Maira's POV
Kagaya nga ng sinabi ni Kevin kanina bago kami umalis ng bahay ay dumaan muna kami sa mall, para mamili DAW ng damit ko. Eh ayos din pala ito eh, mapunta pa sana ako dun sa may mga sale kaso hinila na ako dun sa isang mamahaling boutique akala ko dun niya ako pamimiliin ng damit kasi okay lang naman saken eh, libre eh mwehehe. Pero ang hindi ko inaasahan ay dumaan lang talaga kami roon at may nag-abot sa kanya ng paper bag na inabot niya din sa akin, ayos den e. Pasa-pasahan lang ganern? Nagmukha naman akong katulong neto. Pero pagkabuklat ko sa paper bag dahil out of curiousity ko na den, ay lalo akong nanliit sa mga damit ko. Syemays! Damit pa ba ito? O ginto?! Pwede ko na itong ipambili ng second hand cellphone eh. Sa mahal ba naman ng damit na ito?
3,499 php.
Gaano ba kayaman etong lalaking eto? Grabe kung makagastos, hindi niya ba alam na napakadaming naghihirap na tao tapos eto siya gastos ng gastos na parang wala ng bukas?
Balak ko na sanang sabihin iyon sa kanya kaso may inabot na naman siya sa aking box, ni hindi ko man lamang namalayan na naglalakad pala kami patungo sa kung saan, bubuksan ko na sana yung laman ng box kaso hinila na naman niya ako patungo naman sa grocery store, ano bang problema ng lalaking eto? Kung makahila wagas, hindi naman niya ako alagang aso na kailangang ilakad sa mall.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin rito ay kumuha na kagad siya ng napakalaking pushing cart, alam nyo yun? Yung parang mamimili ka na pang sari-sari store dahil sa sobrang laki neto. Gaano ba kadami ang bibilhin niya dito? Balak niya bang mag negosyo sa pupuntahan namin? Napatingin naman ako sa pinagkuhanan niya nung cart, meron naman mas maliit doon ah? Bakit kaya yun ang kinuha niya?
Maya-maya pa'y kumuha na siya ng kutkutin. At halos lahat ng dadaanan namin ay may kinukuha siya, baka nga magtatayo siya ng sari-sari store sabagay magandang ideya din iyon para may income din siya habang nagbabakasyon, ayos den pala ito eh business minded.
At sa wakas natapos na din siya sa paghahakot, kaso bakit puro pagkain lang ang kinuha niya? Diba sa sari-sari store may mga sabon den? Shampoo ganun? Eh bakit wala siyang kinuha?
"Hoy Kevin, wala ka na bang kinalimutan kunin?" nagtatakang tanong ko.
"Bakit may gusto ka pa bang idagdag dito? Kumuha ka na akong bahala magbayad" wow galante kung gusto kong bilhin lahat ng gamit sa mall na ito, mabibili niya kaya?
"Ahmm wala naman, nagtataka lang ako kung bakit wala kang mga sabon na kinuha" halos pabulong ko ng sabi.
"What do you mean?" naguguluhan niya ding tanong sa akin.
"Diba magtatayo ka ng sari-sari store sa pupuntahan natin? Ang dami kasi ng pinagkukuha mo" sambit ko sabay turo doon sa cart na halos umawas na ang laman.
"What?! Are you insane? Seriously sari-sari store?" halos naiinis niyang tinig.
Uh-oh wrong move Maira.
"Ay ha.ha.ha.ha ikaw naman hindi mabiro" pagpapalusot ko na lamang, mahirap na baka kung ano pang magawa niya sakin dito ang dami pa namang tao sa mall.
"Tsk. Magbihis ka na ako na ang bahala dito" sabi niya at bahagya niya pa akong tinulak, wow grabe ganito ba kalaki ang inis niya sa akin at pinapalayas niya ako?
"Okay sige, basta hinatayin mo'ko ha? Bye" pagpapaalam ko. Dala dala ko pa din yung paper bag at yung box. Alam ko naman kung nasaan ang rest room dito, minsan na din naman kami pumunta ni nanay dito para bumili dati sa mga stools na may 50% sale.
Pagkapasok ko rito hindi ko na pinatagal pa ang kilos ko agad akong pumili ng bakanteng cubicle at sinimulan ng magbihis.
Pagkalabas ko ay may isang malaking salamin ang sumalubong sa akin, kitang kita ko ngayon ang itsura ko. Suot suot ko ang binigay ni Kevin sa akin isang off shoulder dress hanggang tuhod ang haba nito at kulay beige ito meron ding kasamang ribbon dun sa paperbag kaya naman ginawa ko itong pamuyod.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...