<86> Accident

32 5 0
                                    

Kevin's POV

"Ano ba naman iyan istorbo" dismayado kong sabi.

"Sagutin mo na baka importante" natatawang utos sa akin ng Prinsesa ko.

"Hello Mommy?" pagsagot ko sa tawag. 

[A-Anak I'm sorry to d-disturb y-you but I-I need t-to say you t-this your f-father is d-dead and K-Kurt is o-on a c-critical condition, h-help your t-twin brother, p-please] garalgal ang boses ni Mommy at halatang umiiyak siya. 

Nabitawan ko ang aking telepono at dahan dahang napaupo habang tumutulo ang luha ko. This can't be happening. Daddy is gone and Kurt is on a critical condition. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang mga binalita ni Mommy sa akin, ni hindi ko na nga nacheck kung napatay ko manlang ang tawag. 

My brother needs me.

"S-Si K-Kurt" garalgal kong sabi sa kawalan at naramdaman ko na niyakap ako ni Princess. 

****

"T-Tita ano p-pong nangyari?" bungad na tanong ni Princess kay Mommy. Hindi naman kagad nasagot ito ni Mommy dahil halatang wala siya sa huwisyo. Nawalan na siya ng asawa at may posibilidad na mawala pa ang isang anak niya. 

"A-Accident" tanging nausal ni Mommy kaya agad akong napayakap sa kanya. I need to comfort her no matter what happens. Alam kong mahirap at masakit din para sa akin pero nararamdaman ko na mas masakit ito sa side ni Mommy. 

"Mom I'm always here" pag-aalo ko pa sa kanya. 

"Kevin, mabili lang muna ako ng makakain" paalam sa akin ni Princess, tinanguan ko na lamang siya dahil hindi ko magawang magsalita pa. 

"M-Mom ano ba talagang nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. 

"Isinama kasi ng daddy nyo si Kurt sa business meeting, balak ka din sana niyang isama kaso naiintindihan niya na Monthsary nyo ni Maira. Sakto naman na si Kurt ay free time niya kaya sumama siya sa daddy nyo. Pauwi na sana sila ngayon eh, katawagan ko pa nga sila habang nasa biyahe sila but minutes later I heard I loud crash, I tried to speak to them again but the call was ended. Kaya agad akong humingi ng tulong, and then there was a report that there is a car accident at isinugod sila rito sa hospital. Kaya agad akong pumunta rito and then this heartbreaking truth slaps me hard" pagkwekwento niya sa akin. Trying to keep her voice calm but sometimes she can't control it at ramdam ko talaga ang sakit na dinadala niya. 

"Tita, inom po muna kayo ng tubig" alok ni Princess at iniabot kay Mom ang isang bote ng mineral water. Ni hindi ko manlang napansin na naririto na pala siya. 

"Salamat hija" pagpapasalamat ni Mom at pilit pinapakalma ang sarili. Tumango na lamang siya at ako naman ang inialok ng tubig. 

"Thank you, Princess" I said my thank you. 

"Your welcome" wika nito at nagpilit ng ngiti. I can see in her eyes that she's trying to spread a positive vibe. And by smiling I can see that she's trying her best to lighten up the atmosphere here. 

Ilang minuto pa ang itinagal namin rito sa labas ng emergency room bago lumabas ang doktor na umasikaso sa kapatid ko. Agad namang tumayo at lumapit si Mommy doon kaya sumunod kami ni Princess sa kanya. 

"Doc, how's my son?" bungad na tanong kagad ni Mom. 

"I wouldn't take this too long, but there is good news and bad news" sambit ng doktor. 

Agad namang nabunutan ng tinik ang kalooban ko, atleast may good news na kay Kurt but there is still a bad news. 

"The good news is your son is not on a critical condition anymore" anunsyo ng doktor kaya kahit papaano ay nakahinga na si Mommy. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon