Kevin's POV
Malapit na ako sa bahay nina Maira, upang sunduin siya. Yes napagpasyahan ko na ako na lang magtutuloy ng panliligaw plan kay Maira kasi ang magaling kong kapatid ayon kakauwi lang sa bahay galing sa contest niya. At isa pa ayaw ko na siyang idamay sa gulong ito, sapat na siguro na nagamit ko ang kapatid ko para sa plano na paghihiganti ko. Pati narealize ko na mas masarap maasam ang tagumpay kapag ako mismo ang gumawa. Kaya eto ako ngayon nag-aabang na parang tanga sa tapat ng bahay nila.
'Bat ba ang ang tagal niya?' tanong ko sa isip ko.
Dahil ako natural na mainipin napagpasyahan ko na kumatok na sa bahay nila.
Pagkatapos ng tatlo kong katok bumukas ang pinto ng bahay, ibang babae ang bumungad sa akin, nanay niya.
"Ahmm good morning po, itatanong ko lang po sana kung nasaan si Princess?" magalang kong tanong sa nanay niya.
"Hijo kanina pa siya nakaalis napakaaga nga pa noon eh" sagot niya.
"Bakit naman daw po siya umalis ng ganoong kaaga?" tanong kong muli. Mukhang tama nga sila CJ, mukhang nagalit nga sa akin si Maira sa nagawa ko sa kanya kahapon, ayy nako nakakainis, pero dapat hindi ko ipakita sa harap ng nanay niya baka isumbong pa ako nito eh.
"Nakalimutan mo na ba ang kasunduan niyo ni Maira kahapon?" pabalik niyang tanong sa akin, na ikinakunot ng noo ko. Anong sinasabi niya?
"Diba may output raw kayo sa Mapeh, yung pft daw yun, tapos napagkasunduan niyo raw kahapon na parehas kayo ng gagawin, kaya ayon naglakad siya papunta sa school para daw throwing one stone on two birds" pagpapaliwanag niya. Ayos din sa Maira eh mautak magpalusot, napangiwi lang ako last statement ni tita, diba hitting two birds with a one stone yun?
"Ayy oo nga po pala, nakalimutan ko ang kasunduan na iyon. Sige po mauna na ako. Magandang umaga po" tanging wika ko na lamang, at umalis na ako sa bahay nila, pagkabalik na pagkabalik ko pa lamang sa aking kotse napaghahampas ko na ang manibela nito dahil sa inis.
Sino ba namang mag-aakala na ganoon ang gagawin sa akin ng babaeng yon. Nakakainis! Nakakapikon! Pagkatapos mag-effort na sunduin siya, tatakasan lang pala. How pathetic.
Sa halip na patagalin ko pa ang pagdradrama na wala namang kuwenta. Wala namang mababago kung ipagpapatuloy ko ang paglalabas ng inis sa kanya. Kailangan kong umaksyon! Kailangan ko ng maisagawa ng plano ko, the faster the better!
Pagkapasok na pagkapasok ko hinanap ko kagad ang kailangan sa plano ko. I need to find her, I need to find Jace para matulungan niya ako sa plano. Pero bakit iba ang hinahanap ng mata ko?Bullshit! Agad akong pumunta sa canteen, coz damn I'm hungry! Hindi ako kumain kanina dahil nagmamadali akong sunduin ang babaeng tinakasan ako! Nalate kasi ako ng gising dahil sa pag-uusap naming tatlo kagabi. So I need energy to find Maira, I meant Jace. I need to find her to excute my plan.
Pagkadating ko canteen hindi ko inaasahan na ang dalawang babae na hinahanap ko ay nasa harap ko. Kitang kita ko kung paano ibuhos ni Jace ang napakalamig na iced tea kay Maira. Lahat ng tao ay nagulat sa nangyari, pero ako eto nangangati ang kamay ko, gusto kong sampalin si Jace sa ginawa niya kay Princess. Pero hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
Lumabas na sa canteen ang tatlong magkakaibigan, pero mukhang hindi nila ako pinansin na nandito ako. Nagkibit balikat na lamang ako at hinila si Jace papalabas ng canteen. Damn! Nawala na ang gutom ko sa nangyari, I lost my appetite!
"Aray bitawan mo ako!" sigaw ni Jace ng makarating na kami sa likod ng canteen medyo malapit sa tambayan naming tatlo.
"Say sorry to her" diretso kong sabi.
"What? Why would I? At isa pa bakit mo ba ako dinala rito? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin?" sunod sunod niyang tanong at naiirita ako.
"First I brought you here to tell you that hindi totoo ang panliligaw ko sa kanya, I'm just doing that for my revenge. I'm so damn thirsty for revenge!" pagpapaliwanag ko ng diretso. Wala ng patumpik tumpik pa! I need her in order to execute my plan faster.
When I look at her, she has a shocking reaction. Mukhang di niya inaakala na ganoon ang ginagawa ko kay Maira.
"Oh is that so?" tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
"Why are you telling this to me then?" dagdag niya pang katanungan.
"Because I need your help to execute my plan faster" I honestly said.
"Then we will be together after you take revenge on her?" I can see the excitement in her eyes! Mukhang gumagana nga ng ayos ang plano ni Ash. That's a great move.
Kahit labag man sa kalooban ko ay sumagot ako ng " Yes" sa kanya. And she screamed like a stupid person. But that's a lie. Of course, I'll ditch her after I executed my plan. Poor her to blind on stupid love.
"Okay then, what should I do?" naeexcite niyang wika.
"As I said earlier, magsorry ka sa kanya. Para hindi na siya magalit sa akin ngayon sa kasalukuyan. Tapos kapag nagkaayos na kami ay pagseselosin natin siya para mas mabilis niya akong sagutin at para mas mabilis ko siyang saktan. Kailangan ko ng maghiganti sa kanya. I'm so hungry for revenge, I can wait that it will happen" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Noted then" she answered.
"Kaya pagpatak ng recess time magsorry ka na kaagad sa kanya, galingan mo sa pag-arte" pagpapaalala ko rito. Tumango naman siya at nagpaalam na sa akin.
Pagkapasok ko sa classroom, wala sila Maira. So I just seat in my proper place.
"Oh ano na? Nasabi mo na ba?" tanong agad sa akin ni CJ pagkaupo ko.
"Yes, and luckily pumayag si Jace sa plano, nabihag siya sa kamandag ko" pagmamalaki kong sagot.
"Stupid girl, handa kang tulungan sa plano mo diyan kay Maira tapos hindi niya namamlayan na ginagamit mo lang siya" puna naman ni Ash. Well I agreed, iba na talaga ang mga babae ngayon lahat gagawin para sa gusto nilang lalaki, well hindi ko naman nilalahat.
Tumawa na lamang kami sa opinyon ni Ash.
At ilang minuto pa dumating na sila Maira. Syempre alam ko nakaabang ako sa pinto eh, kelangan ko magpaawa effect pero tinarayan lang ako.
Nang makaupo sila naririnig ko pa silang nagbubulungan at nagtatawanan.
Sige tumawa ka lang Princess Shamaira McBride, konting galaw ko na lamang ay masasatupad ko na ang plano ko. Kaya humanda ka.
Maghanda ka ng masaktan.
It's near.
I'll make sure you'll cry hardly.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Novela Juvenil{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...