<23> Weird

53 5 0
                                    

Maira's POV

Pagkatapos ng maikling drama naming tatlo ay sabay sabay na nga kaming pumunta sa classroom namin. At syempre dahil magkaklase kami ng manliligaw keneme ko, ayon nakita ko siya sa kinauupuan niya nakatingin sa direksyon namin, sa may pinto, parang may hinihintay siya. Tsk, anong akala niya sa classroom namin? Tambayan ng section 3? Sinong hinihintay niya? Si Jace ba? Bat hindi niya puntahan sa room nila hindi yung nag-aabang siya dito, unless may usapan sila. Hay bakit ba ako naiiyamot ng ganito? Selos ba ito? Luh? Bat naman nga pala ako magseselos ay wala namang kami. Wala pa kaming label! Nililigawan niya nga lang ako eh, ewan ko nga lang kung patuloy padin siya. 

"Wag kayo masyadong magtitigan baka matunaw kayo sa tinggin niyo sa isa't isa" bulong sa akin ni Scian, na ikinabalik ko sa wisyo. Syemays ngayon ko lang narealize na nakatinggin kami sa isa't isa!!!! Kaya agad naman akong umiwas sa mga tinggin na yun! Kelangan kong magmaldita sa kanya ngayon! Hoy anong akala niyo saken marupok?! Well slight lang naman hehe, charot! Kelangan kong magtaray para malaman ang kasagutan sa tanong ng utak ko. 

'Kung itutuloy niya pa ba ang panliligaw niya sa akin'

Gusto kong masagot ang katanungan na yon, pero wala akong lakas loob na itanong iyon sa mismong mukha niya. Kaya siyempre idaan natin sa wais na paraan. Kapag sinuyo niya ako ibig sabihin tuloy pa iyon, pero pag hindi edi pipilitin! De joke lang, di nga ako marupok diba?! Kapag hindi edi alam na, heartbreaks na ba? Daming alam. 

Umupo na kaming tatlo sa nararapat naming upuan, ayos na din ito para hindi ko makita ang pagmumukha ng pisting lalaking yun! At tamang antay sa pagdating ng teacher namin.

"Uyyy tara magparebond" yaya ni Scian sa akin, anong problema neto? Bigla na lang nag-aya magparebond lakas talaga ng sapak neto eh.

"Wala akong pera Scian" tanging sagot ko na lamang. 

"Oh edi ililibre kita" singit ni Jade. 

"Tsk, pati ayoko mas gusto kong natural ang buhok ko" pagtanggi ko, awtsu ngayon lang ako tumanggi sa libre. 

"Sino bang may sabi na buhok mo ang irerebond?" natatawang sagot ni Scian.

"Eh? Di ba buhok lang naman ang narerebond?" naguguluhang tanong ko.

"Iparebond natin ang noo mo, kanina pa kasi nakakunot" saad ni Jade, kaya ayon tumawa ang dalawang gaga. Ayos den mang-asar itong dalawang toh eh, sarap kutusan! 

"Ha. ha. ha." sarcastic kong tawa. 

"Chill ka lang Maira, di naman mabiro eh" pangiti ngiti na sabi ni Scian.

"Oo nga, lalim kasi ng iniisip mo, baka lumubog ka niyan" pang-aasar pa ni Jade.

Napairap naman ako ng wala sa oras, ayos din itong dalawang ito eh, pinagtutulungan na naman ako. At ayon tumawa na naman ang doiiualawang lukaret! Ay nako. 

Mabuti naman at dumating na ang first period teacher namin for today, kung hindi baka napagsabunutan ko na itong dalawang ito, o baka mas malala pa, baka mabalibag ko pa sila o di kaya ay mabato ko ng kumukulong sinaing at kaldero. 

****

Kakatapos lang ng morning period namin kaya eto kami ngayon naglalakad papunta sa canteen, kung wala lang talagang pagkain sa lugar na ito isusumpa ko na toh eh, palagi na lang akong natatapunan ng kung ano-ano, una juice kanina iced tea. Anong sunod sterelized milk? 

"Uyyy Maira, maupo ka dun magre-rest room lang ako sandali" pagpapalam sa akin ni Scian. At si Jade? Well as usual siya nabili ng lunch namin. 

Kaya eto ako ngayon nag-iisa, ang drama ah! 

Habang nagce-cellphone ako, may biglang lumapit na babae sa akin. At laking gulat ko nang mapagtanto na ko kung sino ito.

"Kung iniisip mo na sasaktan ulit kita katulad ng kanina, nagkakamali ka nandito ako para kausapin ka ng masinsinan" seryosong saad niya.

"Uhhmmm okay, ano bang sasabihin mo Jace?" yes, si Jace nga ang kaharap ko ngayon, hindi ko akalain na pupuntahan niya ako dito para kausapin lang ako. 

Umupo siya sa upuan na kaharap ko. 

"I'm here to say sorry, for what I did yesterday and yung kanina" paghingi niya ng tawad. Whut? Si Jace ba talaga toh? Balak ko sanang hawakan ang noo niya para malaman kung nilalagnat siya, pero wag na lang baka magalit pa sakin eh nagsosorry na nga. 

"Uhhm kalimutan mo na lang yun Jace, naiintindihan ko naman na galit ka lang sa akin sa mga panahong yon" I said displaying my smile. 

"Pinaliwanag na sa akin ni Kevin ang nangyari, sinabi niya sa akin na dare lang iyon, at ikaw talaga ang gusto niya. Kaya tinanggap ko na lamang ang rason na iyon. Kaya sorry talaga sa mga ginawa ko pinangunahan ako ng selos kahit naman walang dapat ikaselos" pagpapaliwanag niya. 

"Kagaya nga ng sinabi ko kanina Jace, kalimutan na lang natin yun. Pinatawad na kita bago ka pa man humingi ng tawad" yun na lamang ang tanging nasagot ko kasi sa totoo lang unexpected ang mga nangyayari, hindi ko alam ang mga dapat na sabihin. 

"Omyyy G, thank you Maira" pagpapasalamat niya sa akin. Ngumiti naman ako bilang pagsagot. 

"Anyway mauuna na ako, pinuntahan lang talaga kita rito para manghingi ng sorry, yun lang kaya byeeee" pagpapaalam niya pa sa akin bago tumayo at lumabas sa canteen. 

"Hoy Maira! Nakita ko yon ha! Ano namang ginawa sayo ni Jace?" natatarantang sabi ni Scian, mukhang kakabalik niya palang galing rest room. 

"Oo nga, sinaktan ka ba ng kapatid ko? Binantaan ka ba niya? Ano nagbigay ba ng death threats? Ano?! Sumagot ka?!" at pinakisamahan pa talaga siya ni Jade, bitbit niya pa ang tray ng lunch namin, binababa niya naman ito at umupo na.

"Alam niyo ang judgemental niyo, lalo ka na Jade kapatid mo yun tas kung ano-anong masamang salita ang nilalabas mo sa bibig mo" pagsesermon ko sa kanila. 

"Ayy hehe, sorry naman worried lang kami" pagsagot ni Scian. 

"So, ano ba talagang ginawa ni Jace dito kanina?" tanong ni Jade.

"Nanghingi siya ng sorry, tapos ayun pinawad ko naman" pagsasabi ko ng totoo. 

"Weird" sabay nilang saad.

"Huh? Anong weird don?" naguguluhan kong tanong. 

"Kasi nagsorry siya sayo" sabay ulit nilang wika.

"Ano namang weird sa pagso-sorry? Normal lang yun sa mga taong nakagawa ng kasalanan" 

"Oo nga naman" pag sang-ayon ni Scian

"Basta Maira baka kasi may pinaplano yun" pagtanggi naman nitong si Jace. 

"Wag ka ngang judgemental Jade" sabi ko sa kanya. 

"Ahahaha eto naman, biro lang" pagtawa ni Jade. 

Pero napaisip ako sa sinabi ni Jade, wala naman siguro siyang binabalak ano? 

Sana nga, wala.

Sana hindi magkatotoo ang mga hinala ni Jade.


Dear Heart,

Mukha namang sincere sa pagsosorry si Jace kanina, nag-ooverthink lang talaga si Jade eh! Pero ikaw sa tinggin mo? May binabalak ba si Jace sa akin? Wala naman siguro diba? 

-Maira.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon