<59> Birthday Revelation

59 6 5
                                    

Maira's POV

Pagkatapos naming magkwentuhan at kumain ay hinatid ko na sila Jade at Scian sa labas para makauwi na sila. Hapon na kasi kaya kinakailangan na din nilang umuwi. Hinatid ko lang sila para makapagpaalam nadin. 

"Thank you Scian at Jade sa oras nyo" pagpapasalamat ko sa kanila. 

"Ano ka ba naman Maira kami nga ang dapat magpasalamat sa iyo" 

"Dahil pinagbigyan mo ang request namin ni Jade" magkadugtong nilang sabi. 

Sabay sabay naman kaming napatawa ng mapagtanto namin na we're on the same both again. Parehas na nagpapasalamat. Connected na ata ang mga utak namin. 

"Oh siya mauuna na kami ha" pagpapaalam nila. Tumango na lamang ako bilang response. 

"Happy Birthday ulit" habol pa nila bago sumakay sa kotse nila Jade, ihahatid na din ni Jade si Scian papunta sa kanila. Tutal siya naman nanghila sa kanya papunta sa school kanina.

Hinitay ko munang makaalis ang kotse na kinasasakyan nila bago ako pumasok sa bahay. 

Kakatapos lang din ni nanay mag-imis ng mga ginamit namin kanina.  

"Happy Birthday nak" salubong ni nanay sa akin tapos niyakap pa ako.

Syemays, ano naman ang drama ni nanay ngayon?

"Nay umiiyak po ba kayo?" nag-aalala kong wika kasi nararamdaman ko na nababasa yung uniform ko. 

Humarap naman siya sa akin at confirmed! Maluha luha si nanay ngayon. 

"Nay?" pagtawag ko sa atensyon nito.

"Wala lang ito nak. Ang saya lang isipin na ikaw ay dalagita na" dahilan ni nanay. Pero tuloy padin ang pagtulo ng luha nya. Syemays, hindi ba masaya si nanay na dalaga na ako? Gusto nya bang manatili ako sa pagkabata? Teka naman, hindi pwede yun! 

"May nangya-"

"Kwentuhan mo naman ako sa nangyayari sa'yo" pagpuputol ni nanay sa sasabihin ko. 

"Uhm ano po bang ikwekwento ko?" pagpayag ko sa gusto nya. 

"Tungkol sa inyo ni Kevin, hindi ba't nililigawan ka nya nak?" mapang-asar na tono ni nanay.

Agad namang bumigat ang damdamin ko. Bumalik ang sakit na nararamdaman ko kanina. Hindi ko na namalayan na natulo na pala ang mga luha ko. 

"Nak? Anak, Maira. Bakit? Bakit ka naiyak? Tears of joy ba? Ano?" sunod sunod na tanong sa akin ni nanay. Kitang kita ko sa mukha nya ang pag-aalala. 

"Nay ansakit" tanging nasambit ko bago ako yumakap at umiyak sa balikat ni nanay. 

"Shhh tahan na. Nandito lang si nanay Sunshine mo" pag-aalalo sa akin ni nanay. 

"Nay masakit. Ansakit sakit" ang tanging nababanggit ko sa gitna ng aking pag-iyak. 

Hinayaan nya akong umiyak. Tahimik akong kino-comfort ni nanay. Hanggang sa kusang tumigil ang pagluha ko. 

"Nak, pwede mo na bang ikwento sa akin ang nararamdaman mo?" alalang tanong niya sa akin at pilit na hinaharap sa kanya. 

Noong hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita. 

"Maupo ka muna anak, kukuha lang ako ng mainit na sabaw sa kusina" pagpapaalam nya sa akin. 

Sumunod naman ako sa sinabi nya at tahimik na naupo. Kalaunan ay dumating na si nanay, dala dala ang mainit na sabaw na kanyang niluto. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon