Maira's POV
"Shaina McBride" pagpuputol ni noong babae sa sasabihin ni nanay.
"Happy 15th Birthday" pagbati niya akin.
"Anak" dugtong pa nya.
Gulat naman akong napatitig sa kanya. Syemays, ano daw?
"Ahmm thank you po, tita? ninang?" naguguluhan kong sambit.
"Nay, kaano ano po ba natin siya?" pasimpleng bulong ko kay nanay.
"At bakit parang magkakilalang kilala kayo?" dagdag ko pa.
Sasagot na sana si nanay ng may pumasok na doktor.
"Ahmmm miss Valenzuela?" bungad na tanong nito.
"Doc wala pong Valen-"
"Yes po?" pagpuputol ni nanay sa sasabihin ko. Teka kelan pa sya naging Valenzuela? At bakit miss? Hindi ba mrs? At sa pagkakatanda ko ay Evangelista ang maiden surname nya, napakalayo naman niyon sa Valenzuela?
"Miss, napagkaalaman po kasi namin na low blood po kayo. And currently, wala pong blood type AB, may kamag-anak po ba kayo na may blood type AB?" mahabang salaysay ng doktor.
"Ako po, anak nya naman po ako" pagpriprisinta ko.
"Ilang taon ka na hija?" tanong nito sa akin.
"15 po" pagsagot ko.
"Wala ka pa sa legal na edad para magdonate ng dugo"
"Pero please po, para naman po sa nanay ko" pagpupumilit ko.
"Ano bang blood type mo hija?" biglang tanong nung nurse na kasama nya.
"Hindi ko po alam" tugon ko.
Pagkasagot ko ay lumapit sa akin yung nurse.
"Sumama ka muna sa akin ha, aalamin natin blood type mo" pag-anyaya sa akin nung nurse. Hindi na ako nagsayang ng oras at kagad na sumama sa kanya.
"Anak" sabay na sigaw ni nanay at nung babae na Shaina pala ang pangalan.
"Babalik po kagad ako" tanging saad ko at umalis na sa kwarto.
Dinala ako ng nurse sa isang kwarto, at dahan dahan nya akong kinuhanan ng dugo.
"Maghintay lang tayo ng isang oras hija at malalaman na natin ang blood type mo" nakangiting wika sa akin ng nurse. Nginitian ko na lang din sya pabalik.
****
Pagkamulat ng mga mata ko nandito pa din ako sa loob ng kwarto ng pinagdalhan sa akin nung nurse. Grabe nakatulog na pala ako sa kakahintay.
Tatayo na sana ako para hanapin yung nurse ng bumukas ang pintuan.
"O gising ka na pala" bati pa nya sa akin.
"Ahmmm matagal po ba akong nakatulog?" nahihiya kong tanong dun sa nurse.
"Hindi naman, sakto lang din kasi ito na yung resulta" sagot nito sa akin at inabot sa akin ang papel. Kagad ko naman itong binuksan at binasa.
Blood Type O
"Di ba po universal donor padin ang O?" bigla kong tanong pagkatapos kong basahin ang resulta.
"Oo naman, pero hindi padin pinapayagan ang mga 18 years old pababa na magdonate ng dugo, kahit sa kamag-anak pa nila"
"Bakit naman po? Ay nanay ko naman po sya?" pagrereklamo ko.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...