na kaming magkakasama kaya siguro ganito na kami kalapit sa isa't isa. Sa sobrang lapit namin nagagawa na naming mag-usap usap gamit ang mga mata namin.
Sa dating lugar, sa aming tambayan na matatagpuan sa likod ng canteen, dito namin napagkasunduang tatlo mag-usap usap.
"You can start now" agad na wika ni Ash nang makarating na kami.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...