<54> Failed Plan

56 7 0
                                    

Kevin's POV

"ANO?!" sabay na sigaw ng dalawa kong mokong na kaibigan. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko, sa bahay namin at kakabanggit ko lang ng sitwasyon. Kakatapos lang naman ang eskwela at napagpasyahan ko nang ikwento sa kanila ang nalalaman ko. Hindi ko muna hinatid si Maira para dito, pero nagsabi naman ako na babalik ako mamaya. Naggagawa pa naman sila ng project kaya okay lang naman daw. It's been 3 days since the last incident happen. Hindi ko kagad nasabi sa kanila dahil masyado akong nadismaya sa nangyari, at isa pa lagi kong hinahatid at sundo si Maira, para syempre hindi makatunog at ginagawa ko na din itong pampalipas oras. Lalo lang kasi ako naiistress sa mga nangyayari, stress na ako kung ano na ang pwedeng gawin. Kaya napagpasyahan ko ng sabihin sa mga kaibigan ko ang lahat para makahingi na ng tulong. 

"Wala na nasabotahe na ang plano ko" nadidismaya kong ulit sa kanila.

"Bakit hindi mo kagad sinabi sa amin?" tanong ni CJ.

"Nawalan na ako ng oras at isa pa nakakalimutan ko din" pagdadahilan ko. Ang totoo kasi nyan kaya ko nakakalimutan ay dahil lagi ko ng kausap si Maira. Chat, text, calls, nagkakamustahan lang naman kami palagi. Hindi ko din alam kung bakit nakikita ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang kausap siya. Hindi ko alam kung bakit ko na lang siya biglang tatawagan, biglang itetext. Hay nako, ang obvious na naman pala ng dahilan syempre fake girlfriend ko yun, kailangan kong umakto na parang isang totoong boyfriend para hindi siya makahalata na patibong lang ang lahat. Pero paano ko ipapalabas na plano ko lang ang lahat? Binunyag na ni Scian ang plano ko, pero mabuti na lang hindi siya naniwala. 

Ano na lamang ba ang gagawin ko?

"Kevin"

Ititigil ko na lang ba ang plano ko?

"Hoy dude, tawag ka ni Ash"

Pero sayang naman

"Kevin are you with us?"

Nasimulan ko na ang lahat

"Hoy Kevin"

Ang layo na ng narating ko

"Kevin, what the hell are you thinking?"

Tapos ititigil ko na lang?

"Pfft Bingi!"

Sayang naman

"KEVIN!"

"HINDI KO ITITIGIL ANG PLANO!" sigaw ko ng mapakinggan ko ang sabay na sigaw ng dalawa sa pangalan ko.

"Huh pinagsasabi mo?" naguguluhang wika ni CJ.

"Sino bang may sabi na ititigil mo ang plano?" gatong pa ni Ash.

"Wala" sagot ko.

"Teka nga bakit ba kasi kayo sumisigaw?" naiirita kong tanong sa kanila.

"Pwede naman akong tawagin na malumanay lang sisigaw pa" dagdag ko pa.

"Wow ha, kanina ka pa kaya namin tinatawag" reklamo ni Ash.

"Oo nga dude, lalim ata ng iniisip mo kanina kaya hindi mo kami napapakinggan" dagdag pa ni Ash.

"Ano bang sasabihin nyo?" inis kong wika.

"Ako, wala na akong sasabihin sa ngayon pero baka mayamaya ay meron. Pero itong si Ash, siya talaga ang may sasabihin sa'yo. Nakisama lang ako sa pagtawag sayo kasi mukhang nabibingi ka na kanina. Uso kasi maglinis ng tenga ket minsan lang" mahabang putak ni CJ. Ang daming sinabi pwede namang sabihin na si Ash ang may sasabihin sa akin. 

"Ano ba yun Ash?" tanong ko naman sa isang ito.

"Tinatanong kita kanina kung ano na ang gagawin mo sa ngayon" malumanay na tanong nito sa akin. 

Sasagot na sana ako ng 'hindi ko alam' ng may dumating sa akin na text message. Galing kay Maira. Dali dali ko itong binuksan at binasa.

'Wag ka ng bumalik ng room, may pupuntahan lang kami ni Jade'

Magrereply na sana ako ng saan ng bigla akong kinulbit ni Ash.

"Hindi ko alam" tanging sagot ko, uulitin lang naman niya ang tanong niya. 

At hindi ko din alam kung bakit ako dali daling tumayo at lumabas ng kwarto ko.

"Pasaan ka?" sabay na tanong ng dalawa.

"Maira" tanging sagot ko na lamang at umalis na. Alam na naman siguro nila kung saan ang punta ko. Saan nga ba ang punta ko? Walang sinabi si Maira kung saan sila pupunta. Kevin isip, saan pa nga ba pwedeng pumunta si Maira maliban sa bahay nila at sa school?

Sa bahay ni Scian

Sa bahay ni Jade.

Mas inuna ko ang bahay nina Scian kasi mas malapit ito kesa sa bahay nina Jade. Naguguluhan na ako sa sarili ko ngayon, bakit ko ba hinahanap si Maira? Bakit ba ako nagkakaganito?

Babalik na sana ako kaso malapit na pala ako sa bahay nila Scian. Dumiretso na lamang ako, sayang den naman ang oras na pinuntahan ko rito. 

Bumababa ako saglit para tinggnan ang mansyon nila Scian, at napaisip ako ng kung ano ano. Paano kaya kung wala si Maira, ano na kayang namamagitan sa amin Scian? Paano kaya kung pinormahan ko na kagad si Scian noon. magagawa ko pa kaya ang plano na ito? Paano kaya kung tuluyan na akong nahulog kay Maira magagawa ko bang itigil ang plano ko? Paano kung si Maira na ang gusto ko, ano nang kahihitnan ko ngayon?

Teka nga bakit na naman napunta sa usapan ang Maira na iyon?

Napatingin ako sa aking kanan ng may marinig akong makina ng sasakyan. Hindi naman masyadong tinted ang kotse kaya kita ko kung ang naroroon, sina Maira at Jade. 

Agad na akong umalis ng makita kong titig na titig sa akin ni Maira, malamang sa malamang ay sinusuri niya na ang katauhan ko. Umalis na ako baka kung ano pa ang konklusyon na mabuo sa isip niya kapag nalaman niyang pumunta ako rito sa bahay nina Scian. Kahit ang totoo naman ay nandito ako para siguraduhin na dito siya pupunta, hangad ko lang naman ang kaligtasan niya.

****

Pagdating ko sa bahay papaalis pa lang ang dalawa kong mokong na kaibigan. Mukhang napasarap ata ang pagtambay sa loob ng kwarto ko. 

"Oh bakit ang bilis mo ata?" puna ni CJ.

"Wala naman" tanging sagot ko na lamang, wala akong madahilan eh.

"Kevin, may naiisip ka na bang plano?" seryosong tanong ni Ash.

"Wala pa nga eh, hay kung nakinig lang sana ako sa inyo noon na gumawa ng back up plan edi sana magiging maayos lang ang lahat" pagsisi ko.

"Buti naman at alam mo ang mali mo" sabat ni CJ. Sinamaan ko lang siya ng tinggin. Nag peace sign naman ang mokong. 

"Ikaw ba Ash, may naiisip ka ba?" paghihingi ko ng opinyon sa matalino kong kabigan.

"I'm glad you asked" nakangiti nitong wika.

"Yun! Iba talaga pag matalino hindi kinakalawang ang utak" sambit pa ni CJ. 

"Talaga, ano yun?" pag-uusisa ko.

"This plan will be held on Shamaira's Birthday" dagdag pa ni Ash.

"Yes naman planadong planado na" puna na naman ni CJ.

"Tell us more about it" saad ko rito.

Agad naman siyang umayos ng upo kaya napaayos din kami ng upo ni CJ para makinig sa plano niya. Nagsimula naman na siyang magdiscuss.

Hanga na talaga ako kay Ash, siya na halos ang nagbibigay ng plano na ipapagawa sa akin. At sana hindi na mabigo pa ang plano na ito.

I have exactly 1 week to prepare for Maira's Birthday.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon