<84> Harana Version 2

34 6 0
                                    

Kevin's POV

Hindi ko alam kung paano itatago ang nararamdaman ko ngayon. Ngiting ngiti akong bumalik papunta sa kwarto ko rito sa hospital. Pagbukas ko ng pintuan nandoon na sina Mommy, Daddy, at syempre yung kakambal kong matalino, si Kurt. Nandoon din yung dalawa kong mokong na kaibigan. Si CJ ang agad na lumapit sa akinat sinundan siya ni Ash. 

"Ngiting tagumapay ah, nakascore ka ba?" bungad na kabalbalan ni CJ kaya agad ko siyang inambahan ng sapok kaso naunahan ako ni Ash nabatukan niya na kagad ito.

"Aray!" pag-inda niya sa pangbabatok sa kanya ni Ash.

"Ang bastos kasi ng bunganga mo. Wala ka talagang pinamimilian na lugar. Dito pa talaga? Kung kelan kumpleto ang pamilya ni Kevin?" pangaral sa kanya ni Ash. 

"Hindi bunganga ko yung bastos, yung mga utak nyo yun. Ang kikitid! Palawakin nyo nga para kahit papaano ay maintindihan nyo ang sinasabi ko" pagtatanggol pa ni CJ sa sarili. 

"Kunwari ka pa CJ alam namin ang takbo ng utak nyo" pagsang-ayon ko sa mga sinasabi ni Ash. 

"Hehe" pakamot kamot na sabi nya. 

"Tanggi pa" hirit pa nitong si Ash. 

"Bal tara na kain na tayo" sabat ni Kurt at ipwenesto na ako sa mga pagkain. 

"Magpagaling ka anak ha" bungad ni Mommy sa'kin. 

"At tigilan mo na yang pakikibakbakan mo" gatong ni Daddy. 

Hay, alam na nga pala nila ang lahat. Sinabi na nung dalawa, hindi ko na dapat sila kagalitan. Kasi tama din naman ang ginawa nila. At saka umamin na din naman ako, wala na kasi akong maisip na palusot, biro lang. 

Pagkatapos kumain ay gusto ko na ulit bumalik sa kwarto ni Princess, ang saya kasi ng kwentuhan namin kanina. Parang normal lang kaming nag-uusap at parang wala lang sa amin ang nakaraan namin. Yun yung gusto kong maramdaman palagi, mukhang napapatawad niya na ako unti-unti. 

"Anak mauna na kami ng Daddy nyo ha? Alam mo naman na may trabaho kami diba?" pagpapaalam ni Mommy pagkatapos naming kumain. 

"Ayos lang po, naiintindihan ko naman" tugon ko sa kanya.

"Mag-iingat ka palagi" salaysay pa ni Daddy. Tumango na lamang ako bilang sagot. 

"Ako din bal, may pupuntahan pa ako" pamamaalam naman ni Kurt.

"At saan naman iyon?" pag-uusisa ni Mommy.

"Diyan lang po hehe" nahihiyang sagot nito.

"Sus may chicks na yan Mommy" pagbubunyag ko sa sekreto niya kaya sinamaan niya ako ng tinggin.

"Talagang mga binata na ang mga anak ko" tuwang tuwa na sambit ni Mommy at kapwa ginulo ang buhok namin ni Kurt.

"Mom!" angal naming pareho. 

"Tama na yan, binata na yang kambal natin wag mo na sila gawing baby" pabirong pagsasaway ni Daddy kay Mommy. 

"Masama ba?" maktol pa ni Mommy.

"Oh siya aalis na kami at baka kami ay mahuli pa" pamamaalam na nila ng tuluyan.

"Ako din Kevin hehe" dagdag pa ni Kurt.

"Galingan mo naman kumilos Kurt, isang taon na ata iyan ah" pang-aasar ko sa kanya. 

"Kahit ilang taon pa, handa akong maghintay para sa kanya" nakangiti niyang salaysay habang nakatingin sa kawalan. 

"Yuck! Kadiri"

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon