Maira's POV
Last subject na ngayon at ako at naiinip na, hindi ko din kung bakit ako naiinip. May hinihintay kasi ako mangyari.
Hindi yung panunuyo ni Kevin ang hinihintay ko ha! Wag kayong ano! Bat ko naman hihintayin yun? Wala namang rason diba? DIBA?! Syemays na may prays nakakainis.
Hindi nga yung panunuyo ni Kevin ang hinihintay ko! Bat ba ang kulit mo? Sino bang inaaway ko rito? Para akong tanga na naghihintay sa panunuyo ni Kevin.
Ay bwisit, nadulas.
Oo na, oo na! Nadulas na eh, ano pa bang magagawa ko? Lintik na yan ah.
Kanina ko pa talaga hinihintay na mangyari yon, lalo na't alam kong nagpaliwanag na siya kay Jace at kung sineswerte ka nga naman tanggap daw iyo ni Jace, oh diba? Astig. Handa na akong magpatawad pero ang tanong,
Sinong papatawarin ko?
Si Kevin.
Pero handa ba siyang manghingi ng tawad?
Sana.
Tuloy pa kaya ang panliligaw keneme niya?
Malalaman natin mamaya.
Paano?
Kapag sinuyo niya ako.
Eh pano kapag hindi?
Edi pipilitin. De joke lang, slight lang naman hehe, matatag toh noh!
"Woooooaaaaahhhh!!!! Kumapit po tayo at malubog na ang barko!!!!!" OA na saad ni Scian. Lukaret talaga.
"May kaibigan po kaming napakalalim kung mag-isip tayo po ay maghanda na at baka sabay sabay tayong lumubog sa kawalan" gatong pa ni Jade. Ayos talaga ang dalawang ito eh pagtulungan ba naman ako.
"Ano bang problema niyo?" naaasar kong tugon. May iniisip ang tao eh! Panira.
"Kami pa talaga ang may problema, aber?" sarcastic na sabi ni Jade, areh na nga ho magtataray na naman ang Shy Maldita nyo.
"Pffftt... hahahaha. Kasi naman Maira, kanina pa pong uwian, tinatawag ka namin kanina pa ni Jade pero nakatingin ka sa kawalan" natatawang sambit ni Scian.
Kaya agad ko namang inikot ang mga mata ko sa loob ng classroom. Oo nga kami na lang tatlo ang tao rito. Grabe ganoon na ako katagal nag-iisip?!
"Wag mo na kasing isipin yun, mahal ka nun!" mapang-asar na sabi ni Scian.
'Ge nga kung mahal ako non, eh bakit hindi niya pa ako sinusuyo?! Kanina pa ako naghihintay, end of story na ba kami? Hanggang dito na ba ito? Wag naman sana' mga katagang gusto kong ibalibag sa pagmumukha ng dalawa kong kaibigan kaso wag na lang at baka mapagtripan na naman ako.
"Tara na nga dami nyong satsat eh" wika ni Jade bago tuluyang lumabas sa classroom.
Nagkibit balikat na lamang kami ni Scian dahil nagtataray ang mahal naming kaibigan. At iisa lang ang nasa isip namin.
'Baka may dalaw'
Pagkalabas namin ni Scian ng classroom nandun padin si Jade mukhang hinihintay talaga kami. Kaso sa kabilang banda nandun ang tatlong ugok at syempre galit-galitan mode muna ako dun sa isa, hehe para malaman natin kung susuyuin niya ba ako oh ano.
"Oh tara na, tagal tagal kumilos eh" naiiritang sabi ni Jade.
Confirmed mga bes, may dalaw nga ang lola nyo!
BINABASA MO ANG
When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)
Teen Fiction{Bad Love Series#1} STORY BETWEEN TWO BAD STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. PRINCE KEVIN SUAREZ IS THE BAD BOY AND PRINCESS SHAMAIRA MCBRIDE IS THE BAD GIRL, THOSE TWO ARE THE GREATEST RIVALS FOR SOME UNKNOWN REASONS. MAIRA IS AN ORDINARY STUDENT BUT SOM...