<88> Blood Type

36 6 0
                                    

Kevin's POV 

Excited kong kinuha ang results sa kamay ng nurse na lumapit sa amin. Maging si Mommy ay kaagad na lumapit sa akin para malaman na namin kung ano ang Blood Type ko para agad na masasalinan ng dugo si Kurt. 

Pero lahat ng saya sa mukha namin ay naglaho ng makita namin ang blood results. 

Type B.

Agad kong nabitawan ang papel na naglalaman ng resulta. 

Naaninag ko pang pinulot yun ni Princess, pero hindi ko na magawang tinggnan pa kung anong reaksyon niya. 

Bakit ganoon? Kambal kami pero bakit magkaiba kami ng blood type? Sa pagkakatanda ko ay parehas ang blood type ng magkambal.

"Pasensya na po pero hindi din po maari ang dugo nyo po sa kapatid nyo" malungkot na wika ng nurse bago umalis.

"Anak, Kevin. Wala ka na bang kakilala na ang blood type ay O?" aligagang tanong ni Mommy . 

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iba ang nasabi ko,

"Mom? Bakit ganoon yung naging results?" dismayadong tanong ko sa kanya. 

"Anak wag muna nating problemahin yun ha? Sa ngayon ay maghanap muna tayo ng donor tapos magpapasecond opinion tayo" pagpapalakas ng loob ko ni Mommy. 

Tumango na lamang ako at napaupo, agad naman akong tinabihan ni Princess at dinamayan. 

"Kevin, blood type O, ako. Pwede naman na ako na muna ang magdonate" alok ni Princess sa akin. 

"No, Princess. Di mo na kailangang gawin yun" tanggi ko rito.

"Pero nagdedelikado ang buhay ng kapatid mo, ng kakambal mo" pilit niya pa. 

"Wala kang parent's consent" pagdadahilan ko. 

"Pwede naman akong magpaalam kay Mommy" 

"Huwag mo ng abalahin si tita, Princess. She's working or maybe resting right now" 

"Pero paano yung kapatid mo?" nag-aalalang tanong na nito. 

"Look, I appreciate your concern for my brother, but you are not required to donate your own blood for him. May iba pang paraan" tugon ko sa kanya. 

"Pero malayo ang mga kamag-anak nyo, hindi nila kayo kaagad matutulungan" Isa lang ang masasabi ko ngayon, gustong tumulong ni Princess but I'm not allowing her. 

"Ganito na lang ha, kapag hindi blood type O sina CJ at Ash, saka kita papayagan at kung papayagan ka din ni tita. Okay?" pagbibigay ko ng kondisyones sa kanya. 

"Okay" pilit na ngiting sagot niya. 

"Salamat sa malasakit mo hija" tugon din ni Mommy kay Princess. 

"Anytime po tita" masayang sambit nito. 

"Pero gabi na ah? Gising pa ba ang friends mo?" nagtatakang tanong ni Mom sa akin. 

"Oo nga, baka naman maabala mo pa sila?" dagdag pa ni Princess.

"Gising na gising pa ang diwa ng mga yun, 11:11 pa lang naman, and malapit lang din ang address nila sa hospital na ito" pagsagot ko. 

"Sige" sabay nilang tugon. 

Kaagad ko namang dinukot ang cellphone ko at nagtalaga ng video call sa aming group chat, hindi naman ako nabigo dahil kaagad nilang sinagot ito. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon