<61> Bonding

59 6 3
                                    

Maira's POV

Nanatili muna kami nina mommy at nanay sa hospital dahil ito ang binilin ng doktor sa amin. Masyadong mahina ang katawan ni nanay dahil mababa ang BP nya. Siguro dahil na din sa stress sa pagtratrabaho niya. Nalaman ko na pinapadalhan naman siya ng pera ni mommy ng palihim, ngunit mas pinili nyang magtrabaho dahil ayaw nyang umasa sa pera na binibigay ng kaibigan nya. At ang isa pang dahilan nya ay para daw hindi ako makahalata. Nagtataka nga ako kung bakit ito ang kinahihinatnan ng buhay ko. Magtatanong na sana ako kaso ayon nga ay dumating na ang doktor. Napagpasyahan ko na mamaya na lang kapag kaming tatlo na lang talaga ang nasa kwarto.

Dahil gastador si mommy, ayon kay nanay, ipinalipat nya ang kwarto na kinalalagyan kanina niya. Noong una ay panay tanggi si nanay pero talagang mapilit si mommy. Natatawa na lang ako kasi para silang mga teenager na nag-aaway. Pero sa huli si mommy ang nagwagi, wala eh talo si nanay sa kanyang kakulitan. Mapilit talaga sya sa gusto nya, 

Parang ako lang.

Minsan lang naman ako eh, awan ko lang kay mommy. 

Pagdating namin sa kwarto, napanganga na lang ako ng literal. Syemays parang kasing laki na ng bahay namin ito! Kumpleto nadin sa gamit at may mga kwarto pa. Sa bandang kusina may stove, oven, refrigerator, at kung ano pa man ang tawag sa ibang gamit na pangluto na nakikita namin. May mga kabinet den akong nakita sa itaas kaya dahil sa curiousity binuksan ko yun isa-isa. Pipigilan pa sana ako ni nanay kaso masyado akong mabilis sa mga kilos ko. At pagkabukas, wow! as in wow! Ang daming mga stocks ng delata, instant foods, samo't saring junk foods, may mga over the counter na gamot, first aid kits makikita mo din, may mga hygiene kits, lahat kumpleto! 

"Ano ba itong kinuha mong kwarto Shaina, hotel?" tanong ni nanay kay mommy. Kung ako ay busy sa pagtingin ng mga cabinets, si mommy namin busy sa pagtingin ng laman ng two door ref. Pasimple akong lumapit sa kanya at nakitinggin na din. 

Wow! Ang daming pagkain! May hotdog, bacon, tocino, itlog, nuggets, karneng manok, karneng baboy, isda, hipon, oysters. Just wow! Ang daming pwedeng lutuin. Sa may bandang itaas naman ay may makikita kang ice cream na nasa apa, nasa gallon, at syempre iba't iba ang mga flavor noon. May nakita din akong mga ice cubes at yung mga ready-to-cook na mga pagkain. Sunod naman akong tumingin sa kabilang pintuan ng ref. May mga inumin doon, mineral water ang nauuna kong nakikita, sinundan naman ng mga gatas; sterelized at fresh milk. May mga prutas din; saging at mansanas ang nangunguna. Tapos ang mga gulay naman doon ay mga hindi gaanong pamilyar sa akin, gulay ata ng mayayaman toh eh. 

"Shaina tinatanong kita" pang-uulit ni nanay.

"Ano ka ba naman Shine, parang hindi mo naman ako kilala. Gusto ko lang naman ang makakabuti para sa lahat" pagsagot ni mommy. 

"Gastadora ka talaga" puna ni nanay. 

Parehas na lang kami napatawa ni mommy sa salaysay ni nanay. Wala na siyang masabing iba. 

****

Kakatapos lang namin kumain ng hapunan ng may dumating na isang nurse. Kaso hindi yung nurse na nakausap ko noong nakaraan. Hindi din naman ito nagtanggal dahil chineck nya lang ang kalagayan ni nanay. Hindi naman kritikal ang kondisyon ni nanay eh, sadyang mababa lang ang dugo niya at may posibilidad na maapektuhan ang puso nya kapag mababang mababa talaga ang kondisyon ni nanay, kaya kelangan syang salinan ng dugo. 

Bilin din ng nurse na huwag masyadong dumikit kay nanay para makahinga ito ng maayos, kaya hindi ako pwedeng tumabi sa kanya katulad ng nakasanayan ko. Dalwa lang pala ang kwarto ang nilalaman ng inukupahan ni mommy. May sariling banyo sa loob ng bawat isa. Si nanay ang nasa pang-unang kwarto dahil kwarto naman talaga iyon ng mga pasyente, at nandito naman ako at si mommy sa pangalawang kwarto. Excited pa nga sya dahil makakatabi nya na daw ako sa pagtulog. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon