AN: Incase na hindi nyo magets ang plot ng POV ni Kevin, ito yung pagkatapos niyang sabihin kay Scian na liligawan niya siya. Pati expect nyo na puro POV naman ni Kevin ang ipopost ko ngayon. Sa March 9, birthday ko hehe, na ulit ako magpopost ng POV ni Maira. Yun lang enjoy reading <3.
Kevin's POV
Unang umalis si Scian sa rooftop, may pupuntahan pa daw kasi ito. Gusto ko pa sana siyang ihatid pero tumanggi siya. Ayos lang atleast pumayag siya sa gusto kong mangyari.
Pahimadong gusto niya pa talaga ako.
Nakangiti akong bumababa at bumalik sa tambayan namin, may pagkamaaga pa naman kaya doon muna ako pupunta.
"Noice, ano nakain mo ba?" bungad sa akin ni CJ, kagad naman napawi ang ngiti ko at tininggnan siya ng masama.
Kagad naman syang umiwas at tumingin sa malayo, pakamot kamot pa sa kanyang batok.
"Oyyy puno kinakausap kita, nakain mo na ba?" saad niya pa, mukha syang tanga. Daming alam para lang makalusot.
Nang dumako naman ang tinggin ko kay Ash, ang sama din ng tinggin niya kay CJ. Sino bang hindi maiinis sa kabalbalang sinasabi niya?
"Ano Kevin, anong balita?" tanong sa akin ni Ash.
Bumalik muli ang aking ngiti sa aking mukha, naalala ko na naman tuloy.
"Ganda ng ngiti ah, mukhang naka-"
"SHUT UP" sabay na sigaw namin ni Ash kay CJ.
"Nakausap kasi, patapusin nyo naman ako" pagdudugtong niya sa sinabi kanina.
"Whatever CJ" napipikon kong sambit sa kanya, ngumiti naman sila na parang aso.
Cringe
"So ano nang nangyari sa pag-uusap nyo?" usisa ni Ash.
"Pumayag siya" diretsang sagot ko.
Umiwas ng tinggin si Ash, si CJ naman ay napatingin sa akin.
"Pumayag siyang mag-"
"Isa pang sabi mo ng kabalbalan hindi na ako magdadalwang isip na suntukin ka" banta ko kay CJ.
"Patapusin mo nga muna ako" maktol niya.
"Ang sasabihin ko kasi ay magpaligaw! Ang dudumi ng isip nyo!" wika nito.
"Wow, sa iyo pa talaga nanggaling yan?" sarcastic na sabi ni Ash.
"Talaga!" proud pang saad ni CJ.
Inirapan lang siya ni Ash at muling tumingin sa akin.
"So ano na ang sunod mong gagawin?" tanong niya sa akin.
"Kagaya ng nasa una kong plano, liligawan ko si Scian hanggang sa maging kami. Pag nangyari na yon ipagkakalandaran ko sa buong campus na kami na ni Scian" sagot rito.
"Paano ka naman nakakasiguro na mangyayari yan?" tanong naman ni CJ.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong dito.
"Ang ibig kong sabihin ay paano ka nakakasiguro na mangyayari yun at sasang-ayon ba ang panahon sa mga plano mo?" tugon nito.
Agad naman akong nainis sa sinabi niya, anong pinararating niya?
"Wala ka bang tiwala sa mga plano ko?" naiinis kong sambit at kinewelyuhan.
"Meron naman nagsasabi lang ako ng opinyon ko" pagdadahilan niya.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Genç Kurgu{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...