<41> Weird Feeling

46 5 0
                                    

Maira's POV 

It's been a month, isang buwan na kami ni Kevin, hindi ko man lang namalayan. Ngayon ang monthsary keneme namin at kumain lang kami sa labas pero siya panay silip sa cellphone, ano kayang meron dun? 

Isang buwan na din na paalis alis si Scian, nag-aalala na tuloy kami ni Jade sa kanya. Pero sinabi niya lang na ayos lang siya at magtiwala sa kanya. Sa huli ay wala kaming nagawa ni Jade kundi pumayag na lamang. Alam niya naman ang mga limitasyon niya at nagtitiwala kami sa kanya. 

At isang buwan na lamang bago ang birthday ko. Ang bilis ng panahon diba? At mat kutob ako na may pasabog na magaganap sa araw na ito. At ito ay pasisimunuan ni Kevin. Assuming na kung assuming pero yun yung pinagkakaabalahan niya sa cellphone niya! Assumera ko diba? Basta feeling ko may mangyayari sa birthday ko. 

Kasalukuyan akong naririto sa kantina ng aming eskwelahan, kasama ko si Jade and as usual wala na naman si Scian. Nag-aalala na kami sa kanya. 

"Maira, sa tingin mo anong meron kay Scian ngayon? Bakit kaya siya palaging umaalis?" tanong ni Jade sa gitna ng pagkain niya, sinamahan ko lang siya rito kasi wala siyang kasabay magtanghalian. 

"Hindi ko din alam Jade eh, pero magtiwala tayo sa kanya. Alam niya naman ang tama at mali. At isa pa nabilinan na din naman natin siya" tugon ko kay Jade. 

"Kung sabagay" sagot niya na lamang at pinagpatuloy ang pagkain. 

"Oo nga pala kamusta ang monthsary ng magjowa?" ngiting asar na saad ni Jade.

"Ayos lang naman" simpleng sagot ko pero hindi siya nasatisfy sa sagot ko. Napangiwi naman ako sa itsura niya na magkadugtong na ang mga kilay. Wala akong choice kundi magkuwento. 

"Kumain lang kami sa labas kanina, tapos nung tinext mo akong samahan kita dito dumiretso na ako dito" pagsabi ko ng totoo.

"Yun lang?" mukhang bitin pa sa kwento ang gaga. 

"Oo yun lang. Bakit meron pa ba dapat?" nagtataka kong sabi.

"Walang kiss?" mapang-asar niyang sabi.

Agad ko naman siyang inambahan ng batok at automatic naman humarang ang mga braso niya para protektahan ang sarili niya. Napatigil ako sa aking balak ng may mapansin akong isang lalaki at babae na pamilyar ang hulma. 

"Si Scian ba yun?" mukhang napansin din ni Jade kung saan ako nakatingin. 

Binababa ko ang kamay ko at pinagmasdan ng mabuti ang mga pigura. Pamilyar talaga.

"At sino yung lalaki? Teka si Kevin ba yon?" dagdag pa ni Jade sa tanong niya kanina. 

Maya maya pa'y umalis na ang dalawang pamilyar na pigura.

"Kung sila nga yon, bakit sila magiging magkasama?" balik kong tanong kay Jade. 

"Ewan ko din, pero parang si Scian talaga yung babae" sagot niya. 

"Baka kahawig lang" tugon ko naman. Nagkibit balikat na lamang siya. 

Pero ano tong nararamdaman ko? Bakit ang weird?

****

Dalawang linggo makalipas ganoon padin ang ayos ng lahat, walang pinagbago. Ang relasyon namin ni Kevin ay tago, walang nakakaalam kundi ako, siya, at ang dalawa kong kaibigan. At hindi ko na din binaggit sa kanya kasi baka magalit siya. 

Si Scian ganoon padin madalas na siyang hindi sumasabay sa amin, mapalunch o recess. Tuwing uwian na lang namin siya nakakasama pero ang atensyon niya nasa cellphone niya. Kapag naman nagtatangka kaming sumilip dito, mabilis niya kagad itong binubulsa. Nawei-weirdan na kami ni Jade sa mga kilos niya. Parang may tinatago siya sa amin. Kapag tatanungin naman namin siya ngingiti na lamang siya at iiwasan ang tanong namin. 

Nababawasan na din ang atensyon ni Kevin sa akin. Tuwing umaga na lamang kami nagkikita. Kapag hinahatid niya ako, pero hindi na siya madaldal katulad ng dati. Kapag nag-oopen ako ng topic napaka ikli ng mga sagot niya. At kapag nakarating na kami sa school, dali dali na siyang umaalis at palaging hawak ang cellphone niya. Yung totoo nasasaktan ako ng marahan, kasi unti unti na siyang nawawalan ng oras sa akin. 

Katulad na lamang ngayon, kakatext niya lang sa akin na hindi niya ako masusundo dahil meron siyang inaasikaso. Wala akong choice kung hindi maglakad o di kaya ay pumara ng tricycle o di ka ay jeep. Pero nagtitipid ako ngayon, bumababa na kasi ang kita ni nanay, meron kasing bagong tindera at napakalas humatak ng mga costumer. Kaya napagdesisyonan namin na magtipid tipid muna hanggang sa makaisip ng bagong ibebenta. 

Habang naglalakad may bumusina mula sa likod ko. 

Si Jade. 

"Hoy Maira, sakay na bilis" sigaw niya mula sa kotse. 

Aayaw na sana ako kasi baka makaistorbo pa sa kanila, kaso ang bilis ng naging kilos niya at agad na akong hinatak papasok. 

Nakita ko naman si Jace, nginitian ko siya pero hindi niya ako pinansin. Teka akala ko ba okay na kami? 

Si Jace ay agad nang lumipat sa shotgun seat nang makapasok kami ni Jade. 

"Wag mong pansinin yan, ganyan na yan simula nung naging kayo" bulong sa akin ni Jade. Agad naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Teka, sinabi mo sa kanya?" nag-aalalang tanong ko. 

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay magkaparehas ng araw yung simula nung naging ganyan siya" pagpapaliwanag niya. Agad naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. 

"Buti naman kung ganoon" sagot ko na lamang. 

"Bakit ka ba naglalakad?" 

"Kasi nagtext si Kevin na hindi niya daw ako masusundo dahil may aasikasuhin siya"

"Nako Maira ha, ako'y nagtataka na sa Kevin na yan" 

"Bakit naman?"

"Una itinatago niya ang relasyon nyo, tapos minsan ka na lang makasama ay hindi pa siya sumisipot" naiinis na bulong sa akin ni Jade. 

"Baka naman kasi may pinaghahandaan"

"At ano naman iyon?"

"Birthday ko" nakangiti kong sabi.

"Oo nga noh? Baka naman may pasurprise keme na naman siya" nakangiti ding saad ni Jade.

Bulungan lang ang pwede naming gawin kasi baka may makarinig sa amin, lagot na.

****

Pagdating sa campus medyo maaga pa kasi naman akala ko maglalakad ako kaya estimated time ko ay 5 mins before classes ang dating ko. Pero dahil isinabay ako ni Jade 15 mins before class ang naging dating namin. 

Niyaya ako ni Jade na pumunta sa canteen kasi daw bitin ang kain dahil minamadali siya ni Jace dahil may practice pa daw ito sa kung saan mang contest na sasalihan niya. Magpapahuli na dapat siya kaso nakaleave daw ang driver nila at ihahatid lang sila bago pumunta sa dapat puntahan. 

Pagdating sa canteen, kakaunti lang ang mga estudyanteng nag-aalmusal. Pero naagaw ng atensyon ko ang dalawang tao na nakaupo at parang masayang nag-uusap sa may kubo. Ito ba ang aasikasuhin niya? Bakit parang lalong naging weird ang pakiramdam ko? Bakit? Ano ba toh? Hindi, baka naman kahawig niya lang.


Dear Heart,

Hindi naman siya yun diba? Madami namang magkakahig sa buong mundo hindi ba? Posible naman yun diba? Kahit gaano kaunti ang percentage na posible yun, kakapitan ko kasi may tiwala ako sa kanya. At isa baka naman para ito sa plano niya para sa birthday ko? Kasi posible din, napakalapit sa akin ng taong kausap niya. Baka nga para sa akin din toh. Intindihin ko na lang. May tiwala ako.

-Maira

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon