<85> Love Monthsary

32 4 0
                                    

Maira's POV

Ilang buwan na din ang nakalipas simula noong naging kami ni Kevin. Magkasama kaming nagdiwang ng pasko sa bahay namin ni Mommy, at noong bagong taon naman ay sa kanila kami nagdiwang. At noong birthday ko naman ay namasyal lang kami sa mga dati naming napuntahan. Para daw hindi lang masasamang alaala ang nandoon para sa amin dalawa. 

Napakasaya ko dahil tanggap ako ng pamilya nila at ganoon din naman si Mommy sa kanila. Naibalita ko na rin kay nanay na kami na ni Kevin, at laking tuwa niya dahil hindi ko na daw pinairal ang galit ko at mas piniling paniwalaan ang pagmamahal. Kaso minsan napapansin ko na iwas sa akin ang Mommy ni Kevin pero hindi niya naman ayaw sa akin. Siguro napaparanoid lang ako at ginagawan ng issue ang maliliit na bagay. 

Wala naman na kaming issues ni Kevin, may mga napag-aawayan at napagtatampuhan pero agad din naman naming inaayos dahil yun ang nararapat. At pagdating naman sa mga kaibigan niya at kaibigan ko, nagkakasundo naman na kaming lahat. Para na nga kaming isang circle of friends eh. Wala nang problema ang humahadlang sa amin. At sana wala na talagang dadating pa, kung meron man sana palaging may solusyon kaming makikita. Ayaw ko ng maulit pa muli ang masaklap na pinagdaanan naming dalawa at ayaw ko ng muling malayo sa kanya, kay Kevin. 

Today is our Second Monthsary, hindi kami nakapagcelebrate nung First kasi saktong pumatak ito sa Christmas Party namin, at dahil Grade 10 na kami ngayon, maghapon na Christmas Party kasi ito na ang last year namin bilang isang junior student. Nasulit din naman namin ang araw na yun kaso may mga kasama kami pero okay lang naman yun nag enjoy naman kami sa Party. Doble Celebration para sa aming dalawa at maging ang section namin ay nalaman na kami na kaya as usual nauwi na naman sa asaran. 

Flashback:

Christmas Party

"Hoy ang landi ng dalawang eto hindi na umalis doon eh, panay titigan!" biglang hiyaw ni Jade sa aming dalawa ni Kevin. 

"Kaya nga ni hindi na sumasali sa games" paggatong ni CJ. 

"Tsk, lovebirds" iiling iling na sabi naman ni Ash.

"Pabayaan nyo na nga, monthsary din naman nila ngayon!" pagsaway sa kanila ni Scian.

"Monthsary?" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase namin. 

"Syemays" nahihiya kong sambit at umiwas ng tinggin sa mga kaklase namin. 

"Oo kami na!" malakas na sigaw naman nitong katabi ko kaya naghiyawan ang lahat maging si Ma'am Lyn na adviser padin namin ay nakihiyaw rin. 

"Congrats" saad pa ni Ma'am. 

"Ayieeeee~" at simula noon ay palagi na kaming inaasar ng mga ito. Lakas kasi magreveal ng mga kaibigan namin eh. 

Christmas

Sabay sabay naming sinalubong ang pasko sa bahay namin, ininbita kasi ni Mommy ang family ni Kevin para dito magcelebrate. Umoo naman sila basta daw sa kanila naman kami magdidiwang ng bagong taon. Nagkasundo naman ang lahat kaya heto kami ngayon at kumakain ng notche buena. Nandito din si nanay upang makidiwang ng pasko kaso hindi siya makakapunta sa bagong taon dahil may program sila sa simbahan. 

Nagkwentuhan naman ang lahat habang kumakain kami, hindi naman na kami nakisabat ni Kevin dahil usapang matatanda iyon kaya nang matapos kami ay agad kaming pumunta sa garden. 

"Merry Christmas" sabay naming bati sa isa't isa at kapwa may ibibigay na regalo. Agad din naming binuksan iyon at laking gulat ko ng isang two piece bikini ang regalo niya sa akin. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon