Maira's POV
"Don't be jealous my Princess, I assure you that you will be my queen of our own Castle" hirit niya pa.
"I'm not Jealous" pagpupumilit ko.
Selos na nga ba talaga yun? Eh wala pa ngang kami eh tapos selos kagad? Aba naman alam ko din ang limitasyon ko.
"If you're not then why are you here? Why did you leave me with Jace?" tanong niya.
Isa lang naman ang dahilan eh, kasi
Nalipat ang atensyon mo sa iba
But of course, I wouldn't say that to him baka mamaya ipagpilitan na naman niya na nagseselos ako.
"Kasi naiinis ako, di ko alam" tugon ko na ikinangisi niya.
"Confirmed you're jealous" pagpupumilit niyang muli, kulit den eh.
"I'm not" mataray kong saad.
"Okay sabi mo eh" wika na lamang niya pero bakas padin ang pang-aasar niyang tinig.
"Teka nga? Nasaan ba tayo? Anong lugar ito?" pag-iiba ko ng usapan.
"Taguig" simpleng niyang sagot.
What?! Taguig? Ano namang meron sa Taguig at dito niya ako dinala?
"Ano bang meron dito?" pag-uusisa ko sa kanya.
"You'll see" pabitin talaga syemays, nagulat ako ng hinila niya ako dali daling naglakad sa kotse niya.
"Oyy saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Italy on Philippines" simpleng saad niya bago ako bahagyang itinulak papasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Agad naman akong napaisip, pwede ba yun? May Italy sa Pilipinas? Eh sa isang bansa yun diba?
"Hoy saan ba tayo pupunta? At anong Italy sa Pilipinas? Ang gulo mo" sambit ko pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa kotse niya.
Binuhay niya muna ang makina nito bago nagsimula magdrive akala ko wala siyang plano na sabihin sa akin kung anong tinutukoy niya pero nagsalita siya.
"As I said earlier to Jace I want it to be a surprise, girls do like surprises" proud niyang wika, sabagay nakakaexcite nga maranasan ang ganon, hindi lang naman babae ang may gusto ng surprises di'ba?
Hindi na lamang ako umimik dahil hindi ko na din alam ang sasabihin pa sa kanya. Kahit naman ata paulit-ulitin ko ang tanong ko ay hindi niya ito sasagutin ng maayos malamang sa malamang ang mga isasagot niya lang ay 'you'll see' 'secret' 'it will be a surprise' at kung ano-ano pa, hindi ako fortune teller ha, talagang malakas lang ang instinct ko na yun lang din ang mga isasagot niya sa akin kaya nanahimik na lamang ako sa tabi niya.
Di rin naman nagtagal at huminto na ang sasakyang kinasasakyan namin.
Tumigil kami sa isang mall ngunit parang may iba sa arrangement nito.
"Where are we?" siguro naman sasabihin na niya sa akin kung nasaan na kami.
"Venice Grand Canal Mall" simpleng saad niya.
"Venice? Hindi ba't city iyon sa Italy? So how come na nasa Venice Grand Canal Mall tayo? We're at the Philppines" naguguluhan kong wika. Pinagloloko ba ako ng taong ito? Venice? sa Pilipinas? Sinong niloloko nyo?
"As I said earlier we're going into Italy on the Philippines" pagpapaliwanag niya.
"Pwede ba yun? Italy in the Philippines? Impossible naman ata?" naguguluhan ko pa ding tanong.
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...