Maira's PoV
Pagkadating namin sa classroom wala pa naman ang first subject teacher namin. Pero may issue.
Magka holding hands pa din kaming dumating sa room.
Titig na titig yung mga classmates namin. Yung iba nagitla. Yung iba naman ang sama ng tingin sa amin ay correction sa akin lang pala sabay tingin sa magkahawak naming mga kamay. Bigla namang dumako ang aking mga mata sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan ni Kevin.
"What are you looking at?" inis na sambit ni Kevin sa mga kaklase namin ng makapasok na kami ng room.
Oo nga, ano bang tinitinggin tinggin nyo ha? Inggit lang ganon?
Napailing na lang ang iba samantala yung iba naman ay bumalik na lang sa kanilang mga ginagawa kanina. At yung iba naman nagkunwaring walang nakita kanina. Pero yung mga kaibigan namin nakatinggin padin sa amin.
Ayaw paawat eh.
Maya maya pa'y hinila ako ni Kevin papunta sa mga kaibigan namin.
"ANO YAN!?" sabay sabay nilang sigaw in different ways yung iba nagtatanong at yung iba tila bang parang nagitla. Napatingin naman ako sa tinuturo nila.
Syemays! Hindi niya pa pala ako binibitawan.
Parang nakaramdam din naman si Kevin dahil maya maya pa'y binitawan na niya ang kamay ko.
Ay bitin.
Oy joke lang naman ha!
"Ano yun Dude?" nakangising tanong ni CJ. Letseng tinggin yan, alam na alam ko na yang mga tinggin na ganyan eh!
"Huh? Ang alin?" painosenteng tanong pa ni Kevin, at sumipol sipol pa at dahan dahang umiwas ng tinggin.
"Pa innocent effect ka pa ah" gatong pa ni Ash. Bakit ba ganito ang dalawang kaibigan ni Kevin ha? Napaka issue nila! Sa halip na palagpasin at balewalain na lang para wala ng mahaba pang usapan.
"Hay nako awan ko sa inyo" inis na sambit ni Kevin sabay upo sa kanyang upuan. Wala namang nagawa sina CJ at Ash kundi ang asarin ito habang tumatawa. Rinig ko naman ang pagkaiyamot ni Kevin sa pang-aasar ng dalawa niyang kaibigan.
May sasabihin pa sana ang mga kaibigan niya ng may kumatok sa pintuan ng classroom. Agad naman kaming napatinggin magkakaklase doon.
"Excuse me class 1. Your teacher for your first subject will be late in a couple of minutes, because they have a short meeting with the principal. So please be quiet, because there will be visitors coming later" sabi nung co-principal ng school.
"Can I trust you class 1?" dagdag pa nito.
"Yes Sir!" sabay sabay naming sabi. Agad naman siyang ngumiti sa amin.
"Good. Thank you for your cooperation" sabi pa nito sabay alis na sa may pintuanng classroom namin.
Nang makaalis na siya ay tahimik akong umupo sa upuan ko. Sa gitna nina Jade at Scian.
Gaya nga ng sabi ni Sir tumahimik kami ni isa sa amin walang umiimik. Kung meron man bulong lang dapat. Ganyan kami kabait. Alam nyo kung bakit?
May CCTV Eh.
Pero kung wala yan, asahan nyo na ang palakasan ng boses namin. Ang paggawa ng kung ano-ano at alam nyo na ang tinutukoy ko.
"Uy Maira ano yung nakita namin kanina?" pasimpleng bulong ni Jade sa akin.
"Ano ba Jade nakakagitla ka naman" tugon ko sa kanya. I'm trying na ibahin yung usapan dahil hindi ko din alam yung sagot. Kailangan ko makaisip nang paraan para hindi nila ipilit ang topic na yun. Kasi iinterviewhin na naman nila ako. Daig pa si Tito Boy sa pagfa-fast talk. Daig pa yung Q and A sa isang pageant. At dinaig pa yung job interview sa pagtatanong. Idagdag mo pa yung mga nag-iinterview na mga reporter sa TV.
"Ahhmmm oo nga pala Jade sorry kung medyo napaaga ang pasok ko kanina dahil may inintindi pa ako sa library" pagpapalusot ko and at the say time pag-iiba ng topic. Tumango naman siya at mukhang gumagana ang plano ko.
"Just answer it Maira. Wag mo ng ibahin ang usapan" sabat na giit pa ni Scian. Syemays, nakakainis hindi talaga ako makatakas kay Scian, kilalang kilala na niya ako. Napabuntong hininga naman ako. Hinga ng malalim Maira, kaya mo yan, isip bilis isip. At kung minamalas ka nga naman wala akong maisip. Wala na akong choice at humarap sa kanya, hay buhay, sasabihin ko na lang ang totoo para hindi na ako mahirapan pa.
Sasagot na sana ako ng pumasok na ang first teacher namin. Blessing in disguise ba ito? Swerte ba ang araw na ito? Makataya kaya sa lotto? Hehehe joke lang.
Agad naman kaming napatayo at binati ang aming teacher.
"Good Morning Ma'am" sabay sabay naming bati sa first period teacher namin ng pumasok siya sa loob ng classroom namin.
"Good Morning too, section 1" balik bati niya sa amin. Umupo nadin kami pagkatapos ng good moriningan.
'Thank you lord for saving me from my friends.' nasabi ko na lang sa isipan ko dahil hindi ko din talaga alam ang sagot. Maski ako ay naguhuluhan sa mga kinikilos ni Kevin. Haisst ano bang nangyayari sa buhay kong Ito. Ano ba yan nabobobo na ako, nakakainis ka naman Kevin. F-U TO THE MOON AND BACK. sigaw ko sa isipan ko. Ang gulo gulo na ng Pilipinas dumagdag pa itong si Kevin at ginugulo naman ang isip ko. Huhuhu ano ba ang dapat kong gawin?
"Maswerte ka ngayon, Maira" rinig ko pang bulong ni Scian bago magsimula magturo ang teacher namin.
Si Jade naman deadma.
Buti pa siya.
Faith, please do help me, I desperately need your help. Give me some clues to answer my questions in my mind. I'm begging you. Syete ang drama ko naman masyado. Hay bahala na nga si Batman!
Sasabihin ko kaya o hindi?
Baka naman kapag sinabi ko magalit sila kaagad.
Pero baka naman pag hindi, at sa iba pa nila malaman kagagalitan nila ako.
Syemays ano bang difference non? Parehas lang naman na magagalit sila. Wala na ba akong ibang choice?
Wala na nga.
Ano ba naman yan, naguguluhan na ako. Ano bang gagawin ko?
Dear Heart,
Tulungan mo ako! Ano na ang gagawin ko? Siguradong tutugisin na ako ng masasamang loob maya maya lang. Katapusan ko na ba? Mamatay na ba ako? Ang OA ko naman. Syemays ang gulo na!
-Maira.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Dla nastolatków{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...